Point Of View
-June Denise de los Reyes-
Paakyat na ko sa kwarto para matulog, I was already in my pyjamas at bumaba lang ako to get a warm glass of milk dahil hindi ako makatulog but I was interrupted from going upstairs when I heard my cellphone ring.
"Cedric, gabi na ahh ba't napatawag ka?"
"Andito ako"
"Huh?"
"Andito nga ako"
"Alam ko Cedric, alam ko naman na lagi kang andyan para sa akin and we've talked about this na diba? Akala ko ba hindi na muna naten iisipin ang ibang bagay na walang kinalaman sa 'For now'"
"Alam ko pero ang ibig kong sabihin ay andito ako sa tapat ng bahay mo"
"Ano?" Halos matapon ko naman yung hawak kong glass of milk sa sinabi ni Cedric. Kung anu-anong drama na ang pinag-sasabi ko tapos yun pala ang ibig nyang sabihin.
"Andito nga ako, my car is parked right in front of your house" paliwanag nya pa kasi mukhang di ako maka-paniwala
"Anong ginagawa mo dyan? Cedric gabi na! Hindi na ako papayagan ni Papa na lumabas"
"Ahh ganun ba? Sorry akala ko kasi matutuwa ka" parang ang sad nung tone nya nung sinabi nya yun
Then I peeked at the window and saw the dismayed look on his face. Strict kasi si Papa kaya hindi na ako makakalabas pag gabi na. Ayoko rin namang mapagalitan ako, iba pa naman magalit si Papa pero nung nakita ko sya...
Haaaaaaay Cedric bakit ba hindi kita matiis?
Bahala na nga.
"Sige aalis na lang ako" malungkot na paalam ni Cedric at ibababa na sana nya yung phone when I stopped him.
"Wait! Sandali lang, dyan ka lang. Wag kang aalis!" sabi ko sa kanya then I hung up.
Pag-talikod ko naman mula sa pag-silip ng bintana ay nagulat ako nang Makita ko si Papa.
"JD, ano yan? Anong sinisilip mo dyan?" tanong ni Papa
"Ugh,w-wala po akala ko po kasi may pusa" palusot ko naman
"Pusa?"
"Opo, ugh k-kayo po ba't gising pa kayo?"
"Hindi ako makatulog eh" sagot nya tapos napatingin ako bigla sa hawak kong warm glass of milk
"G-ganun po ba?Eh tamang-tama po pala pinag-timpla ko po kayo ng gatas" sabay abot ko sa kanya nung gatas
"Para sa akin ba talaga 'to? Ang sweet naman ng anak ko"
"Opo para sa inyo po talaga yan, kaya mabuti pa po umakyat na kayo at dun nyo na po inumin yan.Siguradong makakatulog na po kayo ng mahimbing pagka-inum nyo nyan" pag-tataboy ko sa kanya para umakyat na sya
"Bute pa nga, pero teka eh ikaw? Di ka pa ba aakyat?" akala ko okay na yung palusot ko at matataboy ko na sya paakyat pero ang kulit talaga ni Papa ayaw paawat.
"Aakyat na rin po ako, mag ugh ano po... Mag...
Mag-tatapon lang po ako ng basura sa labas!
Oo, tama kasi nakalimutan po ni manang itapon yung basura sa labas. Itatapon ko lang po tapos aakyat na po ako"
Reyna lang ng palusot ang peg? Pero pagka-sabi ko nun ay tiningnan lang ako ni Papa, I hope naniwala naman sya sa palusot ko.
"Sigurado ka huh? Sige aakyat na ako. Matulog ka na rin after mo dyan. Sige anak, goodnight" he said then umakyat na sya
![](https://img.wattpad.com/cover/6236069-288-k117782.jpg)
BINABASA MO ANG
The Other Women and the Man Hater's Heart
Teen FictionThis is not your average story of infidelity. Istorya ng dalawang kabit told in the Point Of View ng isang Man-Hater! and of course with a twist! Kendra always hated the Other Women but the irony of life is when her so-called bestfriends JD and Sab...