Chapter 59 *saradong puso*

4 0 0
                                    

Point Of View

-Kendra Christoff-

"Hoy Teh okay ka lang?" tanong ni Gretch after namen makalayo dun sa dalawa

"Oo naman" sagot ko

"Ay Naku Girl, kung makipag-ayos ka na kaya sa mga Amazona friends mo"

"Huh? Bakit naman, nasasawa ka na bang samahan ako?"

"Hindi naman ganun yun Girl, pero syempre hindi ako kunsintidorang friendship. Masama kaya ang may kaaway...

We should make Love not war-laloo!"

"Anong make Love? Baka make Peace not war?!"

"Girl pareho lang yun! The point is kitang kita naman na miss mo na rin ang mga Amazonang yun at kahit ikaw Girl, nasasaktan ka sa nangyayari"

"Ay naku Gretch,pwede ba wag mo muna ako kulitin about that. Wag muna ngayon, hindi pa ko ready"

Hindi na nga ako kinulit pa ni Gretch,pero pag pagkakataon naman ang nangulit ay naku. Grabe talaga...

"K-kendra"

Sa kamalas-malasang pagkakataon ay naka-salubong namen si Julian na halos ilang araw ko na ring hindi nakikita dahil iniiwasn ko.

Point Of View

-Julian Angeles-

"Papa Julian mylabs!"

Pumulupot agad sa akin na parang anaconda yung baklang nagke-claim na 'Ex' ko daw sya. Pero ang pinag-tataka ko ay bakit kasama nya si Kendra at hinigit pa sya ni Kendra sa pagkaka-pulupot sa akin.

"Layuan mo nga yan!" pinagalitan pa sya ni Kendra

"Kendra, pwede ba tayo mag-usap" Hindi ko na lang pinansin yung baklang yun at nag-focus na lang ako sa pakay ko.

"Para saan pa? Eh wala ka namang ibang sasabihin kundi mga kasinungalingan. Ba't pa tayo mag-uusap eh hindi ko naman magagawang maniwala sa anumang sasabihin mo, wala ding point!"

"Kendra bakit ka ba ganyan? Bakit ba kahit anong gawin ko ay hindi mo magwang maniwala sa akin. Lahat na lang ng gawin ko minamasama mo...

Bakit ba kahit anong gawin ko, sarado pa rin ang puso mo?"

"Ang galing mo talaga noh? Ikaw na talaga ang pinaka-magaling na sinungaling na nakilala ko...

Sa lahat ng sinungaling ikaw ang pinaka ma-effort!

May teary eyed effect ka pang nalalaman, baka next time gusto mong samahan ng props? Pero kahit gaano ka pa ka-convincing hindi mo na ko maloloko!

Ang mabuti pa tigilan mo na ko dahil, dahil...

May boyfriend na ko!"

Nagulat ako nung pumulupot sya dun sa kasama nyang bakla. Napa-tingin din yung bakla na parang kahit sya ay nagulat. Seryoso ba si Kendra?

"Bakit, anong masama kung ma-in love ako sa bakla? At least sya hindi nya ko lolokohin! Kahit kelan hindi sya mambababae!

Kaya tigilan mo na ko, dahil kahit kelan ay hindi ko kayang buksan ang puso ko sa iyo!"

Then she walked out kasama pa rin yung baklang sinasabi nyang she'd rather be with than me.Ganyan na ba talaga sya ka-Man Hater? That she'd rather choose to be in love sa isang binabae? Hindi ko na talaga sya maintindihan.

Pero ang mas lalo kong hindi maintindihan ay ang sarili ko, bakit kahit paulit ulit nya lang akong nasasaktan ay mahal ko pa rin sya?

I'm still in love with the Man Hater.

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon