Point Of View
-Sab Lopez-
♫Lift your head, baby don't be scared
of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win it everything but you can try♫
♫Baby you don't have to worry
'coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way♫
I was day dreaming about Harry's eyes while listening to that song na plinay nya for me the other day,yung "With a Smile". Sabi nya kasi yun na daw ang theme song namen, kaya each time naririnig ko yung song ay naiinlove ako at parang nagiging unaware ako sa paligid ko, tulad na lang ngayon.
I was day dreaming while listening to our song on my i-pod when suddenly someone pulled the headset off my ears.
"Hey!" awat ko dun sa nag-tanggal ng headset ko
"Anong Hey! Ano ka ba? Kanina pa ko dakdak ng dakdak dito eh hindi ka naman pala nakikinig" sabi ni Kendra,sya pala yung humila sa headset ko
"Eh ano bang sinasabi mo?" tanong ko
"Edi ano pa ba? Edi si Julian, kanina nya pa kaya bukang bibig si Julian" pang-aasar ni JD,kasama rin kasi namen sya
"Oo bukang bibig ko sya pero dahil lang sa kanina ko pa sya nirereklamo!" paliwanag ni Kendra
"Sus, mamaya nyan in love ka na pala, wag ka na mag-secret sa amin.Aminin mo na,in love ka na noh! Ayiiiieee" pang-aasar pa ni JD
"Pwede ba tigilan mo nga ako, alam nyo naman kung bakit ko lang sya binigyan ng chance diba?" defensive na sagot ni Kendra
Sinabi sa amin ni Kendra yung reason kung bakit nya binigyan ng chance si Julian, nung una ay nag-worry kame kasi baka Mission Impossible talaga ang plan namen to make the Man Hater fall in love. Pero naisip namen na okay na rin 'to kasi at least may chance na si Julian, at may tiwala naman kame sa charm ng Ultimate Casanova. Nakaka-in love rin naman kasi talaga si Julian, ang sweet nga nung mga ginagawa nya for Kendra, abnormal lang talaga si Kendra kasi kung sa ibang babae yun ay smile pa lang ni Julian ay na-fall na. Katunayan nyan, siguro kung hindi lang kame in love ni JD kay Harry at Cedric ay baka pati kame na-fall na.
Pero at this point ay sobrang in love na kame ni JD kay Cedric at Harry kaya immune na kame sa charms ng Ultimate Casanova which means safe naman ang ginagawa naming pag-tulong sa kanya.
"At isa pa, wag nyo nga akong baliktarin dahil sa ating tatlo hindi ako ang may secret!"
Nagulat kame ni JD sa sinabi ni Kendra, anong ibig nyang sabihin? Sa tono ng pananalita nya ay mukhang may alam sya.
Posible kayang? Pero imposible yun, paano namang alam na nya?
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni JD
"Hindi nyo alam? Last chance nyo na 'to para umamin, aamin ba kayo o hindi?" banta ni Kendra
"H-hindi ka namen maintindihan, a-ano bang sinasabi mo? Ano namang i-sesekreto namen sayo huh?" palusot ko naman
"Ay naku, bahala kayo last chance nyo na yun na umamin. Akala nyo ba hindi ko alam? Matagal ko nang alam" sabi ni Kendra
Napatayo naman kame sa gulat at takot ni JD.
*GULP*
Matagal na nyang alam?
"Ohh bakit, nagulat kayo? Ano bang akala nyo na ganun ako Katanga para hindi malaman?" patuloy ni Kendra
"Matagal mo nang alam?" tanong ko
"Oo naman" sagot pa ni Kendra
"K-kendra, s-sorry talaga balak naman talaga namen sabihin sa iyo eh" paliwanag ni JD
"Oo nga Kendra, humahanap lang talaga kame ng tyempo. We were waiting for the right time to tell you" dagdag ko
"Sorry talaga Kendra, please wag kang magagalit" JD begged
"Sus Okay lang, Ano ba kayo eh matagal ko na ngang alam" gulat na gulat naman kame sa response ni Kendra
"Hindi ka galit?" tanong ko
"Naiintindihan mo kame?" tanong ni JD
"Oo naman, naiintindihan ko kayo tsaka ba't naman ako magagalit eh masaya nga ako para sa inyo" lalo kameng naguguluhan sa reaction ni Kendra, is this for real or is she being sarcastic? But there's no tone of sarcasm sa pag-sasalita nya
"Teka eh kung matagal mo nang alam ba't hindi mo kame pinigilan?" nagtataka kong tanong
"Eh ba't ko naman kayo pipigilan?" tanong nya
"Ibig sabihin okay lang talaga sa iyo?" tanong uli ni JD
"Oo naman, bakit naman hindi? Eh masaya nga ako para sa inyo at alam ko naman na you guys weren't planning to keep it a secret to me forever. Yun nga lang naunahan ko kayo" paliwanag nya pa
"Naunahan mo kame?" sobrang hindi na kame makapaniwala ni JD
"Naunahan kong malaman na may boyfriend na kayo"
"HUH?" sabay kameng na-confuse at napa-sigaw ni JD
"Oo, diba yun yung secret nyo? Na may boyfriend na kayo. I know naman that you guys were probably waiting for the right time to tell me.Pero matagal ko nang napapansin na in love kayo, kaya nga lagi kayong busy kasi siguro gawa nung mga boyfriend nyo noh? Tama ako noh?"
Hindi kame maka-sagot ni JD at nagka-tinginan lang kame. Akala ko ay alam na talaga ni Kendra yung secret namen. Akala ko pa naman ay solved na yung problema namen sa kanya dahil naiintindihan na nya kame, yun pala ay iba ang tinutukoy nya. Halos atakihin na ako sa puso kanina, tapos yun lang pala ibig nyang sabihin.
"Haay naku,okay lang naman sa akin na hindi nyo agad shinare kasi siguro baka gusto nyo ikwento kapag official na pero mukhang official na nga ano?May mga boyfriend na nga kayo noh?
Alam nyo pauwi si Mommy from abroad this week at sabi nya ay mag-aout of town daw kame, I asked her na if you guys could come at pumayag naman sya. Kaya ang mabuti pa ay isama nyo na lang dun yung mga boyfriend nyo para ma-meet ko at makilatis tsaka para na rin hindi kay Julian ma-center ang attention ng buong family ko. Si granny O kasi eh, ininvite sya. Ayoko ngang isama yung lalaking yun kaso ewan ko ba sa family ko at gustong gusto yung mayabang na yun.
So ano? This weekend huh, gusto kong ma-meet yang mga boyfriend nyo. Isama nyo sila huh" ^_^
JD and I just nod.
Hindi namen alam kung ano ang dapat ma-feel, she wants to meet Cedric and Harry pero kung alam nya lang yung totoo ay gugustuhin pa kaya nyang ma-meet sila? But anyways, yung kanina....
That was close!
BINABASA MO ANG
The Other Women and the Man Hater's Heart
Teen FictionThis is not your average story of infidelity. Istorya ng dalawang kabit told in the Point Of View ng isang Man-Hater! and of course with a twist! Kendra always hated the Other Women but the irony of life is when her so-called bestfriends JD and Sab...