NAPANGITI siya nang tuluyan na itong makatulog. Marahan niyang hinaplos ang malambot nitong buhok na animo'y alagang alaga sa mamahaling shampoo at conditioner. Samantalang ang buhok niya ay gugo lang ang gamit simula nung pagkabata niya. Ngayong nagdalaga lang yata siya nakagamit ng shampoo.
Marahil hanggang sa pagtulog nito ay namumroblema pa rin ito dahil sa pagkunot ng noo nito. Masuyong minasahe niya ang ulo nito habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito. He was beyond perfect. With his perfect moreno complexion that looks naturally sun kissed, ang may kakapalan na kilay nito na bumagay sa medyo bilugan nitong mga mata na kung tumitig ay animo'y araw na kayang kaya kang tunawin, ang ilong nitong napakatangos na pinagdadaluyan ng payapang paghinga nito, ang mga labi nitong mamula mula na parang pinasadahan ng kulay rosas na lipstick at ang makinis na panga nitong talaga namang mukhang ang sarap haplusin. Halos isang buwan niya rin itong hindi nasilayan kaya naman sobrang namiss niya ito.
"Gwapo ba si Boss?"
Napatingin siya kay Hansel na may hawak na dalawang paperbag na may mapaglarong ngiti sa mga labi. "Ano, Miss Cindy? Speechless ka sa kagwapuhan ni Sir no?"
Napangiti siya. "Gwapo naman talaga si Thiago eh. Mabait pa."
"So... gusto mo na siya? Ay mali pala.. ibig sabihin ba nun eh may gusto ka na kay Sir Boss Amo?" tumaas baba pa ang kilay nito sabay ng nakakalokong ngiti nito.
Natawa siya. "Sira! Hindi naman ako magugustuhan ng Sir mo eh. Langit siya at Lupa ako. In short, neber eber eber na may magkakagustong prinsipe sa isang hamak na alikabok sa mundo." tahimik na pinasadahan niya ng tingin ang payapang natutulog na si Thiago.
"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko, Miss Cindy eh." kamot sa batok na wika ni Hansel. "Crush mo ba si Sir? Yun lang naman ang tanong ko eh. Kasi kung ako lang.. bagay kayo. Maganda ka. Gwapo si Sir. Aba! Pag-ibig na ito!" asar nito sa kanya.
Nakangiting umiling na lang siya. Imposibleng magustuhan ako ng isang Thiago na perpekto.. imposible.. ang isang katulad niya na may mayamang pamilya at pinalaking edukado ay hinding hindi mabubulag sa isang katulad ko na wala ng ni anumang narating niya. Hindi naman lahat happy ending katulad ng mga napapanuod natin sa mga teleserye eh.. ang tunay na buhay hindi ganun.
"Tapos niyo na ba ako pagtsismisan?" nakakalokong ngumiti ito habang nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.
Tumikhim siya. "Assuming uy. Gumising ka na diyan at tom jones na ako. Kanina pa break time!"
Binuksan nito ang mga mata nito at sandaling tinitigan siya. "Gwapo ako? Talaga?"
Umiwas siya ng tingin rito. "Bumangon ka na. Gutom na ako." Tinatanong pa ba yan? Kaloka.
"Sagutin mo muna ako." bumangon ito at inilapit ang mukha nito sa kanya.
Napalunok siya. Naman! Oo na gwapo ka na. Halikan kita dyan nang makita mo! "Oo na. Pwede na kumain?" pumipiyok piyok na wika niya.
He chuckled. "Oh kalma. Hindi kita hahalikan. Pawis na pawis ka ah. Ganun ba kahirap yung tanong ko?" marahang pinunasan nito ang mga namuong pawis na noo niya.
Napatingin siya rito. Ang gwapo talaga! Juskolord! Napangiti siya nang humangin at tinangay ng hangin ang buhok nito na tumatabing sa mga mata nito. "Ang gwapo mo." wala sa sariling sambit niya.
Ngumiti ito sa kanya waring ipinapangalandakan ang mapuputi nitong ngipin. Model yata to ng toothpaste eh. O kaya ng mouthwash.. ang bango ng hininga eh. "Thank you. Ang ganda mo rin."
Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya na pati yata eh anit niya eh nag-init. "Charot!"
"Kakain kayo o maghaharutan?" nangingiting wika ni Hansel habang nakaumang ang cellphone nito sa kanila.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...