UMANGAT ang mukha niya nang magsalita ang ama ni Venus. "Hindi ka ba kakain muna, Thiago?"
"Hijo, baka naman matunaw na ang maganda kong apo sa kakatitig mo. Kumain ka na ba ng hapunan?" tanong sa kanya ng Don. That name hindi pa rin siya sanay sa pagtawag ng totoong pangalan nito.
Tinapik siya sa balikat ni Frazier. "Subukan mong itakas ang kapatid ko, pupugutan kita ng ulo.. sa baba." banta nito sa kanya.
Natawa siya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Venus. Hindi pa rin kasi ito nagigising hanggang ngayon. "Wag naman. Balak ko pang gumawa ng basketball team." biro niya rito.
Iniumang nito ang kamao sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Anong tingin mo sa kapatid ko inahin? Atsaka dapat ako muna ang ikakasal at magkakaanak!"
Napailing siya rito. "Wag ka ngang maingay at baka masira ang magandang panaginip ng mahal ko." binalingan niyang muli si Venus at masuyong hinaplos ang buhok nito.
Napangiwi ito sa kanya. "Damn, you're whipped." tila nandidiring lumayo ito sa kanya.
Natawa siya. "Hindi mo pa kasi nararanasang magmahal. Kapag nainlove ka, magiging cheesy ka. Mais. Corny. Kahit ano pang itawag sa'yo wala ka nang pakielam basta mapasaya mo ang babaeng mahal mo." nakangiting binalingan niya ang maamong mukha ng babaeng mahal niya. "Lahat gagawin mo makita mo lang siya nakangiti at tumatawa. Kahit magmukha ka pang tanga."
"Patay na patay ka pala sa anak namin noon pa. Kayo rin pala ang magkakatuluyan. I never expected this sudden turn of events on us, Fabian." wika ng ginang na Gonzales sa asawa nito.
Natawa ang asawa nito at binalingan siya. "Take care of our daughter. Pero kagaya nga ng sinabi ni Frazier paunahin mo daw muna siya. Baka umiyak yang panganay namin." nakangiting kumindat pa ito.
Napangisi siya nang balingan ang nakasimangot nang si Frazier. "Maghanap ka na ngayon pa lang. Kung babagal bagal ka baka nakatungkod na ako hindi pa kami kasal ni Venus." tudyo niya rito.
Iningusan siya nito. "I'd rather die alone than get married. Ayoko ng sakit sa ulo."
Binatukan ito ng Don. "Aba'y sasayangin mo ang lahi natin, timang ka!" pinanlakihan nito ng mata ang apo.
Agad siyang napalingon kay Venus nang mahinang umungol ito at humigpit ang hawak sa kamay niya.
"Sugar.." malambing niyang hinaplos ang pisngi nito.
Dahan dahang bumukas ang mga mata nito. Sandaling napatingala ito sa kisame at napabalikwas ng bangon nang makita siya. Nanlaki ang mga mata nito. "I-Ikaw yung gwapong lalaki sa mall!" di makapaniwalang bulalas nito.
Nagtatakang nakatingin lang siya rito. "T-Teka.. anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? You're not allowed to be in here. Baka ipakulong ka ng Kuya ko." bumitaw ito sa kamay niya at nagulat nang makita ang pamilya nitong nakapalibot sa kama. Her mouth formed into an O shape. "It happened again? I lost consciousness again?" nakangiwing napakamot ito ng ulo.
"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?" masuyong tanong niya rito.
Magsasalita sana ito nang mabahing ito at nagpunas ng ilong. "I-I'm fine." namula ang pisngi nito.
Umupo siya sa kama nito at hinaplos ang mukha nito. "Glad to hear that. I'm happy to see you again, sugar." nakangiting hinalikan niya ang likod ng kamay nito.
Napanganga ito. "S-Sugar?"
Tumango siya at inayos ang buhok nito. "Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihilo? Hindi ba masakit ang ulo mo?"
Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin. Napadako ang tingin nito sa cellphone sa side table nito. Mahinang napasinghap ito at nabaling ang tingin sa kanya. "You!" turo nito sa kanya. "Y-You're my boyfriend! I-Ikaw si Thiago!"
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...