Point Of View
-Julian Angeles-
Kinaladkad ako ni Warfy papuntang backstage.
Kinakabahan ako, ano ba 'to? For the third time, OLATS na naman ba ko sa kanya?
"I don't get what stunt your trying to pull here, Ano ba 'to huh? Ano ba talagang gusto mong mangyari?" sigaw nya
"I'm just trying to court you and pursue my feelings for you" deretso kong sagot sa kanya, dahil like I said kanina I'll make it more obvious
Pero pagka-sabi ko nun ay tiningnan nya lang ako.
Sinenyasan ko sya na I'm waiting for a reply.
"Anong gusto mong sabihin ko?"
"I don't know, ano bang nararamdaman mo?"
"Naiinis ako sayo!"
"Naiinis? You know what? I don't get you, bakit ba galit na galit ka sa akin?"
"Sino ba namang hindi magagalit sa iyo eh napaka-yabang mo na, napaka-playboy mo pa at isa pa ikaw nga dyan ang malaki ang galit sa akin tapos ano ngayon kung anu-ano sinasabi mo, and you expect me to believe you?"
"Dapat lang na magalit ako sa iyo, dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nagka-ganito at nagkaka-ganito"
"At ako pa talaga sinisisi mo? Ano bang pinag-sasasabi mo?"
"Eh ikaw naman talaga eh, ikaw ang dahilan kung bakit ako naging playboy!"
"Ako?" takang-taka sya sa sinabi ko
"Oo, ikaw! Dahil sa sobrang gusto kong makalimutan ka, alam kong mali, alam kong marami akong naloko at nasaktan pero lahat yun ay dahil sa iyo. Yun din ang dahilan kung bakit ako galit na galit sa iyo at kung bakit lagi kitang inaaway dahil baka sakaling yung nararamdaman ko ma-transform ko into anger pero hindi ko alam kung ano bang meron ka at bawat sampal at sigaw mo ay lalo akong nahuhulog sa iyo!
And that's when I realized na wala akong magagawa, I give up. I've surrendered to my feelings"
Natigilan sya, I could tell na sobrang nabigla sya sa mga sinabi ko. Kahit naman ako, I don't know what's got into me kaya ko nagawang sabihin yun.
But whatever that is ay ayaw magpa-awat because I moved closer to her, looked her in the eye and said...
"Kendra Christoff, I'm in love with you"
After what I said ay shinield ko yung mukha ko, akala ko kasi sasapakin nya na naman ako.
Pero may ilang seconds na akong napa-pikit sa takot ay wala pa rin yung inaasahan kong usual response nya na sapak or sampal...
And that's when I opened my eyes,only to find out na...
Umalis na sya.
BINABASA MO ANG
The Other Women and the Man Hater's Heart
Fiksi RemajaThis is not your average story of infidelity. Istorya ng dalawang kabit told in the Point Of View ng isang Man-Hater! and of course with a twist! Kendra always hated the Other Women but the irony of life is when her so-called bestfriends JD and Sab...