Chapter 37 *backseat*

11 0 0
                                    

Point Of View 

-Sab Lopez-

Excited na ko!

Ang saya-saya ko, ang saya ko para kay Kendra dahil alam kong masaya sya kapag ganitong magkakasama ang family nya. Masaya rin ako para kay JD kasi kasama na nya si Cedric at ang sweet talaga nung ginawa nya na sinurprise nya pa talaga si JD sa pag-sama nya.

At syempre, masaya rin ako para sa aming dalawa ni Harry. First time namen na maga-out of town kaya sobrang excited na ako.

Siguradong kanya-kanyang kilig moments ang barkada, mukhang ang saya ng lahat. Sana ganito na lang palagi.

Posible kaya yun?

Posible bang maging ganito na lang kasaya ang lahat palagi? Para akong sira, tinatanong ko pa eh alam ko naman ang sagot. Ngayon pa nga lang, kahit gaano pa kasaya ay hindi pa rin lubos yung nararamdaman naming kasayahan ni Sab dahil meron pa rin kameng tinatago kay Kendra. At bukod pa dun, ang lahat ng ito para sa mga tulad naming ni Sab ay mga hiram at nakaw lamang na sandali. Kaya kahit ngayon lang ay gusto muna namen kalimutan ang mga bagay na yun at kahit ngayon lang ay magiging masaya kame dahil at least yun, possible.

"Bakit parang biglang tumahimik ang makulit kong angel?" tanong ni Harry nung napansin nya sigurong natahimik ako dahildun sa lalim ng iniisip ko.

Bigla tuloy ako nainis sa sarili ko, sabi ko gusto ko maging masaya lang kame ngayon tapos heto ako at sinisira ng mood ko ang lahat.

"Wala! Naiinip lang ako, hindi pa ba tayo aalis?" biglang nag-shift yung mood ko nung sumagot ako kay Harry

"Ang Angel ko talaga, alam mo ang oras ay hindi dapat minamadali dahil limited lang ito para sa ating lahat kaya dapat ay chinecherish ang bawat sandali, kaya imbis na mainip ka ay gawin mo na lang yung ginagawa ko...

Dinadama ko ang sarap ng bawat sandaling kasama ka" yun ang sabi ni Harry sabay halik sa mga kamay ko

Hindi ko alam kung bakit pero napaka-malaman mag-bitiw ng mga salita ni Harry. Siya yung klase ng tao na masyadong makahulugan, kaya nga siguro bagay sya sa akin. Dahil sad alas ko mag-tanong ng 'Bakit?' ay lagi nya ako nabibigyan ng pinaka-magagandang sagot. He's like my answered prayer.

"Alam ko, chinecherish ko rin naman eh. Alam mo bute pa sumakay na tayo sa van" yaya ko sa kanya

Then pumasok na ako sa van,dun ako umupo sa upuan sa unahan. Hindi kasi talaga ko umuupo sa backseat pag sumasakay ako ng van. Nung bata pa kasi ako ay niloko ako dati nung tito ko na may monster daw sa backseat nung van namen at iyak ako ng iyak. Kaya ever since ay hindi talaga ako pumepwesto dun kahit nung malaki na ako at alam ko nang wala namang monster dun ay ang weird pa rin para sa akin na pumwesto dun.

"Ohh bakit dyan ka pumwesto, tara dito tayo sa backseat" yaya sa akin ni Harry nung umupo sya sa backseat ng van

"Huh? Bakit dyan?" tanong ko sa kanya

"Ikaw talaga, kailangan lahat na lang may dahilan. Dito kasi talaga ako pumepwesto sa backseat ng van kapag mahaba ang biyahe...

Dito ka na rin, tabihan mo ko" sagot ni Harry

Naku, patay! Dun sya pume-pwesto, eh dun ako hindi pume-pwesto. Anong gagawin ko?

"Bakit may problema ba?" tanong ni Harry nung mapansin nyang mukhang nag-iba yung facial expression ko nung yayain nya ko umupo sa backseat

"Ugh w-wala" sagot ko, then kahit medyo alangan pa rin ako sa pag-pwesto sa likod ay dun na rin ako umupo dahil andun sya. Si Kendra at si Chari naman nag-occupy dun sa unahan namen habang si Julian ang nag-dradrive. Tapos dun sa isang van nakasakay sina granny O, Tita Kristy at CJ habang si grandpa Jack ang nagdra-drive. Si JD naman ay naka-sakay sa dalang car ni Cedric.

Nung maka-alis na kame and on our way na papunta sa resort ay hindi pa rin ako mapakali. Sobrang uncomfortable sa akin nan aka-upo ako sa backseat. Ewan ko ba, ang tanda ko na pero hanggang ngayon ay dala ko pa rin yung fear ko sa pag-upo dun dahil lang sa akala ko nung bata pa ako ay may monster dun.

Pero maya-maya ay naramdaman kong niyakap ako ni Harry at sinandal sa balikat nya.

"Okay ka lang ba? Wag kang mag-alala andito lang ako sa tabi mo"

Hindi ako naka-sagot sa sinabi nya, ni hindi nya man lang ako tinanong kung bakit pero alam kong alam nya na may dahilan kung bakit hindi ako mapakali. Ngumiti na lang ako knowing na wala syang pakielam kung anu man yung reason kung bakit ako mukhang natatakot dahil ang mahalaga lang para sa kanya ay maparamdam nya sa akin na nandyan lang sya.

Maya-maya ay nilagyan nya ng headset ang tenga ko, narinig kong tumutugtog ang kantang "With a Smile" tapos napa-ngiti ako. Napa-pikit ako habang dinaramdam ko yung kanta at unti-unti ay nawala yung takot ko.

Lalo pang gumagaan yung loob ko dahil sya yung kumakanta nung song, ni-record nya siguro nung tumawag sya sa akin dati dahil kahit matagal na yun, I'll never forget the way he sang it that night. Napaka-ganda talaga nung kantang yun pero lalo syang gumaganda pag boses ni Harry ang kumakanta, lalo na pag kinakanta nya yun for me.

Nung ma-feelni Harry na mas naging at ease na ako sa pwesto namen ay lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin and before I knew it I fell asleep.

And that was the best backseat ride of my life, kahit nakatulog ako I knew that I fell asleep...

With a Smile J

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon