NAKAKUNOT -NOONG binalingan ni Thiago ang mga papeles na nagkalat sa sahig ng opisina niya. "What the hell happened here?"
"Nalooban po tayo, sir." kalmadong tugon ni Hansel.
"Who's behind this?" sinulyapan niya ang sekretarya niyang busy sa kakatipa sa cellphone nito.
Ipinakita nito sa kanya ang larawan ng isang lalaking hindi niya inaasahan na gagawa ng katraiduran sa kanya.
"Si Dad?" di makapaniwalang binalingan niya si Hansel.
Tumango si Hansel. "Gusto raw po kayong pasunurin sa New Zealand kaya raw po niya ginawa ito."
"Pero bakit?" naguguluhang tanong niya. Stable naman kasi ang kumpanya nito roon. Kayang kaya naman nito ang mga business doon dahil kung tutuusin ay maliliit na business lang ang naroon sa New Zealand hindi katulad ng hawak niyang mga international companies ng pamilya nila.
"Gusto raw po niya kayong magbakasyon naman kasama ang Mommy ninyo. Wag raw po puro trabaho. Three years lang naman daw po. Sabi niya ibibilin niya raw muna ang kumpanya sa Vice-President para wala kayong alalahanin."
Malalim na napabuntunghininga siya. "He doesn't have to go to this extent. He could've just called me. Pupuntahan ko siya agad." Pasaway talaga ang matandang iyon.
Hansel shrugged his shoulder while fixing his office. "Para raw po may linisin ako." Isa pa tong weirdong to.
Napailing siya sa kalokohan ng ama niya. Lahat talaga gagawin para makuha ang atensiyon niya.
"Sunduin mo na muna si Cindy. Mag-uusap lang kami ni Dad."
Pero paano si Cindy?
"TIYANG, bibisitahin ko lang si Boss Chief Pogi at baka may order sila para madala ko agad." paalam niya sa Tiyang niya.
"O sige! Dalian mo at paparating na ang mga drayber ng dyip!"
"Opo!"
Papasok na sana siya ng police station nang tumawag si Thiago. "Hello, Thiago? Kamusta na? Anong nangyari? Bad news ba?"
"No, sugar. Nothing's wrong. Kagagawan lang pala ni Dad. Anyway, nakauwi ka ba ng safe?"
"Oo. Sinundo ako ni Kuya Hansel. Pauwi ka na rin ba?" umupo muna siya sa waiting area sa labas ng presinto.
"Yep. Teka.. Kuya Hansel?" narinig niyang natawa ito sa kabilang linya.
Napailing siya. "Unfair naman daw kasi na Thiago na lang ang tawag ko sa'yo at sa kanya naman ay 'Manong' kaya 'Kuya' na lang raw para hindi ka magselos."
"Baliw talaga ang isang iyon. Anyway, how was your day at school? May hindi ka ba naintindihan?"
Napangiti siya sa pag-aalala nito sa kanya. "Wala naman. Pahirap na ng pahirap ang mga lessons pero kaya naman. Ikaw? Kamusta sa trabaho? Sabi ni Kuya Hansel medyo magulo raw diyan ngayon ah."
"Hindi naman. Everything is under control now. Eh ikaw? May lumapit ba sa'yo na lalaki o nakipag-usap? Makakatikim sila saken."
Natawa siya. "Tigilan mo nga yang pagseselos na ganap na iyan. Namimiss tuloy kita."
"Talaga?" lumambing ang boses nito.
"Oo. Yang kakulitan mo. Yung boses mo--"
"Namimiss ko na rin yung kiss mo." tila nanunudyong singit nito.
Ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi niya. "Hoy! Wag ka ngang ganyan!" pasimpleng hinawakan niya ang mga pisngi niya para pakalmahin ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...