Chapter 4

9K 235 7
                                    

PAGKADATING na pagkadating sa bahay niya sa Maynila ay kaagad niyang tinawagan ang sekretarya niyang si Hansel.

"Sir?" wika nito sa kabilang linya.

"I'll send some papers to you. Asikasuhin mo ang pag-aaral niya sa Santa Barbara Colleges. And after that bilhan mo siya ng mga kailangan niya sa school. Check her background after."

"Yes, sir. Copy."

Kunot noo niyang tinitigan ang mga papeles na nasa harap niya. Cindy Pascual.. why am I drawn into you?

Tumaas ang kilay niya nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone niya. "Hello, mom?"

"Hijo, narinig ko na ipinapahanap sa'yo si Venus."

"Opo."

"Hijo, sana gawin mo ang makakaya mo. Dahil kawawa naman si Asuncion. Labing siyam na taon na siyang nangungulila sa anak niya." pangigiyak nito sa kabilang linya. Matalik na magkaibigan rin kasi ang mga magulang nila ni Frazier.

"Gagawin ko po ang lahat, mom. I'll hang up now. Marami pa akong gagawin." madiing minasahe niya ang kanyang sentido.

"Sige, anak ko. Mag-iingat ka. Mahal ka namin ng Papa mo."

"I love you too. Don't stress yourself too much, mom. Ako na ang bahala." malalim na napabuntunghininga siya. Where in the world will I start?

"MISS Cindy!" tawag sa kanya ng lalaking naka-suit and tie.

Napakunot noo siya at napaturo sa sarili. "Ako ho?" kasalukuyan niyang kinukumpuni ang nasirang kadena ng bisikleta ng pedicab niya.

Nakangiting lumapit ito sa kanya. "Yes, ma'am. Ikaw po. Ako ho si Hansel, sekretarya ho ni Sir Thiago. Pinadala ho ako ni Sir Thiago para ho ibigay sa inyo ang registration form niyo at ang mga kailangan niyo po para sa pasukan."

"Naku! Teka lang. Maghuhugas lang ako ng kamay. Nakakahiya naman sa inyo." ipinunas niya sa damit niya ang grasa at agad na pumasok para maghugas ng kamay. "Kumain ho muna kaya kayo, sir?"

"Ay naku, hindi na ho. Babalik rin ho agad ako sa Maynila kasi marami pang inuutos si Sir Thiago." maayos na isinalansan nito sa mesa ng karinderya ang mga gamit niya. "Nasa loob na po ng bag ang mga kailangan ninyong mga libro at iba pang gamit para sa eskuwela. Nasa wallet naman po ang allowance niyo para sa isang buwan. Andun na rin po ang pambili ninyo ng tatlong set ng uniform. Yung sapatos naman po ay nasa paperbag na pink." napanganga siya nang makita ang bag. Isa iyong designer bag na mukhang bagung-bago pa. At ang logo ng paperbag kung saan naglalaman raw ng sapatos ay sa isang kilalang brand din na hindi biro kung mag-presyo. "Since may P.E. pa ho ang first year college ay andyan na rin po ang rubber shoes ninyo." napanganga siya. Ang gastos pala talaga mag-aral no? "Kung may kailangan po kayo ay tawagan niyo na lang raw po si Sir Thiago." inabutan siya nito ng cellphone. Ipinunas niya sa t-shirt ang basang kamay niya.

"Teka kunin ko lang ho ang cellphone ko para ho masave ko ang number niya." aalis na sana siya nang pigilan siya nito.

"Ay hindi, ma'am. Sa inyo po itong cellphone." nakangiting iniabot nito sa kanya ang bagong labas na cellphone na sa TV lang niya nakikita.

"Ha? Naku! Hindi ako marunong gumamit niyan."

"Nasa bag niyo po ang instructions manual at ang box ng cellphone." nakangiting yumukod ito sa kanya. "Mauna na po ako, Miss Pascual."

Nakangangang iniwan siya nito. Totoo ba ito?

Agad niyang iniakyat sa kwarto niya ang mga gamit niya. "Jusmiyo! Kahit kailan ay hindi ako nakahawak ng mga mamahaling gamit. Paano ko kaya masusuklian ang kabutihang loob ni Sir Thiago?"

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon