Chapter 12

7.3K 207 2
                                    

WALANG PATID sa paghahatid sundo sa kanya si Thiago nitong mga nakaraang araw. At pagkatapos ng klase niya ay lagi pa silang sabay naga-almusal, lunch, at dinner bago siya nito ihatid pauwi sa bahay nila. Araw-araw din itong may surprise sa kanya. Sumakay sila nung isang araw sa hot air balloon, nag-boating sa lake, pumunta ng amusement part, nag-date sa park, nanuod ng sunset at sunrise sa malapit na bay area. Masasabi niyang ito na yata ang pinakamatagal na nag-stay ito sa Sitio nila. At ito rin ang pinakamasayang linggo na nakasama niya ito. Sobrang nag-enjoy talaga siya. Lalo na at talaga namang ingat na ingat ito sa kanya. Tuwing umaga ay ito ang nagluluto ng agahan nila ng Tiyang niya. Minsan pa ay nagpapa-free breakfast ito sa mga kapitbahay nila. Kaya naman napamahal na ito sa mga taong close sa kanya.

Natanaw niya si Thiago na may kausap na maganda at sexy na babae di kalayuan sa may gate ng campus niya. Nakasuot ang babae nang makalaglag pangang plunging neckline at nakahantad din ang mga hita nito. Agad na napasimangot siya.

Nalingat lang ako ng kaunti may babae na! Ay! Hindi ako pwede magpatalo. Atsaka ako naman ang mahal ng mokong na yan. Kiber!

Napangisi siya sa naisip. Tinanggal niya sa pagkakatali ang buhok niya at inayos iyon. Kinuha niya sa bag ang lipstick na kakabili lang niya at nag-apply ng kaunti.

Tingnan lang natin kung makatingin ka pa sa iba.

Buti na lang at marunong na siya mag-makeup ngayon. Ayaw niya naman kasing magmukhang maid ni Thiago. Salamat kay Belle at Aurora na tinulungan siyang mag-shopping ng mga damit at make-up.

Nakangiting lumapit siya sa mga ito at hinalikan si Thiago sa pisngi. Halatang nagulat ang babae base sa pagkanganga nito. Agad siyang umabrisyete kay Thiago.

"Hi! Ako nga pala si Cindy. Girlfriend ni Thiago." bati niya rito.

Maski yata si Thiago ay parang itinulos sa kinatatayuan nito. Tiningala niya ito. "Sugar, may problema ba?" takang tanong niya rito.

Nakatulala lang itong nakatitig sa kanya. "Anyway, mauuna na kami ah. May date pa kasi kami nitong boyfriend ko." pinagdiinan niya talaga ang salitang boyfriend para naman tigilan na nito si Thiago.

Natawa ang babae. "Ikaw? Really? Bumaba na yata ang standards ni Thiago?" nang-uuyam na wika nito.

Manghang tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Well, miss.. kung sino ka man. Oo, bumaba ang standards niya. Hindi na kasi siya pumapatol sa mga kaladkaring babae ngayon. Hindi na siya pumapatol sa mga babaeng halos ilabas na ang lahat lahat para lang makakuha ng atensyon. Oo, ako kasi ang pinili niya. Hindi ikaw. Hindi ang isang babaeng katulad mo na kusang lumalapit sa lalaki at nag-aalok ng panandaliang aliw. Kasi miss, matino akong babae." hinubad niya ang pink niyang blazer at marahang isinuot iyon sa babae. Di makapaniwalang nilingon naman siya nito. "At dapat lahat ng babae iginagalang. Kung masama akong tao malamang nginudngod na kita diyan sa aspalto dahil nilalandi mo ang boyfriend ko. Pero dahil mabait ako ngayon. Hindi ko gagawin iyon." humalukipkip siya sa harap nito. "Kilala kita. Kaya nga parang pinitik ang ilong ko nang nakita kong nakikipag-usap ka kay Thiago. Pero narealize ko.. wala namang silbi ang ginagawa mong pang-aakit sa kanya. Kasi ako ang mahal niya. Sana lang.. itigil mo na ang ginagawa mo. Pinapababa mo ang market value nating mga babae. At ayoko din na ang isang kabaro ko ay kinukutya dahil gusto niya lang makatulong sa pamilya niya. Maraming trabahong iba diyan. Ipapasok kita. Wag lang ganitong klaseng trabaho. Nakakababa ng self worth." iling niya rito. Iniabot niya rito ang bote ng tubig na hawak niya. "Maghilamos ka. Mas maganda ka kapag walang make-up. Ang kapal ng foundation mo, Mulan." natigilan ito.

Hinarap niya si Thiago. "Alis na tayo?"

Malapad na ngiti ang isinukli nito sa kanya sabay yakap. "This is why I love you. At bakit yata ang ganda ganda mo ngayon?" he held her at arms length at pinakatitigan siya. "Ilang lalaki kaya ang babalian ko?" hinubad nito ang coat at isinuot sa kanya.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon