Chapter 24

7.7K 183 8
                                    

A/N: Malapit na itong matapos mga kababayan! Hahaha. Ayoko nang patagalin pa ang paghihirap ni Thiago. Bet ko name neto ni Thiago, lalaking lalaki. Pak ganoin!

Ps: Maganda ang gising ko at nagreply sa message ko ang favorite author ko ng PHR. Hulaan niyo kung sino? Hohoho. Hi idol, Sonia_Francesca! Push na yung aking upcoming series na Black Stallion! So excited!

Pss: Don't forget to comment nga pala kung sinong mga characters ang gusto niyong gawan ko ng isturya. Ihahabol ko rito sa Golden Ridge Series baka batch 2 na nga lang.

NAGTATAKANG bumaba sa sasakyan si Venus nang igiya siya ni Thiago papunta sa isang mataong karinderya. Kumapit siya sa braso ni Thiago at baka masagi siya ng mga tao roon. Agad naman siya nitong hinapit sa baywang at iginiya papasok sa karinderya.

Napaatras pa siya nang sabay sabay na napasinghap ang mga tao sa loob habang nakatingin sa kanya. Naguguluhang binalingan niya si Thiago. "What's wrong? Why are they staring at me?" kinakabahang tanong niya rito.

Ngumiti ito at inilapit ang bibig nito sa may tainga niya. "It's because there's a living goddess beside me." nakakalokong kumindat pa ito bago siya dinampian ng masuyong halik sa sentido.

Hinampas niya ang braso nito. "I'm serious!" inis na bulong niya rito.

Natatawang kinurot naman nito ang pisngi niya. "I'm serious too, sugar."

"Cindy? Ikaw na ba yan?"

Sabay silang napalingon sa isang matandang babaeng palapit na sa kanila. If she can remember it clearly.. ito si Tiyang Lupe. Ang Tiyang na nag-alaga sa kanya nang mamatay ang Yaya Shawna niya.

"Cindy!" natigilan siya nang yakapin siya nito. Napangiti siya nang bigla na lang itong humagulgol ng iyak. Ginantihan niya ng yakap ito at marahang hinagod ang likod nito.

"Naku naman, Tiyang! Yang uhog mo! Atsaka papanget ka niyan kapag umiyak ka pa!" biro niya rito.

Nagulat siya nang paluin nito ang pwet niya at nagpunas ng luha. "Wengya kang bata ka! Magli-limang taon ka nang hindi bumabalik dito! Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito!" nagtatampong pinalo siya muli sa pwet na ikinatawa niya.

Inilabas niya ang panyo mula sa bulsa ng pantalon niya at pinunasan ang mga luha nito. "Pasensiya na po. Hindi ko naman po kasi alam na naghihintay kayo rito. Nagpunta ho kasi ako sa America at doon nag-aral nang gumaling na ako ng tuluyan kaya hindi ako agad nakabisita rito."

"Kumain na ba kayo? Anong gusto mong kainin? Bakit ang payat payat mo? Hindi ka ba pinapakain ng maayos ng mga magulang mo? Atsaka bakit ganyan ang buhok mo? Parang buhok ng mais. Epekto ba iyan ng sakit mo?" sunud-sunod na tanong nito na ikinatawa niya.

Ipinaupo niya ang Tiyang niya sa isa sa mga monoblock chair doon. "Kumalma ka nga, Tiyang. Okay lang po ako. Kumakain po ako ng tama. Pinapakain po ako ng maayos nila Mommy at Daddy. Ganito ho ang buhok ko dahil kailangan sa photoshoot, hindi ito dahil sa amnesia."

Naguguluhang tumingin ito sa kanya. "Ano yung photoshoot? Anong amnesia?"

Napangiti siya. "Para sa picture, Tiyang. Amnesia.. yung sakit ko. Hindi pa rin po ako masyadong nakakaalala hanggang ngayon kaya pasensya na po kung nakalimutan ko kayong puntahan rito."

Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Hindi ka pa rin ba magaling? Hindi mo pa rin naaalala ang lahat?"

Tumango siya. "Opo. Pero nandito naman po si Thiago para gabayan ako." binalingan niya si Thiago na nasa likod niya at matipid na nakangiti sa kanila.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon