Chapter 8

8.5K 226 4
                                    

ISANG buwan na ang nakakalipas mula nang magsimulang manligaw sa kanya si Thiago. Halos isang buwan na rin niya itong hindi nakikita. Pero wala naman itong palya sa pagtext at pagtawag sa kanya. Tuwing wala siyang ginagawa ay tumatawag ito o kaya ay nagtetext. Doon niya rin napatunayan na napakatiyaga nito at napakamaalaga. Kapag kasi may hindi siya maintindihan sa assignments niya ay pinipicturan niya at isinesend rito. At magsa-Skype sila para ipaliwanag nito. Minsan nga ito pa mismo ang nagtuturo sa kanya ng mga madaling paraan para masagot ang mga kumplikadong equations. Hindi niya naman ito binigo at matataas na marka naman ang nakukuha niya dahil dito.

Palabas na siya ng building nila nang makatanggap ng tawag mula rito. "Hello?" nakangiting sagot niya sa tawag nito.

"Diyan ka lang. I'll go to you." yun lang at binabaan na siya nito ng linya.

Napanguso siya at itinago ang phone niya. Kinawayan niya ang mga kaklase niyang lalaki nang tawagin siya ng mga ito. Halatang kakatapos lang nito maglaro ng basketball. "Ingat kayo pauwi." nakangiting saad niya.

"Salamat, muse!" sabay sabay na wika ng mga ito.

Natawa siya sabay malakas na bumahing. Kakamutin sana niya ang ilong niya nang may mga braso na yumakap sa kanya mula sa likuran. "S-Sino ba-- Thiago!" ngiting ngiting wika niya nang balingan ito.

"Wag kang kumausap ng ibang lalaki. Makakasapak ako." kunot noong wika nito.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Hindi bagay sa'yo ang color green." pinisil niya ang pisngi nito.

Mas lalong lumalim ang gitla sa noo nito. "I'm wearing a black suit, miss. Sino ang iniisip mo nang sabihin mo yan?"

Natawa siya. "Ibig sabihin nun.. hindi bagay sa'yo ang magselos. Nakakaloka ka!" hindi makapaniwalang sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. Ang laki ng ginuwapo nitong Thiago na to. Nagpahaba ng buhok. Mas lalong gwapo. Ang kinis ng mukha.. nakakaloka!

Malalim na bumuntunghininga ito. "Akala ko may iba kang iniisip maliban sa kagwapuhan ko."

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Namiss kita." sinamyo niya ang paborito niyang pabango nito. Feels like home.. Taray english!

Gumanti ito nang yakap at hinalikan ang noo niya. "I missed you more, Cindy."

Tiningala niya ito. "Parang labas naman sa ilong." nakangiting biro niya rito.

Ngumiti ito na lalong hindi nakatulong sa bilis ng tibok ng puso niya. "I missed you so much. Tinapos ko lang ang trabaho ko kaagad para makita kita. Hindi kita matiis eh." masuyong hinawi nito ang buhok niya at inipit sa likuran ng tainga niya.

"Namiss din kita sobra. Kahit araw araw tayong magkausap. Mas gusto ko pa rin na nandito ka sa tabi ko." ibinaon niya lalo ang ilong niya sa leeg nito.

"I know. You can't resist my charms." biro nito.

Tinapik niya ang dibdib nito. "Oo na! Baka magkaroon ka ng hydrocephalus sa sobrang papuri mo sa sarili mo. Gutom lang yan!"

He chuckled. "Ikaw kamo ang gutom. Tara na at baka mag-amok ka na lang bigla sa sobrang kagutuman." inakbayan siya nito at iginiya sa naka-park na sasakyan nito.

"Nasaan si Manong Hansel?" tanong niya rito nang suotan siya nito ng seatbelt. Ayaw kasi ni Sir Hansel na magpatawag ng 'Sir' dahil first name basis na raw naman na sila ni Thiago. At etong si Thiago ayaw naman na tinatawag niyang 'Hansel' lang si Sir Hansel kaya naman 'Manong Hansel' na lang.

Natawa ito. "Ayun. Nasa ospital. Nage-LBM. Nagpapa-check up. Sinabi lang sa horoscope na swerte sa kanya ang kumain ng seafood halos ubusin na ang isda at oyster sa seafood aisle ng Arana Supermarket." mabilis na hinalikan nito ang pisngi niya at pinaandar na ang sasakyan.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon