"CINDY! Ano ba babangon ka ba diyan o kakaladkarin kita pababa ng hagdan?!" sigaw ng Tiyang Lupe niya.
"Andyan na po!" agad siyang bumangon at nagtali ng buhok. "Si Tiyang talaga ang aga aga nambubulahaw nanaman ng kapitbahay."
Pagkababa niya ay nakasalubong niya ang bestfriend niyang si Ferdie. "Uy, pards. Mukhang ang sarap ng tulog mo ah. May panis na laway ka pa. Mumog ka muna bago mo kausapin ang Tiyang mo. Mukhang badtrip nanaman sa mundo." natatawang binuhat na nito ang dala-dalang timba. "Una na ako. Ipipila na kita. Sigurado naman na uutusan ka nun mag-igib."
"Sige. Sunod na lang ako. Baka mag-beastmode nanaman si Tiyang. Salamat, pards."
"CINDY?!?!"
Napapikit siya sa napakatinis na boses ng Tiyang niya. "Andyan na ho!"
Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa bahay nito ay piningot agad siya nito. "Aray ko, Tiyang! Nakakasakit ka na ah!"
"Sabi ko sa'yo dalian mo. Aayusin mo pa ang karinderya. Mag-iigib ka pa. Mamamasada ka pa ng pedicab. Umpisahan mo na at baka makalimutan kong pamangkin kita."
Napangiwi siya nang bitawan nito ang tenga niya. "Opo. Eto na nga po eh. Magsisimula na. Kalma lang, Tiyang. Papanget ka niyan lalo eh."
Binato siya nito ng basahan. "Tse! Hindi naman ako papanget ng ganito kundi dahil sa'yo. Bakit ba kasi sa akin ka pa iniwan ng magaling mong ina na si Pacing? Ang hirap na nga ng buhay ko mas lalo mo pang pinahirapan. Hala sige! Maglampaso ka na at maya maya ay darami na ang customer ko. Dalian mo at papasada ka pa." mahabang litanya nito.
"Opo!"
"Dalian mo! Aba! Hindi kita pinapalamon para maging ganyan ka kabagal. Dalian mo!" sigaw uli nito mula sa kusina ng karinderya.
Napabuntunghininga na lang siya. "Opo, Tiyang." Sinisimulan na niyang i-mop ang sahig nang biglang nagdatingan ang mga jeepney driver na parang anak na ang turing sa kanya. Sumenyas ang mga ito na sila na ang mag-aayos ng mga upuan. Nginitian niya ito at binati ng 'Magandang umaga.' Tahimik niyang tinapos ang paglilinis ng sahig habang ang mga ito naman ay isa-isang isinalansan ang mga upuan at mga la mesa. "Salamat po." mahinang bulong niya sa mga ito.
"Wala yun. Order na kami at nang makapasada na kami." ngiting sabi ni Mang Dante.
"Sige po. Kunin ko lang po yung listahan ko."
"Sige. Ayokong yung mangkukulam ang magsisilbi sa amin ah. Nasisiraan ako ng tiyan eh." wika naman ng binatang drayber na si Kardo.
Natawa siya. "Oo. Ako bahala sa inyo. Malas niyo lang kapag pinag-igi----"
"CINDY! DALIAN MO AT MAG-IGIB KA NA! MAMAMASADA KA PA!" nakakarinding sigaw nito mula sa kusina.
Iling na napakamot ang mga drayber. "Ayan na ang sumpa."
"Opo, Tiyang!"
"PSSST! Bespren! May nabalitaan akong may scholarship yung mamahaling eskwelahan dun sa may bayan. Try mo baka makapasa ka. Matalino ka naman eh." wika ng kaibigan niyang si Topher habang inaabot sa kanya ang softdrinks na nasa plastic.
"Ay naku, Tope. Kahit naman makapasa ako dun, sigurado naman ako na hindi ako papayagan ni Tiyang. Allergic yun sa katalinuhan ko." kasalukuyan silang nagpapahinga sa maghapon na nilang pamamasada.
"Sayang naman kasi yun. Kaunti na lang makakagraduate ka na rin ng kolehiyo. Ilang taon ka na nga? 19 diba? Dapat pa-graduate ka na. May diploma ka na sana. Bakit pa kasi namatay ang inay mo eh."
Malalim na napabuntunghininga siya. "Nakakaloka rin kasi si inay eh. Iniwan ba naman ako kay Tiyang. Pero di na rin masama. Nagpapasalamat na rin ako na pinag-aral pa rin ako ni Tiyang ng hanggang highschool. Kaysa naman sa kalsada ako mapadpad diba? Tiis tiis na lang siguro."
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...