Chapter 23 *Honest*

9 1 0
                                    

Point Of View

-Sabina Keisha Lopez-

I was waiting for Harry, may surprise ako sa kanya. Ipinag-luto ko sya ng Spaghetti, matagalna kasi nyang request ito sa akin. I stayed up late all night kagabi practicing yung luto ko kasi gusto ko ma-perfect bigla yung recipe kopara pag natikman nya ay sobrang sarap na.

Ang saya ko naman nung ma-perfect kona yung recipe ko at ngayon ay andito ako hinihintay sya. Medyo lampas na sa oras ng usapan namen,asan na kaya sya? Lalamig itong niluto ko.

Maya-maya ay biglang nag-ring yung phone ko.

"H-hello Harry?"

"Hello Sab, sorry, sorry talaga hindi na kasi ako makakapunta"

"Huh?Bakit?"

"There always have to be a reason right? Ayoko sanang sabihin sayo pero ayoko rin namang mag-sinungaling. Si Althea kasi..."

Before nya pa ituloy yung sasabihin nya ay pinutol ko bigla.

"Ahh ganun ba?S-sige" ibababa ko na sana kaso pinigilan nya ko

"Wait Sab, hindi ko talaga sinasadya. Emergency kasi, dadalhin namen sya sa Ospital, I hope you understand" paliwanag nya

"O-okay lang , Bakit naman hindi ko maiintindihan?" And before I hung up I managed to ask him na naman ng 'Bakit?'

Pero ang totoo pati sarili ko ay tinatanong ko kung 'Bakit?' Bakit nga ba ako nasasaktan kung naiintindihan ko naman na wala ako karapatan mag-demand at wala ako talagang kahit anong karapatan.

"Where else would I be kung andyan naman ang angel ko?"

Yun ang sabi sa akin dati ni Harry. Where else would he be kung andito ako? Saan pa nga ba? Edi sa piling ng girlfriend nya. Alam ko naman eh, tanggap ko na second priority lang ako, pero bakit ganun? Kahit anong pag-tanggap at pag-intindi ko ay masakit pa rin. Ang sakit pa rin.

Suddenly I just found myself sa ilalim ng stairs malapit sa may Guidance Office ng school namen. Hindi masyadong dinadaanan ang parteng ito ng school, kaya siguro dun ko napiling umiyak.

*sob* *sob* Huhuhuh *sniff*

Habang umiiyak ako ay bigla akong natigilan.

Teka?

Hindi akin ang mga hikbi at singhot na iyon ahh, kanino yun? Sinundan ko kung saan nanggagaling yung tunog ng babaeng umiiyak then I reached the end of the staircase and saw...

"June?"

Si JD pala yung ukiiyak, lumapit ako sa kanya at napa-tingin sya sa akin.

"Sab?" sagot nya

"JD, bakit ka umiiyak?" tanong ko

"Huh? Ugh ano kasi...

Teka Sab, umiiyak ka rin ba?" bigla nyang binalik sa akin ang tanong nang mapansin nyang maga ang mga mata ko at may bakas rin ng mga luha.

Nag-panic naman ako bigla at pinahid ko ang mga bakas ng luha sa mata ko.

"Huh? Ako, H-hindi ahh, hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako" palusot ko

"Sinungaling ka!" hindi sya convinced sa sagot ko

"Teka, bakit mo ba binabalik sa akin? I asked you first" sabi ko sa kanya, then biglang nag-form ng isang serious look sa mukha nya

"Wala naman pupuntahan ang usapan natin kung walang aamin. Ganito na lang, I'll tell you the truth but you have to promise na hindi mo ako ija-judge and that you'll also be honest with me"

Hindi ko alam kung kaya ko na bang maging honest sa kanya pero gusto ko na rin naman ng makakausap about this kaya nag-nod na lang ako.

We both decided to be honest with eachother and that's when we found out na pareho kame ng sitwasyon. Who are we to judge one another, when all we did was fall for the wrong guy? But it was also that day when we found comfort and acceptance in one another.

At nung araw na yun ay dun din namen napagka-sunduan na hindi pa tamang panahon na i-share namen kay Kendra ang tungkol dito. We promised we'd tell her pag alam na naming kaya na nyang maintindihan.

But we don't know when that day would come. And if that day ever would, kakayanin pa kaya nyang Makita kame as her bestfriends June and Sab, and not as...

The Other Women.

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon