"SIR and Ma'am, dito na lang po ako sa kotse. Medyo ayoko po kasing mabilad ngayon sa araw. Sabi po kasi sa horoscope, iwasan ko raw ang maiinit at nakakaitim na lugar. Kundi mamalasin daw ho ang lovelife ko. Kayo na lang po ang lumabas. Takot ko lang pong mamatay ng single." seryosong humalukipkip ito pagkabukas ng pintuan nila ni Thiago.
Pinipigilan niyang mapahalakhak. "Horoscope talaga?"
Narinig niyang tumikhim si Thiago sa likuran niya. "Hansel has this weird fascination in horoscopes that he lives to follow them everyday. He's a weirdo." mahinang bulong nito sa kanya.
Natawa siya. "O sige na nga. Tara na, sir Thiago!"
Agad silang lumabas sa sasakyan at iniabot ni Thiago ang bag niya sa kanya. "Tara!" masayang yakag niya kay Thiago.
Inilibot nito ang tingin sa paligid. "Dito?"
Napapikit siya nang mangilo sa sagitsit ng gulong at halos paliparin ni Hansel ang sasakyan ni Thiago. May nakalagay na nakadikit na bondpaper sa windshield sa likod ng kotse. 'I can't take this anymore. Najejebs na ako! Brb!'
Malakas na natawa siya. Si Thiago naman ay naiiling na nakangiti lang. "Paano ba yan? You're stuck with me." tila nahihiyang napahawak ito sa batok.
Shy shy shy effect! Ang cute! "May choice ba ako?" nginitian niya ito. "Dalian mo para maabutan natin ang ipinunta natin rito."
Inayos nito ang buhok niya. Napalunok siya. He leaned in and whispered.. "Lead the way, beautiful." Halos mahimatay siya sa lapit ng mukha nito sa kanya. Damang dama niya ang malakas na pagpintig ng puso niya na waring gustong kumawala at yakapin itong gwapong lalaking ito sa harapan niya.
Umiwas siya ng tingin rito at nabahing. Tumatawang inabutan siya nito ng tissue. "You okay?" nang hindi matigil ang pagbahing niya ay ito na ang kusang nagpunas ng ilong niya. "Are you allergic to something?"
Umiling siya. "Hindi naman. Ewan ko at nababa-- achoo!"
"Bless you!" he chuckled. His eyes were dancing with amusement. "Okay ka lang talaga?"
Tumango siya at kinamot ang ilong niya kahit hindi naman makati iyon. Napapansin niyang nababahing siya tuwing malapit ito sa kanya. Nang unang nakita niya rin ito ay nabahing siya.
"Come on. Take me to your special place." nakangiting inilahad nito ang kamay sa kanya.
Napalunok siya. "Holding hands talaga?" naramdaman niya ang pamilyar na dagundong ng dibdib niya habang nakatitig sa nakalahad na palad nito.
"Ayaw mo?" he smirked.
Tumikhim siya at inabot ang kamay nito. Baka kasi bawiin eh. Sayang naman. "Tara na!"
Ngiting ngiti nitong pinagsalikop ang mga palad nila. Nagsimula na silang maglakad nang biglang magsimula nang umambon. Hinubad nito ang coat nito at isinampay sa ulo niya. Hinawakan uli nito ang kamay niya at nginitian siya. "Para di ka uli mabahing." tudyo nito sa kanya.
Natawa siya. Hinawakan niya ang coat nito at ibinuka. "Halika dito. Ako pa sisihin mo kapag nagkasakit ka." biro niya rito at kusang lumapit rito para maisilong sa malapad na coat nito.
Nang magtama ang paningin nila ay pareho silang napangiti. Nanlaki ang mata niya nang akbayan siya nito at lalong inilapit ang katawan nito sa kanya. Kahit medyo malamig na ang paligid ay waring uminit bigla dahil sa pagkakadaiti ng katawan nilang dalawa. "Move closer. Para hindi ka mabasa." halos yakapin na siya nito at kulang na lang ay buhatin para hindi siya mabasa.
Natigilan siya nang mapansing napakalapit pala ng mukha nila sa isa't-isa. Isang maling galaw niya lang ay paniguradong tatama ang labi niya sa pisngi nito. Pwede bang lips to lips na lang para everybody happy? Halos batukan niya ang sarili nang maisip iyon.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...