Chapter 16

7.4K 201 7
                                    

NAGISING SI VENUS sa isang kwartong hindi siya pamilyar. Ipinalibot niya ang tingin sa malaking kuwartong kinaroroonan niya. Isa iyong napaka-eleganteng kuwarto. Puti, gold, at kulay pink ang theme ng kulay ng kuwarto. Tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya at bumangon. Inayos niya ang kamang hinigaan niya at nanlaki ang mata nang makakita ng malaking portrait ng picture niya sa may itaas ng malaking flat screen tv. Napakamot siya sa ulo.

"Nasaan nga ba ako?" kumunot ang noo niya.

Napapitik siya sa ere. "Ah! I must be at our old ancestral house here at Sitio Santa Barbara." napailing siya. "This must be my room then." she looked around and found too many girly stuffs. Napangiwi siya. Alam niyang ang Mommy niya ang bumili ng mga iyon. Pagbukas niya pa ng walk in closet ay halos puro dress ang nandoon. "Sinong nagsusuot ng dress sa bahay?"

Lumabas siya at nadatnan ang Lolo niyang busy sa pag-uutos sa mga katulong sa kusina.

"Lolo!" malakas na tawag niya rito.

Natatawang nilingon naman siya nito. "At gising na ang maingay kong apo. Halika nga rito at yakapin mo ang matanda mong Lolo."

Nakangiting sinugod niya ito ng yakap. "Lolo, namiss kita!" pinanggigilan niya ito at kinurot kurot ang pisngi nito.

Natatawang iniiwas naman nito ang mukha sa kanya. "Tigilan mo nga ang gwapo kong mukha. Aba!" nakangiting nanunuod lang ang mga kasambahay sa kanila.

Sinundot niya ang tagiliran nito. "Si Lolo talaga. Ang cute cute. Teka nga po pala.. nasaan na ang aking big brother na magaling?"

"Dumiretso din agad sa presinto nang makatanggap ng tawag. Ay, apo. Halika rito. May ipapakita ako sa'yong mas gwapo sa akin. Marahil ay hindi mo pa nakikita ang mapapangasawa mo." hinila siya nito at naupo sila sa couch sa sala.

Nakakunot-noong tiningnan niya ang Lolo niyang excited na excited na inilabas ang cellphone nito. "Hala, Lolo. Baka naman po pangit yan ah. Sinasabi ko sa inyo, 'Lo. Mag-aalsabalutan talaga ako kapag nakita ko na hindi ako masisiyahan sa mukha niyan."

Natawa ito. "Maghintay ka at baka bigla ka na lang maglaway kapag nasilayan mo ang kagwapuhan ni Jacques."

Napasimangot siya. "Ang pangit naman ng pangalan. Parang pambabae. Hindi kaya bakla yan, 'Lo?"

Mariing umiling ang Lolo niya at nakatutok pa rin ang mga mata sa cellphone. "Maghintay ka diyan at pumirmi. Nawawala wala ang internet natin. Nasa e-mail ko ang picture niya."

Humalukipkip siya at sumandal sa couch. "Ay nako, 'Lo. Hindi ako interesado."

Tinapik nito ang kanyang braso. "Matagal na kayong ipinagkasundo. Sanggol ka pa lang. Bago ka ma-kidnap. Kaya wala ka nang magagawa. Sa kanya lang ako panatag na ipakasal ka. Wala akong tiwala sa ibang lalaki."

Ngumuso siya. "Hindi naman kasi madidiktahan ang puso ko kung kanino titibok eh. Mas gusto ko siyempre ako yung pipili ng lalaking makakasama ko habangbuhay."

Her grandfather sighed. "I know, apo. Pero mabait na bata si Jacques at mapagkakatiwalaan. Matipuno at gwapo parang ako lang. Subukan mo muna.. subukan mo. Siguradong sigurado akong magugustuhan mo siya. Malay mo kayo pala ang itinadhana." matiim lang itong nakatitig sa kanya. "Nasa akin ang cellphone mo na naiwan mo sa ospital noong naaksidente ka. Kunin mo sa drawer ko sa library. Nasa sa'yo na kung gagalawin mo iyon o hindi. May isa pang nasa akin.. pero hindi ko muna iyon ibibigay sa'yo. Saka na. Sige na. Kunin mo muna ang cellphone mo sa library sa itaas. Wag mong babanggitin ito sa Kuya mo."

Atubiling tumango siya at tumayo na. "S-Salamat, 'Lo."

Nakangiting tumango ito. Paakyat na siya sa hagdanan nang marinig niyang bumulong ito. "Hindi mo mapaghihiwalay ang itinadhana, Cryant Frazier. Hindi."

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon