Chapter 60 *Don't speak finish*

5 0 0
                                    

Point Of View

-Kendra Christoff-

"Hoy Teh bitawan mo nga akech! Ano bang ginagawa mo? Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo eh. Ba't mo naman sinabi yun kay Papa Julian mylabs? Akala mo ba maniniwala sya sa iyo eh mas diosa pa ang beauty ko sa iyo at di hamak na mas girlaloo ang kaluluwa ko tapos sasabihin mong boyfriend mo akech?Ang chaka mo! Kadiri ka huh!"

Nagtatatalak na umalpas sa akin si Gretch nung maka-layo kame kay Julian

"Sorry na Girl, hindi ko nga rin alam eh bigla na lang lumabas sa bibig ko. Pero totoo naman yung sinabi ko ahh, wala akong friend na lalaki kasi hindi ako comfortable sa kanila. Baka naman bakla talaga yung destiny ko, Girl baka naman tayo talaga!"

Pumulupot uli ako sa kanya pero pa-joke lang lahat ng sagot ko.

"Girl pwede ba, layuan mo akech! Natatakot na akech sa iyo huh! Tigilan mo ko! Kadiri ka!"

Natawa na lang ako sa reaction nya.

"Ay Naku Girl sira ka talaga joke lang yun noh! As if naman papatulan kita noh! Hahahaha"

"Girl kahit na! Paano na lang kung magalit sa akin si Papa Julian mylabs tapos jombagin nya ang diosang fes-laloo ko? Hindi pwede yun, itong mukhang 'to na lang ang pag-asa ng pamilya namen at ang tanging sandata ko tuwing humahada! Bruha ka kung anu-anong ginagawa mo sa akin, kaloka!"

Tawa lang ako ng tawa sa mga pinagsasa-sabi nya, thank God I have Gretch by my side right now. Dahil sa mga kalokohan nya ay nakakalimutan ko kahit panandalian lang ang mga problema at nagagawa pa nyang katatawanan ang bawat madramang eksena sa buhay ko ngayon. What would I ever do without her?

"Pero Girl alam mo sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung ba't ko nagawa yun. Basta I felt like I had to say things like that to Julian, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba 'tong nararamdaman ko"

"Ay Naku Girl wait lang!"

Hinawakan ako ni Gretch sa dalawa kong balikat at lumayo ng konti na parang pinagmamasdan ako tapos inikot nya pa ako na parang ina-analyze.

"Naku Girl, di kaya? Di kaya...

Inlababo ka na kay Papa Julian mylabs!"

Nag-tatatalon, kilig na kilig at may pa-clap-clap pa si Gretch habang sinasabi nya yun. Halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi nya.

"Huh? Ano? Imposible, that's impossible. Julian Angeles is the perfect combination of all things I hate. Hindi pwedeng mangyari yan! I will never fall for that mayabang na playboy! Never!"

Mariin,mataray at very firm kong sagot pero natigilan ako sa kasunod na sinabi ni Gretch.

"Ay Naku Girl, don't speak finish!"

"Huh?"

"Don't speak finish"

"Anong don't speak finish?"

"Edi wag kang mag-salita ng tapos! Ay Naku Girl, ganda mo rin eh noh? Shunga-shungahan ka lang. Ini-english lang kita di mo na na-gets! Chaka mo huh, kailangan ko pang i-translate! Kaloka!"

Alam kong dapat matawa ako dun sa sinabi nya, pero bakit instead na matawa ay napa-isip ako bigla.

Hindi nga ba ko dapat mag-salita ng tapos?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon