Chapter 58 *Jombagin si New Friend*

1 0 0
                                    

Point Of View

-Sab Lopez-

It's been about a week and almost 3 days, the longest that Kendra and I had ever gone without talking. Ang hirap at ang sakit ng mga nangyayari for me and JD, pero sa ngayon ay walakameng ibang kinakapitan kundi si Harry, si Cedric at ang isa't isa. At syempre, yung hope that someday maiintindihan rin ni Kendra ang lahat.

Ang sabi ni Tita, we should give Kendra daw some timeand it's been so long na. Hindi na namen kinakaya ni JD ang basta na lang mag-hintay at walang gawin para magka-ayos kame. So today, we decided to call her.

We were at the school cafeteria when JD and I dialed her number. Nagulat kame when we heard her ring tone, kaya napalingon kame pero ang nakita lang namen eh isang baklang naka-upo sa likuran namen.

"Siguro kapareho nya lang ng ringing tone" sabi ni JD sa akin

Then maya-maya pa...

"Hello"

Napalingon uli kame dahil nung sagutin ni Kendra yung phone nya ay umimik din ng 'Hello' yung bakla sa likod namen at dun na namen napansin na katabi nung baklang yun ang bag ni Kendra.

Nilapitan na namen yung bakla at pinag-tulungan namen ni JD.

"Hoy Teh anong gagawin nyo sa akin! Bitawan nyo ko!" Nag-pupumiglas yung bakla pero dahil dalawa kame ay hindi nya kame kaya.

"Hoy bakla, bakit nasa iyo ang gamit ni Kendra!"

"Siguro snatcher ka! Ninakaw mo yang bag ni Kendra noh! Umamin ka!"

Pinipilit naming paaminin yung baklang yun kung bakit nasa kanya ang gamit ni Kendra nang biglang may dumating...

"Kendra!" Napalingon ako sa sinabi ni JD and saw Kendra approaching us.

"New Friend!" napa-tingin naman kame ni JD sa sigaw nung bakla nung Makita nya si Kendra pero ang pinagtataka namen ay kung bakit nya tinawag na 'New Friend' si Kendra.

"New Friend jojombagin akech ng mga Amazona mong bestfriend! HELP ME!"

Nag-sisigaw yung bakla at sa gulat namen ni JD ay nag-loosen ang pagkaka-hawak namen sa kanya kaya naka-takbo sya at nag-tago sa likod ni Kendra.

"New Friend?!" ?_?

Sabay pa kame ni JD na napa-ulit sa sinabi nung baklang yun and to our disbelief ay napa-tingin lang kame kay Kendra.

"Oo tama kayo ng narinig she's my new friend" halos mapa-nganga kame ni JD sa sinabi ni Kendra

"Bakit, ano naman ang nakakapag-taka kung new friend ko siya? Kahit ano pa sya, she's worth it na ituring kong kaibigan dahil kahit ganyan sya ay hindi nya ako lolokohin hindi katulad nung iba dyan"

Kung bala lang ang mga salitang binitiwan ni Kendra malamang ay duguan na kame ngayon ni JD sa mga patama nya. Hindi naman kame nagulat na isang bakla ang new friend nya, nagulat lang kame na mukhang she's trying to replace us na. Anong ibig sabihn ng paghahanap nya ng new friend? Does that mean wala na talaga syang balak na makipag-bati sa amin ni JD?

"Kendra, pwede ka ba namen maka-usap?" pero kahit gaano pa ka-cold ang pakikitungo nya sa amin, we still tried na kausapin sya

"I'm sorry pero busy kame, wala kame time makipag-lokohan sa inyo. Hindi kasi ako nakikipag-usap sa mga home-wreckers...

Gretch, let's go"

"Sige Amazona girls, fly-laloo na kame!" nang-aasar pang paalam nung new friend ni Kendra

JD and I were left ther, nagka-tinginan lang kame at walang maka-imik. Hindi namen magawang magalit kahit gaano pa kasakit yung mga salitang binibitawan sa amin ni Kendra dahil alam naman namen na kame rin ang may kasalanan. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay wala na kameng karapatang...

Masaktan.

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon