PAGKABABA ng sasakyan nito ay agad kaming pinagtinginan ng mga estudyante sa naturang kolehiyo. Napalunok siya nang hawakan siya sa baywang ni Thiago at igiya sa opisina ng naturang campus.
"Mr. Fernandez!" wika ng may-ari ng school. Agad nitong kinamayan si Thiago.
"Mr. Guico, kamusta na kayo?" pormal na wika ni Thiago.
"Mabuti naman. Maupo ka, hijo. Nasabi nga sa akin ng iyong butihing abuelo na ikaw ang aattend ngayon sa meeting."
Nauna siyang pinaupo ni Thiago at agad itong tumabi sa kanya. "Sino itong napakagandang binibini na kasama mo, hijo?" nakangiting wika sa kanya ng ginoo.
"C-Cindy Pascual ho." nauutal utal na wika niya.
"She's going to be one of the scholars that I'll be sponsoring. She helped me here so I'm just returning the favor."
"Malugod kitang tinatanggap, Ms. Pascual rito sa aming maliit na kolehiyo. Masaya kaming makilala ka. Ipapa-tour ko kayo ni Mr. Fernandez sa buong kolehiyo. Isa kasi ang Lolo niya sa mga nag-sponsor sa pagpapagawa ng paaralan." nakangiting ipinatawag nito ang presidente ng student council para iikot silang dalawa sa buong campus.
"Ang ganda pala rito." manghang wika niya habang iniikot sila ni Belle sa paaralan. Malinis ang paligid at napaliligiran rin ito ng mga puno. Mahangin kaya kahit tirik ang araw ay okay lang na maglakad lakad. "Oo nga pala, sir Thiago. Akala ko ba ang Lolo mo ang magpapa-aral sa akin? Bakit parang rinig ko kanina ay ikaw?"
Tumango ito. "Yes. Ako. May iniisponsoran si Lolo at ako naman ay ikaw ang unang iisponsoran ko."
Napatango na lang siya. "Anong oras ang interview?"
"Just give me all your requirements at ako na ang bahalang ipaasikaso ang lahat sa sekretarya ko."
"Salamat, sir!" natutuwang wika niya. "Sa wakas! Makakapag-aral na uli ako." ngiting ngiting wika niya.
"Ahm.. Miss Cindy. Bakit nga ba kayo nahinto sa pag-aaral?" tanong ni Belle.
"Hmm.. para umiksi ang istorya. Namatay ang inay ko. Kaya ayun.. hanggang highschool lang ako napatapos ng Tiya ko." malungkot na ngumiti siya rito.
"Ay pasensiya na po, Miss Cindy. Ang daldal mo naman kasi Belle! Dapat di ka na nagtanong!" saway nito sa sarili na ikinangiti niya.
"Okay lang yun! Ano ka ba! Nakakahiya nga eh. Ang tanda ko na atsaka lang ako mag-aaral sa kolehiyo." napakamot siya sa batok niya.
"Ay naku, Miss Cindy. Marami ring kagaya niyong mga scholar dito na ngayon ngayon lang din nakakapag-enroll. Bata ka pa nga kung tutuusin eh. Kasi yung iba mga 23 na kolehiyo pa rin."
PAGKATAPOS mag-tour ay agad na rin siya hinatid ni Thiago sa bahay nila. Sakto naman na nanananghalian sa karinderya ang mga pulis at si Boss Chief Pogi.
"Oh! Magkasama pala kayong dalawa?" salubong nito sa kanilang dalawa.
"Oo. Nag-apply siya ng scholarship kay Lolo. Siya ang unang scholar ko." umupo sa tapat niya si Thiago.
"What do you mean, pare?" naguguluhang tanong ni Boss Chief.
"She's going to be my scholar. Ako ang magpapa-aral sa kanya. As simple as that." kibit balikat na tugon nito sa kaibigan.
"Cindy! Buti naman at nandyan ka na! Wag kang tumunganga riyan at maraming kumakain!" pagbubunganga nanaman ng Tiyang Lupe niya.
"Opo, Tiyang!" hinarap niya ang dalawang magkaibigan. "Naku, Boss Chief Pogi at sir Thiago. Mauna na ho muna ako ah. Yari nanaman ako neto kay Tiyang. Sir Thiago, sagot ko na pagkain mo. Ako bahala sa'yo." nakangiting wika niya.
BINABASA MO ANG
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)
RomanceThiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na lang ang kulang.. ang babaeng makakasama habambuhay. Isang araw kinausap siya ng Lolo niya para ipahanap ang babaeng nagngangalang Venus Moira...