Chapter 7 *The injured player*

14 1 0
                                    

Point Of View

-Sabina Keisha Lopez-

Naka-upo na ngayon si Harry dun sa bench, at tinaas nya yung binti nya na injured daw.

Tiningnan ko naman ito, at mukhang sprain lang and nothing serious naman. Nagawa pa nga nyang mag-shower. Feeling ko tinatamad lang yan pumunta sa booth ng Red Cross kaya ayaw magpa-assist papunta dun.

"Sorry again kanina huh, akala ko kasi mamaya ka pa darating eh I really wanted to take a shower na kaya hindi na kita hinintay. And I wasn't expecting someone like you ang ipapadala nila"

Napa-taas naman ako ng kilay at napa-tingin sa kanya habang nilalagyan ko ng benda yung binti nya.

"Someone like me? What do you mean by that?" tanong ko.

"I mean, I was expecting magpapadala sila ng first aider, but instead ang dumating ay Angel" ^_^

I chuckled,grabe huh kikiligin na ba ko? Ganun ba bumanat ang mga injured na basketball players?

"Ohh grabe ka naman, tinawanan mo lang ako" sabi nya

"Eh kasi naman, saang "banat" Academy ka ba nag-aral at ganyan ka ka-corny?"

"Corny ba? Sorry huh, gusto lang kitang mapa-tawa. Ang serious mo kasi sa pang-gagamot saken eh"

"Ahh so joke lang yun, hindi totoo?"

"Depende sayo,gusto mo ba totoo?" At napansin ko namang panay ang pa-charming ng mga mata nya.

"Ay naku foul na yan huh, kayo talagang mga basketball players magaling mambola!"

"Hoy hindi ahh, ganto lang talaga ang basketball player pag na-injure...

Nafa-fall" ^_^

and there he goes again sa mga pakindat kindat nya, akala nya madadaan nya ko dun.

"Ay naku, masama pala kayo ma-injure, sige aalis na ko bago pa madagdagan ang injury mo! Okay na yang bali mo, nothing serious naman eh. Ipahinga mo lang and if sumakit pa punta ka na lang sa booth"

At tinalikuran ko na sya, kaso may pahabol pa sya.

"Teka lang, baka pwede kong makuha yung number mo para naman pag na-injure ako ulit; I'll have an Angel on speed dial"

"Wow, number agad eh ni hindi mo pa nga alam ang name ko!"

"Alam ko kaya! Sabina Keisha " ^_^

"T-teka paano mo nalaman?" takang-taka namang napakunot yung noo ko.

But instead of answering back ay ngumuso lang si Harry at napa-tingin ako sa dibdib ko.

Ay ang shunga ko!

May suot nga pala akong name plate! Malamang dun nya nabasa yung name ko!

Haaay Naku Sab, shunga lang?

At dahil nga sa napahiya ako ay binigay ko nalang ang number ko. Number lang naman eh, wala naman sigurong masama dun.

Diba?

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon