Chapter 14

7.5K 180 6
                                    

Four years later...

"VENUS! Anak ka ng teteng! Sinabi ko na sa iyo na huwag ka nang uulit na manghuli ng mga kriminal. Trabaho ko iyon kaya ako na ang bahala roon. Baka mapano ka pa!" galit na sermon sa kanya ng Kuya niyang si Chief Superintendent Cryant Frazier Gonzales. Take note at kakauwi lang nito. Galing pa ito sa biyahe galing sa isang pribadong isla kung saan nandoon ang kawawang babaeng muntik nang marape ng mga lasing. Sinuyod niya ang buong Sitio Manuel para lang mahanap ang mga walanghiyang yun at nagtagumpay siya.. ayun nga lang, hindi ito nagustuhan ng nakatatanda niyang kapatid.

Inirapan niya ito. "Nagmamalasakit lang po sa kabaro ko. Paano kung ako ang napunta sa ganoong sitwasyon? Baka binalik ko sila sa sinapupunan ng ina nila."

Napahilot ito sa sentido. "Nagkamali ako na pinabalik kita rito sa bansa." hinawakan nito ang tenga niya at mahinang piningot iyon.

"Araaay!" maarte niyang daing. Hindi naman iyon masakit pero nakita niyang pumasok ang Mommy niya kaya nag-inarte siya.

Isang hampas sa likod ang nakuha nito sa Mommy niya. Her pretty Mommy Asuncion. "Gusto mong karatehin kita diyan, Cryant Frazier?" sinamaan nito ng tingin ang nakatatanda niyang kapatid. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang balingan siya. "My poor baby girl. Siguro pagod ka sa biyahe mo. Halika at ihahatid na kita sa kuwarto mo." malambing na wika nito.

She stuck out her tongue to her brother. "May photoshoot tayo bukas, Kuya. Um-attend ka kung ayaw mong isumbong kita kay Daddy!" asar niya rito.

"Ayoko! Hindi ako sisipot kahit anong mangyari! Kahit igapos mo pa ako roon tatakas at tatakas ako." inis na wika nito.

Ngumisi siya. "You just gave me an idea, dear brother. See you tomorrow."

"Venus Moira Gonzales, subukan mo lang talaga at ipapain kita sa mga rebelde!"

She rolled her eyes. "Maiinlove lang sila sa akin, Kuya." ngumuso siya ng humarap siya sa kanyang ina. "Mommy, si Kuya Cryant oh! Ipapain daw ako sa mga rebelde!" nagtago siya sa likod ng Mommy niya.

Pinagpapalo naman ng kanyang ina ang pwet ng Kuya niya. "Ikaw na lalaki ka! Ipapain kita sa mga alaga kong piranha!"

"Mommy, wala naman tayong piranha!" daing ng daing ito at pilit pinapatigil ang ina nila.

Pinanlakihan ng mata ng Mommy niya ang pasaway niyang Kuya. "Bibili ako! Mayaman tayo!"

Natawa siya. Narinig niya ang papalapit na yabag ng ama niya. "Daddy!" sinugod niya ito ng yakap.

"Inaaway ka nanaman ba ng Kuya mo, Venus?" nakangiting hinalikan siya nito sa noo.

Nakalabing tumango siya. Inginuso niya ang Mommy at Kuya niyang naghahabulan sa malawak na sala. "Pinapagalitan ni Mommy si Kuya. Ipapain daw ako sa mga rebelde. Si Mommy naman ipapakain daw si Kuya sa mga alaga niyang piranha."

Natatawang napailing ang ama niya. "Yang dalawa talaga. Kumain ka na ba?" haplos nito sa kanyang buhok.

Umiling siya. "Magpapahinga muna sana ako, Daddy. Pero since napaaga ang pagdating mo.. kakain na ako."

"Welcome back, my baby girl." nakangiting bati nito sa kanya.

"Thank you, Daddy!"

Napasinghap siya nang medyo nahilo siya. Agad naman siyang nahawakan ng ama niya. "Are you okay, anak?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Natatarantang dinaluhan siya ng kanyang ina at kapatid. Pinaupo siya sa couch at inabutan ng basong tubig. "Venus, nahihilo ka pa rin? It's been four years simula nang operahan ang utak mo. Nagpa-follow up check-up ka ba?" nag-aalalang tanong ng Kuya niya.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon