Chapter 10 *Harry Potter*

13 1 0
                                    

Point Of View

-Sabina Keisha Lopez-

Natutulog ako noon sa kwarto ko nang biglang nag-ring yung cellphone ko, bagising tuloy ako at sa sobrang gulat ko ay nalaglag pa ako sa kama.

"Aray ko po!" sabi ko sabay himas pa sa pwet ko.

Kinuha ko naman yung cellphone ko at nakita kong may tumatawag na isang unknown na number. Napa-kunot naman ang noo, sino kaya 'to?

"H-hello" sagot ko in a bagong gising na tone

"Hello si Sabina ba 'to?" tanong nung unknown caller

"Huh? Ugh Yeah si Sab 'to, speaking?" tanong ko naman sa kanya

"Yun, ugh si Harry 'to" very ebthusiastic nyang sagot na parang tuwang tuwa na ako nga si Sab

Napa-kunot na naman ang noo ko, sinong Harry? Parang wala naman akong kakilalang Harry.

"Harry? Sinong Harry? Harry Potter?" Eh si Harry Potter lang ang kilala kong Harry eh, sino ba 'to?

"Haha, hindi ahh. Wala naman akong british accent ahh, ikaw lang naman dyan ang may bagong gising accent" paliwanag nya

"Huh? Ugh bagong gising talaga ko eh, pero sorry talaga wala akong kilalang Harry eh"

"Ganun ba? Naku sorry nagising pala kita, pero quits lang tayo huh kinalimutan mo kasi agad ako"

"Eh sino ka ba kasi talaga?"

"Si Harry nga, the injured player" ^_^ at ewan ko pero pagkasabi nya nun kahit sa phone lang kame magka-usap ay biglang nag-flash sautak ko yung smile nya

"Ahh oo nga pala hiningi mo yung number ko, ohh kumusta na yung bali mo?"

"Okay naman magaling na kasi magaling din yung first aider ko eh" ^_^

"Ohh yun naman pala eh, ba't ka napatawag?"

"Para mag-thank you"^_^

"Ahh yun lang ba? Wala yun it's part ofour job, sige na good night" ibaba ko na sana kaso pinigilan nya ko

"Wait, pwede ka bang yayain lumabas?"

"Huh? Bakit?"

"Kailangan ba lahat may dahilan, puro ka naman bakit eh"

"Oo naman, everything happens for a reason. So bakit nga kasi?"

"Ganun ba yun?Edi ano, kasi ugh... Kasi para 'thank you' ko sa pag-gamot mo sa injury ko"^_^

"hmmm..." Napa-isip muna ako dun sa reason nya

"Sige na, pleeeease" At parang bigla kong napicture out ang puppy dog eyes nya while begging for me to say yes

"Sige na nga" So pumayag na rin ako

"Yes! Sige I'll call you tomorrow na lang for the details" he excitedly said

"Okay" Natatawa ko namang sagot, para kasing sobrang saya nya nung pumayag ako

"Good night Angel" sabi nya

"Angel? Bakit Angel?" tanong ko naman

"Eh kasi diba I asked for your number so I'll have an Angel on speed dial. Kaya hindi na ko natatakot ma-injure uli, kasi ngayon pag na-fall ako may Angel na ko"^_^ That's what he said then he just hung up

Ewan ko kung bakit ganun, pero para yatang na-excite ako bigla na lalabas kame bukas. And I don't usually go for guys that's so bolero pero bakit ganun, may effect sya sa akin. Kahit minsan parang ang korny nya eh kinikilig ako.

Bakit kaya?

Hindi ko alam, pero like I said everything happens for a reason.

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon