HALOS MAG-IISANG TAON na rin nang makaalis sa bansa si Thiago. Kahit oras oras ay magkausap sila ay namimiss niya pa rin ito palagi. Paano ba naman ay bawat kibot niya ay ito ang naaalala niya? Lahat na lang yata ng bagay ay may naaalala siyang memorya nito. Nang makakita siya ng ice cream ay naaalala niya nung nagpunta sila ng amusement park at natapunan niya ito ng ice cream paano ba naman ay bigla siya nitong ginulat at hinagisan ng laruang ipis. Ang resulta.. nag-landing lang naman ang ice cream sa ulunan nito. Nang makakita siya nang caldereta ay bigla niyang naaalala ang unang beses niyang ipinagluto ito. Ito na rin ang huli dahil tumambay lang naman ito sa banyo ng dalawang araw. Nang makakita naman siya ng gitara ay naalala niya nang hinarana siya nito nang tanghaling tapat sa bahay nila. Halos isumpa ito ng mga kapitbahay dahil nakakabulabog raw ang boses nitong parang hinukay six feet under the ground. Kaya tuwing may birthday tuloy sa kapitbahay ay wala nang nagrerenta ng karaoke.
Wala sa sariling napabuntung-hininga siya habang pinagmamasdan ang cellphone niya. Mga limang oras na lang at tatawag na uli ito. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?
Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad sa kanya. Paglingon niya ay si Deacon lang pala. Matagal tagal na rin silang nagkakausap nito at madalas ay sumasama ito sa barkada nila ni Aurora, Belle, at Mulan. Oo, kaibigan na rin nila ngayon si Mulan. Mula kasi nang ipinasok niya ito sa isang kilalang café bilang waitress ay lagi na itong nakabuntot sa kanila.
"Si Tito nanaman ba? Tatawag na rin yun maya maya." tumabi ito sa kanya at nagbuklat ng libro.
Napasimangot siya. "Kahit siguro masunog ang cellphone ko sa kakausap namin, okay lang. Basta marinig ko lang ang boses niya." nangalumbaba siya habang patuloy na tinititigan ang pagbabago ng oras sa cellphone niya.
Napailing naman si Belle. "Pag-ibig nga naman!"
"Nakakabaliw!" dagdag ni Aurora.
"Oy mga kababayan!" malakas na sigaw ni Akito. Isa ito sa mga kaibigan ni Deacon na naging close na rin nila.
Makasigaw naman tong Hapon na ito. Buti na lang at nasa lobby sila. Kung nasa library sila ay malamang nasipa na sila palabas ng masungit na librarian.
"Oo nga pala. Imbitado kayo sa aking kaarawan sa nalalapit na ika-labing limang araw ng buwan ng Oktubre. Sa eksatong alas tres ng hapon mag-uumpisa ang piging. Kayong lahat ay inaanyayahan ko ngayon pa lamang. Para naman maisingit niyo na ako sa inyong mga lakad."
Napailing siya rito. "Araw-araw na lang parang buwan ng wika."
Nakangising inakbayan siya nito. "Mahal kong kaibigan, ika'y masanay na. Taglay kong mabulaklak na dila at ubod ng guwapong mukha, dala ay grasya sa mga babaeng hulog ng langit sa lupa." makatang sambit nito.
"Hindi ko rin maarok kung bakit ang isang katulad mo ay isa sa mga hinahangaang lalaki rito? Ako nga ba ay nabulag na sa pag-ibig? O nabulag sa lakas ng hanging taglay ng bawat salita mo?" balik tudyo niya rito.
Napahalakhak silang magkakaibigan sa mga kalokohan nila. Sa araw araw ba namang ginawa ng Diyos ay nasanay na lang sila sa kaibigan nilang ito na dudugo na lang ang ilong mo sa lalim ng tagalog nito. Paano ay one fourth Pinoy lang ito at dito nadestino ang ama sa Pilipinas kaya kailangan nitong matutong mag-tagalog.. kaso panahon pa yata ni Kopong Kopong ang dictionary o librong ginagamit nito.
Hingal na umupo sa tabi ni Belle ang bagong dating na si Mulan. Kinuha nito ang pamaypay na hawak ni Akito at malakas na nagpaypay sa sarili.
"Pucha naman! Hinabol ako ng aso nung kumag na ching long ling long ting tong na yun!" hingal na reklamo nito. "Akala ko ipapakagat ako! Nagkasugat tuloy ang maganda kong legs!" mahinang nagmura ito.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...