Chapter 5

9K 247 12
                                    

"Hatid na kita sa classroom mo, Ate Cindy." wika ni Aurora.

"Salamat, Aurora ah. Alam mo naman na hindi ko pa kabisado ang school eh." kamot na wika niya.

"Wala yun. Anukaba! Small things, Ate." nakangiting wika nito habang nakakapit sa braso niya.

"Ang ganda niya, pare."

"Bago kaya? Ang ganda niya."

"Ang puti hanep! Siguro foreigner!"

"Nangingibabaw siya."

Napalingon siya sa mga lalaking nag-uusap at nagulat nang siya ang tinutukoy ng mga ito. Mga nakabihis itong pang-basketball. Nagsilingunan ito sa kung saan saan nang nilingon niya ang mga ito. Natatawang umiling na lang siya. Mga bugoy. Hahaha!

"Naku, Ate! Masanay ka na. Sa ganda mo, head turner ka talaga. 360 degrees pa." nakangiting siko nito sa kanya.

"Sira ka. Kapag nalaman nilang isang kahid isang tuka lang ako, magsisipulasan yang mga yan. Parang di mo kilala mga lalaki." iling na wika niya.

"Siya nga pala, Ate. May fair pala mamaya sa pagwe-welcome ng mga new students. Iikot kita mamaya." nakangiting niyakap nito ang mga libro nito.

"Naku! Wag na. Baka bungangaan ako ng Tiyang ko kapag nagpagabi ako. Marami pa akong aasikasuhin sa karinderya." wika niya habang inilalabas ang registration form niya para tingnan kung ano ang sunod niyang klase.

"Kahit one hour lang, Ate. Masaya yun." mahigpit na kapit nito sa braso niya.

Napakamot siya sa batok. "Hindi kasi talaga pwede."

"Miss Cindy." wika ng boses sa likod niya.

Napalingon siya rito. "Sir Hansel?" kunot noong wika niya.

Hingal na napahawak ito sa tuhod at pinunasan ang butil butil na pawis nito sa noo gamit ang puting panyo nito. "Ang bilis mo pala maglakad, Miss Cindy." nakangiting kinuha nito ang bag niya.

Nagtatakang tiningnan niya ito. "Okay ka lang ba? Bakit parang nag-marathon ka papunta rito?"

"Utos kasi ni Sir na ihatid kita sa classroom mo." nakangiting iginiya siya nito sa tabi nang may mga dumaang grupo ng estudyante.

Napakunot noo siya. "Huh? Kahit wag na. Naku naman! Kaya ko na sarili ko. Ako pa ba?" pilit niyang inaagaw ang bag niya rito.

"Miss Cindy, wag na matigas ang ulo. Baka masisante pa ako kapag di ko kayo hinatid. Atsaka sayang naman ang pagpunta ko rito."

"Uhm, Ate?" napalingon siya kay Aurora na nakatulala kay sir Hansel.

Napakurap siya. "Ah.. Aurora si.. Hansel nga pala, secretary ni Thiago este sir Thiago na sponsor ko. Hansel.. si Gretel.. este si Aurora pala." napakamot siya sa batok at napailing nang mali-mali ang sinabi niya.

Siniko siya ni Aurora. "Ate, ang gwapo niya. Akin na lang siya plith?" nagniningning ang mga mata nito.

Natatawang pinisil naman ni sir Hansel ang pisngi nito. "Salamat. Una na kami, Miss Aurora. Baka malate na si Miss Cindy eh."

Parang wala sa huwisyong napatango ang gaga. Natatawang umiling na lang siya. "Kita na lang tayo mamaya, Aurora. Salamat uli." nakangiting kinawayan niya ito.

"Oo nga pala, Miss Cindy. Pupunta rito mamaya si Sir Thiago. May welcoming ceremony kasi ngayon at kailangan present siya on behalf of his grandfather at siyempre dahil may iniisponsoran na rin siya." wika ni sir Hansel habang naglalakad kami sa maluwag na hallway ng building kung saan puro Accountancy students ang naroon.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon