NAKANGISING PINOSASAN ni Venus ang kanyang kapatid habang busy ito sa pakikipag-usap sa kung sinuman sa cellphone nito. Her mission is to make his brother attend her Mommy's brand photoshoot. Silang dalawa kasi ang model nun at ayaw ng Mommy niya ng kumuha ng iba. Ikinabit niya ang kabilang parte ng posas sa kanyang kaliwang kamay. Ang siste hindi na makakatakas ang kapatid niya. Nung huli kasi ay nakatakas ito. Kaya photoshopped na lang na magkasama sila sa picture. Para sa billboard pa naman iyon. Buti na lang at magaling ang nag-photoshop. Hindi halata.
"What the--" nanlaki ang mga mata nito nang makita ang naka-posas nilang mga kamay.
"Oops! No swearing!" ngising ngisi siya at inilagay sa loob ng suot niyang sapatos ang susi. "Now you have no choice but to attend the photoshoot with me. And! Don't try to escape this time. I swear kakaladkarin kita pabalik no matter what." seryosong saad niya.
Malalim na napabuntung-hininga ito. "Mamumuti talaga lahat ng buhok ko sa katawan sa'yo. Dapat doon ka na lang sa Amerika. Mas safe at tahimik ka doon eh." sinamaan siya nito ng tingin.
She rolled her eyes. "Alam mo, Kuya.. siyempre hindi mo pa alam. Para naman kay Mommy to kaya hindi nga maarok ng utak ko kung bakit lagi lang tumatakbo tuwing may photoshoot tayo? Simple lang naman ang gagawin mo.. ngingiti sa camera at aaktong masaya. Ewan ko ba naman sa'yo!"
She heard him sigh. "Ayoko lang. Period. Walang dahilan. I hate it. Kaya nga matagal ko nang kinukulit si Mommy na kumuha ng ibang model. Ayaw naman niya. Ayaw niya raw na may ibang umakbay o yumakap sa unica hija niya. Kaya wala akong choice. Pero since ayaw ko rin naman na may ibang humawak at yumakap sa'yo.. edi ako na lang."
Inirapan niya ito. "Inarte pa kasi. Pero hindi ko to kakalagan hangga't wala tayo sa studio. Di mo ako mauutakan. Mas matalino ako sa'yo."
"Oo na, Ate Venus!" pang-aasar nito sa kanya. Yan ang tawag nito sa kanya tuwing sumusuko na ito sa panenermon niya.
"Tara na!" hinila niya ang kamay nito na nakaposas.
"Aray! Sasama naman ako-- Aray! Wag mong hilahin masyado! Anak ng-- first time ko masuotan ng posas." palatak nito habang naglalakad sila palabas ng mansyon nila sa Golden Ridge Village.
"Kuya, ngayon ba tayo pupunta sa Sitio Santa Barbara? Miss ko na kasi si Lolo Hermanto." excited niyang saad nang makapasok na sila sa sasakyan. "Kuya Manong, alis na po tayo baka ipain po kasi ako ni Kuya sa rebelde kapag nahipan nanaman to ng masamang hangin!" wika niya sa driver nila.
Natawa ang driver. "Sige po, ma'am!"
"Oo. After ng photoshoot tayo pupunta doon. Lolo misses you too. Sabi rin ng doctor na pabuti na nang pabuti ang pakiramdam ni Lolo. Mas mabuti na rin siguro na pumunta tayo roon. Iiwan kita doon saglit at may aasikasuhin lang ako mamaya sa presinto. Wag kang masyadong maggulo at baka masakal ka ni Lolo." siniko siya nito.
Bumusangot siya. "FYI, Kuya. Ako ang favorite na apo ni Lolo H. Kaya nga hinahampas ka niya ng baston kapag pumupunta ka sa mansyon natin sa America lagi eh. Imbes daw kasi na mag-doctor o abogado ka, nag-pulis ka." nakasama niya rin ng halos tatlong taon sa America ang Lolo niya bago ito bumalik sa Pilipinas.
"Mag-aasawa na lang ako kamo ng abogado. Sana matuwa na siya."
Nang balingan niya ito ay nakatingin ito sa labas ng bintana. "Abogado ang girlfriend mo, Kuya?" takang tanong niya rito. Wala naman kasi siyang nababalitaang may girlfriend na ito.
"Hindi pa. Malapit na." he shrugged.
Ngumuso siya. "Kuya, ako din ba pwede nang mag-boyfriend? Twenty four na ako.."
"Hindi! Bawal. Kapag forty ka na, pwede na!"
"Kuya naman eh! Sige ka! Papayag na akong magpakasal dun sa Jacques na iyon." pananakot niya rito.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...