Point Of View
-JD de los Reyes-
Masayang masaya ang lahat dun sa resort, yung family ni Kendra ay super bonding kasama si Julian sa pag-swiswimming. Si Sab at Harry naman ay super sweet din na nag-momoment dun sa may sea shore at gumawa pa ng sand castle.
Ako naman, andito at kanina ko pa hindi makita si Cedric. Asan na naman ba yun?
Hinanap ko si Cedric at nakita ko sya sa may mini play ground nung resort habang naka-upo sa swing. Ano naman kayang ginagawa nya dyan?
“Cedric!” napa-lingon sya sa akin nung tawagin ko sya.
Lumapit ako sa kanya at tinabihan syang umupo dun sa isa pang swing. Nakita kong may something sa mga mata nya habang dinuduyan nya yung sarili nya nan aka-upo dun sa swing. I could tell na ang lalim ng iniisip nya.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka dun sa may beach andun silang lahat”sabi ko sa kanya
“Papunta talaga ko dun kanina nang makita ko ‘tong mini playground, kaya dumaan muna ako” sagot nya
“Mahilig ka pala sa playground” sabi ko then I heard him take a deepsigh before sya nag-comment sa sinabi ko”
“There’s just something about me and playgrounds. Nung bata pa kasi ako merong playground nun malapit sa bahay namen and I’d go there everyday. I could remember being so happy everytime na andun ako.Ang dami kong kalaro dun and it’s that one place that you could be yourself and you play just for fun. And I thought that kind of joy would last pero hindi pala…
Dumating yung time na hindi na pumupunta dun yung mga kalaro ko kaya ang lungkot ko, then one day bumisita sila dun at niyaya ako sa basketball court. Sabi kasi nila ay masyado na daw kame malaki para sa playground kaya sumama ako and the basketball court became my new playground. Masaya naman ako pag nag-babasketball pero sa totoo lang, yung saya na nararamdaman ko nung bata pa ako pag nag-lalaro ako sa playground is incomparable, dahil nung sa court na ako nag-lalaro it’s not just for fun any more, marami nang expectations and obligations hindi katulad sa playground na everything’s for fun”
Ramdam na ramdam ko ang bawat salita na sinasabi ni Cedric. And it made me feel so happy that he’s opening up to me, I could tell na kung anu man yung meron sa amin ay lalong lumalalim at ang lahat ng ito ay nangyayari dahil mas lalo kameng nag-oopen up sa isa’t isa.
“From time to time I like to visit playgrounds, because it keeps me grounded and reminds me of that kid who just wants to have fun. Ang dali ng lahat habang bata ka pa noh? That’s why nung lumalaki ako I had that Peter Pan stage sa buhay ko where I was the boy who never wanted to grow up. I wished we never had to…
Alam mo yung pakiramdam nung bata ka pa tapos may paborito kang kalaro? Someone that you just love having around na parang ang gaan kasama and you feel like you could be yourself with that person…
That’s kind of like how I feel when I’m with you”
Nagka-tinginan kame sa mata dahil dun sa sinabi nya,at kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano nya ako kamahal pero kitang kita ko rin yung hurt na nararamdaman nya for that love he feels for me.
Hindi pa rin ako maka-imik about sa mga sinasabi nya, then he looked away and went on…
“I don’t know if I’m just having one of my Peter Pan moments again or what. Because you know, thinking about the wedding, the obligations and the responsibility makes me wish that we never have to grow up again.
So that way, we never have to leave the playground or yung paborito nating kalaro…
Kasi pag tumanda tayo we’ll have to play not just for fun, things get complicated and it’s no longer as easy as kung anong meron tayong dalawa ngayon.
BINABASA MO ANG
The Other Women and the Man Hater's Heart
Teen FictionThis is not your average story of infidelity. Istorya ng dalawang kabit told in the Point Of View ng isang Man-Hater! and of course with a twist! Kendra always hated the Other Women but the irony of life is when her so-called bestfriends JD and Sab...