Chapter 23

8K 227 3
                                    

PUPUNGAS PUNGAS siyang bumangon nang marinig ang walang patid na pagkatok sa pintuan ng beach house villa niya. Pagod na pagod siya sa walang patid na photoshoot kahapon dahil tinapos na agad nila iyon. Kating kati na kasi siyang iuwi ni Thiago sa Sitio Santa Barbara.

"Who's that?" nag-unat siya sandali at uminom ng isang basong tubig na nasa bedside table niya.

"Hello.. it's me." pakantang wika nito sa labas ng pintuan.

She rolled her eyes. Obvious naman na kung sino ang nasa likod ng pintuan. "Sugar, open up! Wakey wakey, my love! Time to eat breakfast--"

Naputol ang pagsigaw nito sa kabila ng pintuan nang buksan niya iyon. Nakangangang pinasadahan siya nito ng tingin. "Laway mo tutulo na." nakangiting biro niya rito.

Napahawak naman ito sa gilid ng bibig at napanguso. "Wala naman eh!"

Natatawang binuksan niya lalo ang pintuan para makapasok ito. Nang may mapadaan sa harap ng villa niya ay agad na sinara ni Thiago ang pintuan. "Muntik na akong maipit!" hinampas niya ang braso nito.

"Ayaw ko lang na may ibang makakakita sa katawan mo."

She rolled her eyes. "Ano yan?" inginuso niya ang dala dala nitong tray na punung-puno. Umupo siya sa kama at agad naman siya nitong tinabihan.

"Almusal." nakangising sagot nito.

Napasimangot siya. "Alam ko. I mean anu-ano ang mga iyan." kinurot niya ang tagiliran nito.

Natawa naman ito. Ipinatong iyon sa mesita at binuha at mesita palapit sa kama niya. Binuksan nito ang takip ng tray at parang nanubig ang mga bagang niya. Bacon, omurice, sunny side up, ham, hotdogs, at choco cro. Mayroon ding mango juice, orange juice, at buko juice.

"Wow! Papatabain mo ako nito eh."

Natawa ito. "Attack!" nang nakatulala pa rin siya sa pagkain ay sinubuan na siya nito ng paborito niyang choco cro.

Agad naman niya iyong tinikman. Tumango siya dito. "Mas masarap pa sa choco cro ng St. Marc's Cafe."

Nagningning ang mga mata nito. "Talaga?"

Tumango siya. "Saan mo ito nabili?" tanong niya rito habang umiinom ng buko juice.

"Homemade by yours truly. Pwede mo na ba akong pakasalan?" pinunasan nito gamit ang kamay nito ang gilid ng labi niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Homemade? Gawa mo? Wow! You're such a handful." bulalas niya.

Sumimangot naman ito. "Hindi narinig yung proposal ko."

Napangiti siya. "Darating din tayo diyan. Kumain ka na rin muna para makaalis na tayo ng maaga." iniumang niya rito ang kutsara na naglalaman ng omurice.

Nakangusong miling ito. Pinanlakihan niya ito ng mata kaya naman agad itong ngumanga para tanggapin iyon. Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "You should take care of yourself too. Ang laki ng pinayat mo compared sa mga pictures na nakita ko sa phone ko." sermon niya rito.

"Ikaw naman kasi.. bigla kang nawala. Nawalan tuloy ako ng gana kumain. Dati kasi magka-Skype pa tayo tuwing kumakain ng lunch at dinner."

Natigilan siya. "Ganoon tayo ka-clingy?" di makapaniwalang tanong niya rito.

Nagkibit-balikat ito. "Halos maghapon tayong nag-uusap kung hindi pa malo-lowbat ang cellphone mo hindi mo pa ibaba ang linya." napangiti ito. "Ganoon tayo ka-attached sa isa't isa."

"Ah." tumatangu-tangong bulong niya. "Grabe naman pala tayo dati. I can't picture myself being that clingy to a guy. Kay Kuya nga halos karatehin nanamin ang isa't isa."

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon