Chapter 19

7.5K 199 20
                                    

KANINA PA PARANG SINISILIHAN ang pwet niya nang makapasok siya sa sasakyan niya. Si Hansel naman ay parang sinasadyang bagalan ang takbo ng sasakyan.

Inis na binatukan niya ito. "Ano ba?! Bilisan mo ngang mag-drive!" galit na wika niya rito.

Sinamaan naman siya nito ng tingin sa rearview mirror. "Kanina ka pa, sir. May dalaw ka ba o baka naman nagpi-PMS ka?" sagot pa nito na lalong kinainis niya.

"Pilipitin ko kaya yang leeg mo?!" Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata at minasahe ang kanyang pumipintig nang sentido. "Remember to remind me to hire a new secretary."

"Hala! Ilang beses ko na yang narinig sa tanang buhay ko." narinig niya pang hirit nito.

Napailing na lang siya. "Just drive. Bilisan mo bago pa kita ipalit sa gulong."

"Alam mo, sir. Kanina ka pang parang hindi makajebs diyan. Ano bang problema mo? Gusto mo diatabs? Hina-highblood ka na rin. Pili ka.. metropolol o adalat?"

"Sasapakin na kita. Manahimik ka na riyan." naiirata nang banta niya rito.

"Ah alam ko na! Kisspirin na lang at yakapsule. Nabasa ko sa isang article na yan ang mga gamot sa mga snob."

Umiral nanaman ang pagkamadaldal nito kaya pumikit na lang siya at isinandal ang kanyang likod sa upuan ng sasakyan. Maha-highblood lang siya sa pang-aasar nito sa kanya.

"Sir, andito na tayo." anunsiyo nito.

"Sabihin mo kay Mari na nandito ako para kay Don Hermanto." utos niya rito habang inaayos ang buhok niya.

"Masusunod, mahal na prinsipe." nang-iinis pang asar nito bago umalis.

Kung hindi lang talaga maaasahan itong nakakairitang sekretarya niya at matagal na niya itong tinanggal.

"Sir, tamang tama kakatapos lang nila kumain. Sa sala raw ho kayo. Kumpleto sila. Kaso si Ma'am Ve--"

Hindi na niya ito pinatapos at kaagad siyang dumiretso sa sala ng mansyon ng mga Gonzales. Sumalubong naman sa kanya ang madilim na anyo ng matalik niyang kaibigang si Frazier.

"What's with your face, pare?" nang-iinis na tanong niya rito.

"What are you doing here?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at naupo sa isa sa mga couch doon. "Visiting Don Hermanto. Alam mo na.. makikibalita lang tungkol sa kasal namin ng kapatid mo." asar niya rito. Alam niya naman kasi na ayaw nito maikasal sa kanya ang kapatid nito. Alam kasi nito ang mga kalokohan niya dahil halos sabay silang lumaki. "Anyway, nasaan na nga ba ang fiancée ko? Sabi ni Hansel andito raw siya?" inilibot niya ang tingin sa mansyon. Still the same mansion he went to five years ago. Walang nagbago.

Lalo yatang nagdilim ang aura nito sa biro niya. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang planong makilala ang kapatid nito. Andito siya para pakiusapan ang Lolo nito na itigil na ang planong pagpapakasal sa kanilang dalawa ng apo nito. Aaminin na niya rito na may iba na siyang mahal.

"Jacques!" nakangiting salubong ng Don sa kanya.

Tumayo siya sa kinauupuan at agad na sinalubong ito. The Don gave him a firm handshake with a welcoming smile. "Mabuti naman at napadpad ka sa aking mansyon. Kamusta naman ang iyong Lolo?"

Nakangiting inalalayan niya itong maupo. "Ayos naman po si Lolo, Don Hermanto. Kagaya niyo ay mas bumuti na po ang kalagayan niya lalo na noong sumunod siya sa amin sa New Zealand. Mas presko ho kasi doon. Pauwi na rin po siya sa makalawa. Paniguradong bibisita iyon dito."

Umupo siya sa kaibayong pang-isahang couch at kumportableng naupo. "Ano ang sadya mo rito, hijo?" tanong ng matanda sa kanya.

"Gusto ko ho sana kayong makausap tungkol sa apo ninyo."

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon