Chapter 32 *Batch of 'Ex-es"

12 1 0
                                    

Point Of View

-Kendra Faith Christoff-

Sinundo ako ni JD at Sab sa bahay, sabi nila may kailangan daw kame puntahan. Wala akong idea kung saan kame pupunta lalo na kasi nilagyan nila ako ng blind flod at pinasok sa sasakyan. Syempre nung una ay nanlaban ako kaso dalawa sila eh kaya wala na rin akong nagawa.

"Saan nyo ba kasi talaga ako dadalhin? Kini-kid nap nyo ba ko?" tanong ko dun sa dalawa

"Hoy Kendra mag-tigil ka nga! Masyado ka na matanda para kidnapin!" sagot ni JD

"Oo nga, manahimik ka na lang. Naririndi na ko sa iyo eh, malalaman mo rin naman pag-dating naten dun" dagdag pa ni Sab

Nakaka-asar naman yung dalawa! Pero napapagod na rin ako kakangawa kaya napatahimik na lang ako. Maya-maya pa ay tumigil yung sasakyan, then bumaba na kame at tinanggal nila yung blind fold ko.

"Anong ginagawa naten dito?" tanong ko nung Makita ko kung asan kame.

Dinala nila ako sa dati kong school nung high school, pero bakit? Anong meron?

"Basta sumunod ka na lang" sagot nila then tinulak nila ako hanggang makarating kame sa school groundkung saan ginaganap ang flag ceremony at halos manlaki yung mata ko nang Makita ko yung mga ka-batch ko nung high school. Kaya lang ang nakakapag-taka ay puro sila girls, ay hindi pala meron ding isang bakla.

"Ano 'to? Anong meron? May surprise High school reunion ba kame na hindi ko alam?" tanong ko, kaso nag-tataka ako dahil kung high school reunion 'to eh ba't may iba na schoolmate ko ngayong college, tsaka bakit puro babae lang at isang bading ang andito. Naguguluhan na talaga ako, ano bang meron?

Maya-maya pa ay biglang nahawi yung crowd nung mga babae at nasagot ang mga katanungan ko nang lumabas mula sa likod nila si...

Si Ma'am Liza

"Ma'am Liza?" Yun lang ang naimik ko, Si Ma'am Liza yung dati kong homeroom adviser nung high school.

"Ma'am Liza, ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko

"I'm only here for a favor, ang swerte mo Kendra kaya sana buksan mo na yang puso mo" yun ang sinabi ni Ma'am Liza na tinuro pa ang dibdib ko.

"Hindi ko po maintindihan" sagot ko

"Alam ko kaya andito sya para ipaintindi sa iyo" sabi ni Ma'am Liza then tumingin sya sa likod nya at lumabas mula sa crowd si...

Si Julian.

"Anong ginagawa mo dito? Pakana mo na naman ba 'to?" tanong ko sa kanya

Then bigla syang napa-kamot sa batok nya at parang nahihiyang sumagot...

"Oo, ginawa ko 'to kasi alam kong mahirap para sa iyo maniwala that I'm a changed guy because of you.

Kaya kung hindi mo kayang maniwala at makinig sa akin, baka sakaling sila pakinggan mo"

"Sila?"

"Oo, 'Sila' lahat sila 'Ex' ko at lahat sila nasaktan ko pero humingi na ako ng tawad sa bawat isa sa kanila and begged them na tulungan ako para makinig ka sa akin"

"Lahat sila 'Ex' mo?" tanong ko sabay tingin sa crowd, grabe halos kalahati ng batchmates ko nung high school 'to tapos marami ring mga schoolmates ko ngayong College, ganito karami ang babaeng naloko nya?

"Pati sya?" sabi ko sabay turo dun sa nag-iisang bakla sa crowd na kanina ko pa napapansin, grabe hindi lang babae ang naloko nya pati bakla.

"Hoy teh, bakit? Nakaka-offend ka huh, bakit anong tingin mo sa akin hindi ka-level ng beauty nyo?" mataray namang sagot nung bakla

"Ui hindi ahh, tinatanong ko lang. Sorry!" sabi ko dun sa bakla sabay peace sign

Then napatingin ako kay Julian at umimik sya...

"Hindi ko naman 'Ex' yan eh pero kine-claim nya na naging kame kaya humingi na rin ako ng 'sorry' sa kanya kasi baka nasaktan ko rin sya" paliwanag ni Julian

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga nangyayari pero ang pinaka-nangingibabaw siguro ay yung pagka-shock ko to find out na ganito karami ang babaeng naloko at nasaktan nya.Just imagine kung gaano karaming bucket of tears ang iniyak nila and now it's this easy for them na patawarin sya?

"Kendra, all I'm asking for is a chance. Sana bigyan mo ko ng chance to prove to you na mahal kita, mahirap paniwalaan pero totoo.

I love you Kendra Christoff"

"Bigyan mo na ng chance!"

"Oo nga!"

"Maniwala ka na Kendra"

"Kawawa naman ohh!"

Kanya-kanyang sigaw yung mga 'Ex' nya na bigyan ko na ng chance si Julian pero hindi ko pa rin Makita kung bakit ko yun kailangang gawin. Hanggang sa may narinig ako that caught my attention, yung sigaw nung 'Ex' nyang bakla...

"Hoy teh bigyan mo na ng chance! Wag ka nang maarte para matigil na ang pagiging playboy nyan at wala nang masaktan!"

Naalala ko bigla yung sinabi ni Julian, sinisisi nya ko kung bakit sya naging 'Playboy'. Ang sabi nya kaya nya nagawa yun ay dahil sa gusto nya kong makalimutan, kung ganun ay dahil rin ba sa akin kaya ganito karami ang babaeng nasaktan nya?

Kung bibigyan ko sya ng chance ay matitigil ang pagiging 'Playboy' nya at mababawasan na rin ang mga babaeng pwede nya pang maloko at masaktan. Pero ayoko kay Julian, hindi ko sya gusto and in fact ay galit ako sa kanya. Kaya lang isang maliit lang naman na sacrifice ang pag-payag na gagawin ko compared sa dami ng mga babaeng maliligtas ko sa pananakit ng isang 'Playboy' na tulad nya.

"So what do you say Kendra, will you give me a chance? Can we start all over again?" he asked me again then he extended a hand

Bahala na nga!

I shook the hand he extended as a sign na pumapayag na ako, then he smiled and said...

"I'm Julian Angeles, a retired Casanova and you are?"

"Kendra Christoff, trying to open up my heart"

And that was how we started all over again. I told him that I'm trying to open up my heart but the truth is it remains closed, it's still locked. The only reason na pumayag ako is to put a stop sa pananakit nya sa mga babaeng naloloko at maloloko nya, I told him I'm trying to open up my heart but that means I'll only try. At para lang ito sa lahat ng mga babaeng posibleng masaktan, yun lang at wala nang iba. Isang maliit na sakripisyo para sa mas nakararaming kababaihan. Para sa kanila I'll try, but that doesn't mean I have to fall in love with him because I never will...

Right?

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon