NAKANGANGA SIYA habang pinapanuod si Thiago na nagmamadaling pumasok sa salon na kinaroroonan niya. May dala dala itong pagkain at ilang inumin sa kamay. Binalingan naman niya ang sekretarya nitong busy sa kakalaro sa cellphone nito.
"Kumain ka na muna. Mukhang matagal pa yang pagkukulay sa buhok mo." nakangiting inihanda pa nito iyon sa harap ng salamin na mesita sa harap niya.
Nasa salon siya ngayon at nakababad sa bleach ang buhok niya. Ipinaubaya na kasi ng ina niya na ito na ang maghatid sa kanya pauwi sa Maynila. Akala niya nga ay aalis na ito kaagad nang maihatid siya sa salon ngunit parang ayaw naman nitong humiwalay sa kanya. Not that she's complaining though.
Tinapik niya ang upuan sa tabi niya at imunuwestrang umupo ito. Agad naman itong sumunod sa kanya. "Sabayan mo na rin ako. Baka hindi ako matunawan kung papanuorin mo lang akong kumain." hindi kasi mahiwalay ang paningin nito sa kanya. Pakiramdam niya ay parang spotlight ang mga mata nito at sa kanya lang nakatutok.
Napahawak siya sa upuan nang ngumiti nanaman ito. Lagi na lang parang nanlalambot ang tuhod niya tuwing ngingitian siya nito. "Mas gusto kong panuorin ka na lang." malambing nitong wika.
Napailing siya. Hindi niya alam kung mawi-weirduhan ba o maku-cutean rito. "Come on, eat with me." inabutan niya ito ng plastic na kutsara at tinidor.
Siguro isa iyon sa mga nagustuhan niya rito noon. Maalaga at medyo clingy. She likes to feel special sometimes. Nakangiting hinalikan siya nito sa noo. "Thank you, mahal ko."
Natigilan siya. Napakurap kurap pa siya nang magsimula na itong kumain. Wala sa sariling napahawak siya sa noo. Hala! Bakit ang lambot ng labi ng lalaking ito?
Tumingin ito sa kanya at iniumang ang tinidor na may tusok tusok na gulay. "Say ah!" utos nito sa kanya.
Kusa namang bumukas ang bibig niya. She nodded nang masarapan sa salad na ipinakain nito sa kanya. "The dressing is good."
"I made it. Umuwi ako ng bahay at ginawa iyan. Favorite mo kasi iyan." nakangiting pinunasan nito ang gilid ng bibig niya. The gesture warmed her heart. Kaya nga siguro naging boyfriend niya ito dahil sa sobrang maalaga nito.
Pero ano naman kaya ang pwede niyang gawin para dito? Para naman maramdaman nito na hindi niya ito binabalewala. Pakiramdam niya kasi ay ito na lang at ito lagi ang nag-aalaga sa kanya. Halos bawat galaw niya ay nakaalalay ito.
"Penny for your thoughts?" pukaw nito sa kanya.
Napalingon siya rito. "Wala naman. Naisip ko lang na kaya siguro kita minahal ay dahil sobrang suwerte ko sa'yo. Gwapo na maalaga pa. Kung sana lang naaalala ko lahat." malungkot na ngumiti siya rito.
Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong hinalikan ang likod niyon. "Don't stress yourself to remember. You may not remember our memories but I'll make sure to replace them with more memorable ones. Nahanap na kita at hindi na kita papakawalan pang muli. Itinaga ko iyon sa bagang ni Hansel."
Natawa siya at hinampas ito sa braso. "Dinamay mo pa ang bagang ng sekretarya mo."
"Ma'am Venus, babanlawan na po namin ang buhok niyo at nang makulayan na po." wika ng stylist niya.
Tumango lang siya at nginitian ito. Pinisil niya ang kamay niyang hawak ni Thiago. "Pasok na muna ako doon."
"I'll wait for you." seryosong wika nito habang hindi inihihiwalay ang tingin sa kanya.
Napangiti siya. "Babanlawan lang ang buhok ko. Hindi ako aalis."
Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin. "Sabi ko nga."
Halos umabot rin ng apat na oras ang ginawa sa buhok niya. Bukas na kasi ang photoshoot niya para sa bagong fashion collection ng Mommy niya. Binalingan niya si Thiago na nakaidlip na sa couch doon. Kinikilig naman na nakatitig rito ang mga staff ng salon. Napangiti siya. "Hoy, baka bangungutin naman ang boyfriend ko niyan!" saway niya sa mga ito. Parang ang sarap sarap pakinggan na angkinin niya ito sa harap ng maraming tao. Magawa nga ng madalas. Chos!
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomantiekThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...