Chapter 9

7.8K 211 4
                                    

PINAGSAKLUBAN ng langit at lupa ang itsura ni Thiago nang makalabas sila ng sinehan. Paano ba naman ay halos mangunyapit sa leeg nito ang babaeng nasa kaliwa nito sa sobrang takot. Napangiti siya nang mukhang natrauma ito sa babae. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito. Napalingon ito sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong niya rito.

Malalim na napabuntunghininga ito. "Daig ko pa ang nirape ng sampung baklang sumo wrestler." inis na wika nito.

Natawa siya at niyakap ang baywang nito. "Kain na tayo."

Agad na ngumiti ito at hinalikan ang noo niya. "Tara na." mahigpit na niyakap siya nito habang naglalakad sila.

"Nagustuhan mo ba yung movie? Hindi ka ba natakot?" malambing na tanong nito sa kanya.

Tumango siya. "Mahilig akong manuod ng mga horror movies kaya hindi na ako natatakot sa mga ganun." masuyong pinisil niya ang baba nito. Matamis na ngiti naman ang iginanti nito sa kanya.

"Thiago?" ani ng lalaking lumapit sa kanila.

"Wind?" nilingon niya si Thiago na gulat na gulat na nakatingin sa lalaking may kasamang binatilyong kamukhang kamukha nito.

"Cool! Hi, ako nga po pala si Gust." niyakap nito si Thiago.

"Gust!" saway nito sa binatilyong lalaking kasama ng nagngangalang 'Wind'.

"Sino siya, pare?" may pagtataka sa mukha ni Thiago habang nakatingin kay Gust.

Hindi pa man bumubuka ang bibig ni Wind ay si Gust na ang nagsalita. "Ako po ang panganay na anak ni Daddy Wind. Dalawa po kami actually kaso sayang naiwan po sa bahay si Solar. Kasingganda niya po si Mommy." masayang masayang pagkukwento ni Gust.

Halata naman na nagulat si Thiago sa narinig. Hindi makapaniwalang tiningnan nito si Wind. "Dalawa agad?"

Napangisi si Wind. "Ikaw, kailan?" nilingon siya nito na kaagad na ikinapula ng pisngi niya.

"Gago! Alam na ba to ni Tito George at ni Tita Cecilia?" mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya.

Umiling si Wind. "They'll know soon."

Marahas na bumuntunghininga si Thiago. "Baka atakihin sa puso si Tito George. Naunahan mo pa pala magkaanak si Shadow. Ang laki na ng panganay mo." palatak ni Thiago habang tinatapik ang balikat ng malapad na nakangiting si Gust.

"Malalaman rin po nila Lolo ang tungkol sa amin ni Solar, Tito Thiago. Soon." may mapaglarong ngiti ang naglalaro sa mga labi nito.

Mahinang binatukan ni Wind ang anak. "Siraulo ka kapag inatake si Daddy sa'yo."

Natatawang nagkamot ng ulo si Gust. "Baka atakihin sa sobrang kagwapuhan ng legit niyang unang apo."

Napapangiting napailing na lang si Wind sa kalokohan ng anak. "Ano nga pa lang meron at napadpad ang isang busy na businessman rito sa Sitio Santa Barbara?"

Thiago shrugged his shoulders and kissed her forehead. "Just spending time with a special girl. Cindy, si Wind nga pala. Kapitbahay ko sa Golden Ridge." pakilala nito sa huli.

"Hello po." kinamayan siya nito na agad namang ipinagpag ni Thiago sa suit nito.

"Nice to meet you, Cindy." matamis na nginitian siya nito. "Oooh! Susunod ka na ba sa yapak ni Brett? Gumising lang ang isang iyon nagkalovelife na. Ikaw? Anong ginawa mo para magkalovelife?" tudyo nito kay Thiago.

"Wala naman. Naligaw lang ako at may sumagip sa cellphone ko." nakangiting binalingan siya ni Thiago at itinaas baba ang mga kilay.

Natawa siya. "Siraulo ka talaga."

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon