Chapter 26: Final Chapter

12.1K 276 10
                                    

A/N: Sorry nalate. Mahaba kasi. Hohoho. Final Chapter na to. Awww.. mamimiss niyo ba si Boy Nakaw.. panakaw tingin sa ating former padyak queen sa si Venus? Stay tuned for the Extra Chapter! And also don't forget to check out my other stories.

Ps: Like my fb page for more updates and informations regarding my stories. https://m.facebook.com/RosarioTheGoddess

NAGPIPIGIL siya ng tawa dahil lutang pa rin si Thiago hanggang ngayon. At kakaiba na rin ang tingin rito ng pamilya niya. Paano kasi ay nakakamay itong kumakain kahit na hawak nito sa kaliwang kamay nito ang tinidor.

"Uh.. Thiago, hijo. May problema ka ba?" atubiling tanong rito ng Lolo niya na sumisimsim ng kape.

Nagpatuloy pa rin ito sa pagkain habang malayo ang tingin. Tumikhim siya kaya sa kanya nabaling ang paningin ng pamilya niya. "Bakit nga po pala nandito si Thiago? Ang pagkakaalala ko po ay umalis na siya kagabi." tanong niya sa mga ito.

Nilingon ito ng ina niya. "Bumalik yan kagabi dahil baha na ang daanan paluwas ng Maynila. Ayaw naman matulog sa guest room. Gusto niya raw kasi na siya ang una mong makikita pagbaba mo."

"Good morning!" bati ng Kuya niya habang pupungas pungas na umupo katabi ng Lolo niya. Nagningning ang mga mata nito nang masilayan ang nakahain sa hapag. "Wow!" agad itong sumandok ng sinangag at pumapak ng tapa. "Sarap naman ng pagkakaluto. Ang lambot. Sino nagluto? Si Ising? Si Isadora? Si Isabel?" sunud-sunod na umiling ang mga kasambahay nila at tinuro siya. "Weh? Di nga?" tumaas pa ang kilay nito.

Nagkandahaba ang nguso niya. "Marunong naman talaga ako magluto ah." paniniyak niya rito.

Napangisi ito. "Joke only, bunso. Ikaw naman di mabiro." muli itong maganang kumain. Nahinto sa ere ang kutsara nito nang bumaling ang paningin kay Thiago na tulalang kumakain. "Anyare diyan? Nahipan ng masamang hangin?" tanong sa kanya nito.

Nagkibit-balikat siya. Kinalabit niya si Thiago. "Psst, mahal! Bakit ka nagkakamay? May kubyertos naman?" mahinang bulong niya rito.

Napatingin ito sa kanya at napansin niya ang pamumula ng pisngi nito. "Huh?" naguguluhang tanong nito sa kanya.

Inginuso niya ang kamay nitong nakadakot sa bundok ng sinangag na sinandok nito. Agad na nilingon nito ang kamay nito. "Anong nangyari bakit ang daming kanin sa plato ko?" takang tanong pa nito.

Napailing ang Lolo niya. "Nasiraan na yata ng bait. Ikaw kasi apo, bakit naman kasi di mo na pakasalan!" palatak ng Lolo niya habang pasimpleng kumukuha ng bacon.

Tinapik ng ina niya ang kamay nito. "Daddy, magtigil ka nga sa kaka-bacon mo diyan. Tapa na lang ang kainin mo." saway rito ng ina niya.

Nilingon niya si Thiago na takang taka na nakatitig sa plato nito. Lumapit siya rito at binulungan ito. "Want me to kiss you again? Hindi ka pa rin makapaniwala? Would you rather deal with dreams than reality, my love?"

Natigilan ito at napadako ang tingin nito sa mga labi niya. Napangisi siya nang iniabot nito ang juice at inisang lagok iyon. Tumayo ito at nagtungo sa dirty kitchen. Pagbalik nito ay malinis na ang kamay nito at tumabi na muli sa kanya. "Good morning everyone!" bati nito sa mga tao sa hapag.

"Good morning, my love." nakangiting bati niya rito.

Tumikhim ito at nilingon siya. "Good morning, s-sugar." agad itong nag-iwas ng tingin na ikinatawa niya.

Takang binalingan naman siya ng pamilya niya. She pouted. "He can't believe that I'm beside him now. He still thinks that he's dreaming."

Lumapit ang Kuya niya rito at kinurot ng mariin ang magkabilang pisngi nito. Napatayo si Thiago sa sakit at sinamaan ng tingin ang Kuya niyang bumalik na sa kinauupuan nito. "Why did you do that?!" iritang tanong ni Thiago rito.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon