NANLAKI ANG MGA MATA niya nang madatnan ang Kuya niya sa sala ng mansyon. Pinaskil niya ang malaking ngiti sa mukha niya at hindi nagpahalata na kinakabahan siya.
"Kuya!" nakangiting tinabihan niya ito sa couch. "How was your day?" sinundot niya ang tagiliran nito.
Seryoso lang itong nakatingin sa kanya. "Where have you been?"
Nagkibit-balikat siya. "Diyan lang sa tabi tabi. Why?"
"Are you sure?"
Tumango siya at inayos ang suot nitong sweater. "Bakit ba ang seryoso mo, Kuya? Ngumiti ka naman diyan. Biyernes Santo na ba?"Pinanggigilan nito ang pisngi niya. "Sa susunod wag kang lalabas nang hindi nagpapaalam sa akin. Ang tigas talaga niyang ulo mo. Sasamahan naman kita kung aalis ka eh."
Napangiwi siya nang bitawan nito ang pisngi niya. "Aray ko naman!" hinawakan niya ang kanyang pobreng pisngi. "Uuwi na nga ako mamaya tapos sesermonan mo nanaman ako?" nakalabing wika niya rito.
Malalim na napabuntung-hininga ito at inakbayan siya. "Ikaw naman kasi.. hindi mo ako sinusunod. Lagi mo akong sinusuway. Kaya lang naman kita napagsasabihan. Siyempre Kuya mo ako." malambing nitong wika.
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito. "Matagal nanaman tayong hindi magkikita niyan. Sa Antipolo nanaman ako while you're here sa Tagaytay. Mamimiss ko nanamang i-bully ka, Kuya."
Natawang hinaplos naman nito ang ulo niya. "Lagi mo namang pinapasakit ang ulo ko. Pagpahingahin mo naman ako."
Sumimangot siya at tiningala ito. "Ganyan ka naman eh! Inaaway mo ako lagi. Lalayasan na talaga--" parang may pumitik sa sentido niya at napapikit siya ng mariin.
"Alam mo Boss Chief kung Kuya lang kita malamang nilayasan na kita."
"Si Thiago.."
"Mahal na mahal din kita, Thiago."
Napahawak siya sa ulo niya nang makarinig siya ng boses. Parang boses niya iyon. Parang may matinis na ingay siyang narinig bago siya nagmulat ng mata at napatingin sa Kuya niyang nag-aalalang nakatingin sa kanya.
Mabilis ang pagtibok ng puso niya. Parang aatakihin siya. Napahawak siya sa dibdib. "Thiago.."
Nanlaki ang mga mata ng kapatid niya at napahawak sa balikat niya. "What?"
"T-Thiago.. sino si Thiago?" naguguluhang tanong niya rito.
Napapikit ito ng mariin. "You have to remember him yourself."
Naguluhan siya lalo nang iwan siya nitong mag-isa sa sala. Napalunok siya at agad siyang inabutan ng tubig ng kasambahay para mahimasmasan siya.
"Salamat po."
Tumango lang ito at nagtungo na muli sa kusina. Napakagat-labi siya at pumanhik na rin sa kuwarto niya. Agad niyang ini-lock ang pinto na pinaalala pa ng mga kaibigan niya bago niya buksan ang cellphone niyang luma.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...