Chapter 6 *The Patient*

15 1 0
                                    

"Cheating is cheating kahit nga yung mag boyfriend-girlfriend pa lang kayo at nakuha ka nang lokohin masakit pa rin yun. Yan kasing mga kabit na yan eh!"

Hanggang ngayon I'm still haunted by those words na sinabi ni Kendra.

Magawa pa rin kaya nyang sabihin yun kung nung mga panahong iyon ay alam na nya ang totoo about sa aming dalawa ni JD?

Mahirap maintindihan, kaya naka-isip ako ng paraan para maipaintindi namen kay Kendra. Kaya nga lang ay kahit yung paraang iyon na magiging sulusyon sa problema namen ni JD ay mahirap.

Have you ever tried to make a Man Hater fall in love? Ganun kahirap at kaimposible ang solusyon sa problema namen. Pero yun lang ang nakikita kong paraan para ipaintindi sa kanya dahil mahihirapan syang maintindihan.

At malamang kahit kayo ay nahihirapang intindihin, kaya siguro ay dapat malaman nyo muna ang side ko para mas maintindihan nyo rin...

Member ako ng Redcross Youth Council sa school namen. Isa ako sa mga volunteers noon ng organization na naka-assign na dumuty sa first aid booth during a basketball game event between different departments. Akala ko ay magiging isang normal na araw lang iyon, pero nung araw na yun dun ko sya nakilala...

"Sab!" tinawag ako bigla nung Organization Moderator namen

"Yes Ma'am?"

"May isang injured na player dun sa locker ng boys. Ayaw magpa-assist papunta dito sa booth masakit daw masyado yung paa kaya kung pwede ikaw nalang pumunta dun para tingnan, if grabe then report back nalang para makapag-pakuha tayo ng stretcher for transport, Okay?"

"Ahh sure Ma'am, ako na pong bahala"

Pumunta naman agad akong locker ng basketball team para puntahan yung sinasabi nilang injured na player. At pag-pasok ko dun ay parang wala namang tao.

"Asan na kaya yung sinasabi nilang injured na player?" I asked myself

Nagpalinga-linga ako then I decided na sumilip dun sa may shower.

At laking gulat ko naman, napasigaw pa ko!

"AAAAAAAAHHHHHHhhhhh!" napa-sigaw ako sabay takip ng mga mata ko.

"AAAAAAAHHHHHHHhhhhh!" napa-sigaw din sya, yung lalaking naka-underwear lang sa harapan ko.

Bigla bigla naman syang kumuha ng towel at tinakpan ang sarili nya.

Pero topless pa rin sya at may drips pa ng water sa katawan nya.

"H-hoy!" tinakpan nya yung bibig ko.

"H-hoy, ano ka ba? Ba't sigaw ka ng sigaw?" tanong nya sa akin still covering my mouth, tinanggal ko naman yung kamay nya sa bibig ko.

"B-bakit sumigaw ka rin naman ahh!"

"Ikaw nauna dyan eh, napagaya lang ako!"

Natigilan naman ako bigla at napatingin sa topless nyang body. Bigla ko namang na-realize na ang hott pala nung lalaking nasa harap ko at gwapo pa. Yung abs nya parang nagwe-wave sa'ken.

Kaso,wait lang. Virgin pa ko noh! Bastos sya! Ba't sya nag-momodel ng underwear sa harap ko!

Kaya bigla ko syang dinuro-duro.

"Hoy ikaw bastos ka! Ba't ka nag-momodel ng underwear sa harap ko huh! Bastos!"

"Hoy Miss, hindi ako bastos. Nag-shoshower lang ako, ikaw dyan ang bastos bigla ka na lang pumapasok dito. Alam mo ba kung nasaan ka? Nasa boy's locker room ka kaya!"

Oo nga ano? Pero teka hindi ahh. Hindi ako bastos! Kaya ako pumunta dito kasi duty ako, asan na ba kasi yung pasyente ko?

"Hoy, hindi ako pumunta dito para manilip noh! Andito ko kasi may injury ako!"

"Huh?"

"Ay mali, I mean... merong may injury sa inyo! Taga-redcross ako at kailangan ko ma-check yung injured daw na player" I explained

"Ahh, ikaw ba yun? Sorry Miss huh, I'm Harry,the injured player" he said then he winked at me and even extended a hand.

Napa-tingin lang ako sa kamay nya, na parang hindi maka-paniwala.

Siya ba talaga yung pasyente ko?

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon