Point Of View
-Kendra Faith Christoff-
Kauuwi ko lang galling school at pag-pasok ko sa bahay ay nadatnan ko agad ang nakababata kong kapatid na si Chari habang nag-aayos sa salamin.
"Hi Ate Kendra" bati nya agad sa akin ^_^
Napa-taas naman ang kilay ko pag-harap nya sa akin.
"Aba hoy Charity Brook! Bakit suot mo na naman yang damit ko? At saan ka na naman pupunta huh, mag-lalayas ka na naman nagpa-alam ka na ba kay granny O?"pagtatalak ko sa kanya.
"Ay naku Ate, bigla kong naalala late na pala ako sa pupuntahan ko! Sige BYE!" At dali-dali syang lumabas ng bahay
"HOY CHARITY BROOK BUMALIK KA DITO HINDI PA AKO TAPOS!" sigaw ko sa kanya pero nagdere-deretso lang sya.
"Ay naku Ate Kendra ang ingay mo na naman" salubong naman sa akin nung little brother kong si CJ habang pababa sya ng hagdanan
"ISA KA PA SAAN KA NA NAMAN NANGGALING KAGABI? ANONG ORAS KA UMUWI?"sigaw ko sa kanya
"Dyan lang sa may kapit bahay, maaga kaya ako umuwi"sabi nyasabay upo sa couch
"At anong oras po yung maaga na yun?"
"Basta maaga, maiba ko pautang namang bente"
"ANONG PAUTANG? WALA AKONG PERA, MUKHA KA NANG PAUTANG. SAAN MO GINAGASTOS ANG PERA HUH?" pagtatalak ko na naman
Tapos ay bigla syang tumayo at nag-lakad papuntang pinto
"Ang dami namang sinasabi hindi naman pala ako pauutangin" bulong nya
"HOY KINAKAUSAP PA KITA, SAAN KA NA NAMAN PUPUNTA?" sigaw ko
"Dyan lang!" sagot nya then lumabas na sya
Naiwan naman ako doon,napaupo na lang ako sa sofa.
"HAAY Naku Faith, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin dyan sa mga kapatid mo!" narinig ko namang may umimik sa likod ko
"Granny O, andyan na po pala kayo. Mano po!" Si Granny O pala yung umimik, kaya tumayo ako para mag-mano
"Kaawaan ka ng Diyos" sagot ni Granny O
"Nasaan po si Grandpa Jack?" tanong ko
"Ayun sinundo nung mga kapatid nya kanina, malamang ay mag-iinuman na naman ang mga yun" sabi nya
"Ahh ganun po ba? Sige po akyat na ako" sabi ko
Ganyan madalas ang eksena sa bahay namen. Madalas ay walang tao, kahit si Granny O ay hindi rin naman madalas mapirmi sa bahay kasi kahit matanda na sya ay nag-wowork pa rin sya kasi ayaw pa mag-retire at kung wala naman sya dun ay madalas nasa simbahan. Si Grandpa Jack naman kahit madalas sa bahay usually naman ay tulog kaya halos wala akong kausap dito pero kahit ganun ay gusto kong nag-stastay sa bahay dahil dito ay may peace and quiet ako sa room ko.
Yun nga lang minsan ay hindi ko rin maiwasang malungkot lalo na pag naiisip ko kung ganito rin kaya ang set up namen kung andito si Mommy at si Daddy. Thankful naman ako that we have Granny O and Grandpa Jack, pero syempre iba pa rin talaga yung may complete family. At kapag naiisip ko yun ay lumalabas ako dahil ayaw kong nalulungkot. Tulad ngayon...
Dahil ayoko malungkot I decided na maglakad-lakad sa park malapit sa neighborhood namen. Nananahimik ako dun nang biglang may mga panget na lumapit sa akin.
"Siya nga yun!" turo sa akin nung isang bruha
"Sino naman kayo?" biglang napa-kunot yung noo ko
"Anong sino kame?Ikaw ang sino ka sa tingin mo para awayin ang Julian namen?" sagot nila
It didn't took me long to realize naman na isa siguro sila samga shunga shungahang member ng mga babae sa school namen na baliw na baliw dun sa Ultimate Campus Casanova at mortal enemy ko na si Julian Angeles. Pinagmasdan ko sila mula ulo hanggang paa, mukha silang mga bitch. Pero kahit apat pa sila ay alam kong kayang kaya ko sila at handa na akong banatan sila nang biglang may umeksena.
"HOY ANONG GINAGAWA NYO?"sigaw nya
"J-julian" yun lang ang nasambit nung mga panget
"Bakit nyo siya inaaway?" tanong nung lalaking Signal no.4
"P-pero kaaway mo sya"sagot pa nung isang panget
"Precisely, she's my enemy which means she's mine. At ako lang ang may karapatang umaway sa kanya naiintindihan nyo!? Ayoko nang mauulit ito, walang sino man sa inyo ang may karapatang gumalaw sa kanya. At subukan nyo lang na saktan sya o hawakan kahit hibla ng buhok nya at sa akin kayo mananagot! Understand?" sabi nung lalaking yun
"O-opo" nakatungong sagot nung mga panget na babae sabay takbo paalis kaya naiwan kame dun.
Pagka-harap na pagka-harap naman nung lalaking yun ay binanatan ko sya where it hurts kaya napa-sigaw sya.
"AGHHHH! ARAAAY! Ano ba Warfy? Ba't mo ginawa yun?" tanong nya habang hawak hawak ang parteng tinadyakan ko.
"Anong I'm yours? Anong ikaw lang may karapatang umaway sa akin? ANG KAPAL NG MUKHA MO HUH!" sigaw ko sa kanya
"Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa ang galit!" sagot nya
"Bakit? Sino bang may sabing mangielam ka eh kayang kaya ko naman yung mga panget na yun! At wag mo kong masumbat sumbatan huh, dahil in the first place hindi nila ako aawayin kung hindi dahil sayo!"
"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sayong babae ka! I've tried everything pero kahit anong gawin ko ganyan ka pa rin!"
"Ano bang pinag-sasasabi mo huh? Dyan ka na nga!"
At pagka tapos nun ay tinalikuran ko na sya.
Kanina lang nag-eemote ako pero nasira lahat dahil sa kanya, bwiset talaga yung lalaking yun kahit kelan.
Makauwi na nga lang!
![](https://img.wattpad.com/cover/6236069-288-k117782.jpg)
BINABASA MO ANG
The Other Women and the Man Hater's Heart
Teen FictionThis is not your average story of infidelity. Istorya ng dalawang kabit told in the Point Of View ng isang Man-Hater! and of course with a twist! Kendra always hated the Other Women but the irony of life is when her so-called bestfriends JD and Sab...