DI SIYA MAKAPANIWALA na kaharap na niya ngayon ang mga kaibigan niya noong bago siya maaksidente. Feeling niya tuloy ay sa lalong madaling panahon ay maaalala niya na rin ang mga ito. Komportable man ang pakiramdam niya sa mga ito ay iba pa rin kapag naalala na niya ang mga pinagsamahan nila.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang café. Nasa magkabila niya si Akito at Deacon. Si Belle at Aurora naman ay nasa harap nila. Tahimik lang na nakamasid sa kanya ang mga ito.
Tumikhim siya at binalingan si Deacon. "So.. sino nga si Cindy?" tanong niya rito.
Lumingon muna ito kila Belle at tumikhim. "A-Ano.. k-kasi--"
"G-Ganito kasi yun--" tila kinakabahang putol ni Belle sa sinasabi ni Deacon.
"Cindy Pascual." wika ng isang babaeng pulang pula ang buhok na nakatayo sa tapat niya at nakatunghay sa kanya ngayon. Hindi niya alam pero parang nakita na niya ito dati.
Tinuro niya ang sarili. "Me?" tanong niya rito. Sa kanya kasi ito nakatingin.
Tumango ito. "Yes, you. Ikaw si Cindy Pascual." umupo ito sa kabilang kabisera katabi ni Aurora. "I'm Mulan by the way." nakangiting kumaway ito sa kanya.
Siniko ito ni Aurora. "Malilintikan tayo niyan eh. Yang bunganga mo talaga." bulong nito kay Mulan na hindi nakaligtas sa tainga niya.
"Kanino kayo malilintikan? Teka nga. Kanina ko pa napapansin na parang iniiwasan niyong magsalita. Akala ko ba kaibigan ko kayo? Eh bakit parang ilag naman kayong lahat sa akin? Hindi ba kayo masaya na nandito ako ngayon sa harap ninyo?" hindi niya maiwasang magtampo sa mga ito. Ngayon na nga lang sila nagkita at ganun pa ang pakikitungo sa kanya.
Nagkatinginan ang mga ito. "Ah kasi.." napakamot sa noo si Akito. "Paano ba ito ipapaliwanag?"
"Ako na nga lang. Mga duwag!" umikot ang mga mata ni Mulan at tinitigan siya. "Ikaw si Cindy Pascual.. bago ka maaksidente. Iyon ang pangalan mo. Kami ang mga kaibigan mo sa Santa Barbara Colleges. Kilala mo naman siguro kami kasi nakita mo kami bago ka umalis patungong America. Masaya kami na nandito ka ngayon. Kaya hindi nagsasalita ang mga iyan ay takot kasi sa Kuya mo. Kinausap kami ng Kuya mo na wala raw dapat kaming banggitin tungkol sa nakaraan mo. Gusto niya kasing ikaw mismo ang makaalala. Yun lang. Sinummarize ko na ah! Naka-buod na yan in tagalog." humalukipkip ito at sumandal sa kinauupuan. "Marami kaming gustong ikuwento tungkol sa'yo.. at tungkol sa nakaraan pero mas mabuti na rin na ikaw ang makaalala noon. Mas damang dama yun. Fulfilling ganern!"
Kumunot ang noo niya. "Sa totoo lang ang weird ni Kuya. Sabi niya wala akong cellphone dati. Tapos binigay naman sa akin ni Lolo ang cellphone ko dati. Tapos narinig ko pa na bumulong si Lolo na hindi raw mapipigilan ni Kuya ang itinadhana."
Nakangiting napailing si Akito. "Yang Lolo mo dabest!"
"Hindi ko man maintindihan pero medyo gumaan naman ang loob ko ngayong nakita ko na uli kayo. Atsaka tiwala naman ako na sinabi sa akin ng mga magulang ko at ni Kuya ang lahat ng dapat kong malaman sa sarili ko."
Deacon tsked. "Maniwala ka sa mga magulang mo, wag lang sa Kuya mo."
Nagtatakang binalingan niya ito. "Bakit naman?"
"Ah basta!" hinawakan ni Belle ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Kahit anong mangyari andito lang kami. Susuportahan ka namin. At kaya naming igapos sa poste ang Kuya mo kapag inutusan mo kami. That's what friends are for." nakangising kindat nito.
Natawa siya. "Kayo talaga."
"Nga pala.. sinong kasama mo?" luminga linga sa paligid si Mulan.
Umiling siya. "Tumakas lang ako para bumili ng charger para sa luma kong phone. Para mabuksan ko."
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...