Chapter 5 *Coach*

20 1 0
                                    

Point Of View

-June Denise de los Reyes-

Siguro iniisip nyo ngayon na ang sama kong tao, na ang tanga ko dahil pumatol ako sa isang guy who's already in a relationship. Pero masisisi nyo ba ako? Nung na-inlove ako sa kanya ay hindi ko pa yun alam pero nung nalaman ko na engaged na sya ay mahal na mahal ko na sya kaya hindi ko na kayang basta na lang sya iwan.

Pero para mas maintindihan nyo, siguro kailangan nyong malaman ang story ko...

"Guys have you heard, medyo maselan daw yung pag-bubuntis nung asawa ni Coach Rio kaya nag temporary leave daw muna sya!"

"What? Eh paano na ang training naten, malapit na yung laban?"

"Wag kayong mag-alala I heard meron daw kinuhang guest Coach si Coach Rio for this sem"

"Talaga?"

"Oo at mamaya daw naten makikilala"

"Bute naman kung ganun,I hope kasing galing sya ni Coach Rio"

"Sigurado yun, hindi naman yun kukunin kung hindi basta I hope gwapo sya!"

"Oo nga sana gwapo!"

"Sira! Kayo talaga magiging coach naten yun noh, tigilan nyo nga yan!" Awat ko naman dun sa mga kausap ko.

Member ako ng varsity ng girl's basketball team sa school. And that's how I met him, that's how I met Cedric. He was the guest coach of our team for that semester. At kahit kelan ni hindi sumagi sa isip ko that I'll fall in love with Coach Cedric, dahil bukod sa slight age difference ay I also wanted to keep our relationship strictly professional.

Kaya lang...

"Grabe kinikilig ako ang gwapo ni Coach Cedric!"

"Hindi lang yun mukhang mabango pa!"

"Ang Hott nya talaga!"

Narinig kong pinag-uusapan nung mga team mates ko si Coach Cedric habang papalapit ako sa may bleachers kung saan andun sila at nag-tatali ng sapatos.

"Haay naku ayan na naman kayo, pinag-nanasaan nyo na naman yung bagong coach!" awat ko na naman sa kanila

"Ay naku JD, kahit kelan talaga KJ ka!"

"Grabe ka naman, hindi naman namen pinag-nanasaan para hinahangaan lang eh!"

"Oo nga, basta ako crush ko na talaga si Coach biruin mo fresh grad palang pala sya"

"So ibig sabihin mga 2 years lang tanda nya sa atin?"

"Yup and I heard pamangkin sya ni Coach Rio at star player ng team nya when he was in college kaya sya yung kinuhang guest coach!"

"Grabe package deal talaga sya! Ang galing na mag basketball ay ang gwapo pa!!!!"

"Sus, gwapo? Parang hindi naman" pag-disagree ko naman sa mga team mates ko.

"Talaga hindi gwapo si Coach?"

"Hindi"

"Hindi rin mukhang mabango?"

"Hindi"

"Hindi rin HOTT?"

"Hindi"

"Hindi mo crush?"

"Hindi"

Hindi ako ng hindi sa mga tanong nila sabay iling pa, tapos nagulat ako nang biglang may nag-salita sa likod ko.

"Ouch! Ang sakit naman nun!"

At nung humarap ako to see kung sino yung umimik ay para yata akong matutunaw sa hiya.

"C-coach? Kanina ka pa dyan?"

+_______+

"Hindi naman, just long enough to hear na hindi ako gwapo,mukhang mabango, hott at hindi mo ako crush" ^_^

"Ugh coach, s-sorry po hindi naman po yun ang ibig kong ano ugh..."

"Don't worry okay lang yun kahit masakit ay tatanggapin kong hindi mo ko crush" ^_^

"Huh? Ugh C-coach, S-sorry po... ano kasi..."

"Okay lang, sige girls tara na practice na tayo" ^_^

Halata namang pigil na pigil ang tawa nung mga team mates ko, kahit kelan talaga ay pahamak yang mga yan!

Nakakahiya tuloy kay coach. Kaya kahit halos matunaw na ako nung mga panahong yun ay sumunod na lang ako sa iba kong teammates nung tumayo na sila after sabihin ni coach na practice na daw kame.

Pero dahil nga sa nangyari, after practice ay nag-approach ako sa kanya.

"Uhmm coach ano po about po dun sa nangyari kanina"

"Ahh yun ba, okay lang yun"

"Hindi po coach,sorry po talaga"

"Okay lang wala yun, hindi naman ako nag-eexpect na crush ako ng crush ko"

"Po?"

"Wala sabi ko wag ka nang mango-"PO" sa akin dahil 2 years lang naman ang tanda ko sayo tsaka okay lang yun"

"Hindi po talaga coach, I really feel bad for insulting you... If there's anything I can do po talaga para bumawi"

Pagka-sabi ko noon ay bigla syang napatingin sa keychain na nakasabit sa bag ko.

"Ang cool nyang keychain mo ahh,sige if it will really make you feel better ay akin na lang yang keychain mo at patatawarin na kita" ^_^

"Ahh, sorry po ulit coach... may sentimental value po kasi yan saken eh pwede pong iba na lang hilingin nyo? Kahit ano po gagawin ko. Hindi ko lang po talaga pwede ibigay yung keychain na yan eh"

"Ahh ganun ba? Sige eto na lang, go out with me..." ^_^

"Po?"

"Grabe ka naman sinabi na ngang hindi ako ganun katanda, tsaka isa pa wag kang mag-alala friendly date lang yun, hang out lang... Pero kung ayaw mo ay okay lang din naman kasi like I said, hindi mo naman kasi kailangan bumawi dahil okay lang naman talaga sa akin yung nangyari"

"Ugh hindi coach, sige po payag na ko, I really insist po. Nakakahiya po kasi talaga sa inyo eh"

"Okay then, what time shall I pick you up? Ibigay mo na rin sa akin yung number mo so I can text you for the directions" ^_^

At ayun na nga, para makabawi sa kanya ay lalabas kame

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon