Chapter 43 *Wala kayo sa boyfriend ko*

10 0 0
                                    

Point Of View

-Kendra Christoff-

I stayed na sa Villa the whole day after what happened. Nagulat naman ako na naintindihan agad ni Julian that I wanted him to act as if it never happened. Akala ko dati insensitive sya pero hindi naman pala masyado.

Nasa kwarto ako sa taas pero rinig na rinig ko yung ingay sa baba, mukhang nasa Villa rin namen sina Mommy at nag-vivideoke yata sila. Hindi ako papaya na masisira nung breakdown ko kanina itong time ko with my loved ones, so I decided na bumaba and maki-join sa kanila.

Nasa may stairs pa lang ako ay rinig ko na yung mga tawanan, mukhang may pinag-kakatuwaan sila.

“Wala kayo sa granny O ko! Kahit granny nyo sya ay baby ko pa rin yan!” biro ni grandpa Jack sabay kiss pa sa cheeks ni granny O, tapos hinampas pa sya ni granny O ng mahina.

Natigilan muna ako sa may pinto papuntang living room at nakinig habang nag-papayabangan sila. Nakakatawa yung mga hirit nila.

“Eh wala kayo sa Sab ko! Angel ko na, devil ko pa!” biro naman ni Harry sabay may pag-yakap pa kay Sab. Si Sab naman halatang kinilig sa banat ni Harry.

“Sus wala kayo sa Cedric ko! Coach ko na, boyfriend ko pa!” biro naman ni JD sabay tingin kay Cedric. Nagkatinginan naman yung dalawa at mukhang biglang nag-sweet moment na parang nawala yung mga tao sa paligid nila.

Napa-isip tuloy ako bigla tungkol dun sa napag-usapan namen ni Julian the other day.

‘If you can’t beat them, join them’

After ko maalala yung phrase na yun ay bigla akong pumasok sa living room at umeksena.

“Wala kayo sa boyfriend ko! Sinapak ko na, na-in love pa sa akin!”

Nagulat ang lahat sa pag-pasok ko, or more likely ay nagulat sila sa banat ko.

Nakakatuwang pag-masdan yung mga facial expression nila dun sa sinabi ko. Mukhang tama nga si Julian, sana pala matagal ko na sinakyan yung pag-aassume nila. Gulat na gulat ang lahat dahil hindi nila ineexpect ang ganun from me. Akala nila hindi ko kayang sakyan ang pag-aassume nila, tingnan naten ngayon kung sino ang nakakatawa.

Wala pa rin sumasagot at nakatingin lang lahat sa akin in shock.

“Ohh bakit, ayaw niyo maniwala? Gusto nyo ng sample?”

Sabi ko then I raised my fist at tinutok kay Julian, kaso biglang umimik yung lalaking yun…

“H-hindi ahh, hindi na kailangan, Naniniwala naman kayo diba?

Wala kasi kayo dyan sa girlfriend ko eh, kahit warfreak yan, Mahal ko yan”

Bigla namang sinakyan nung lalaking yun ang banat ko at umakbay pa sa akin.

Nag-katinginan kameng dalawa and this time, for some reason ay hindi na ako naiilang. Siguro kasi alam ko na he knows what I’m doing. Alam nya that I’m just going with the flow at simula nung mapansin ng lahat na hindi na ako naiilang ay tinigilan na nila ang pang-aasar sa amin. And he was right, ngayon mas ma-eenjoy ko na yung trip na ito with my family and friends.

I can’t believe I’m saying this again but…

Thank you Julian.

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon