Chapter 9 *Warfy, ang babaeng warfreak!*

17 1 0
                                    

Point Of View

-Kendra Faith Christoff-

"Nakaka-asar naman! yan kasing mga basurahan na yan kung saan-saan nilalagay! Ang lalayo nyo kasi!"

Inis na inis ako habang nag-tatapon nung mga nawalis kong basura dun sa trash can. Sa sobrang inis ko nga ay pati yung trash can pinapagalitan ko. Kasi naman, nahuli ako nung Prefect of Discipline kanina na nag-tapon ng balat ng candy sa corridor kaya eto naparusahan akong walisan ang buong corridor. Asar talaga! Eh kasi naman nilagay ko naman talaga sa bag ko yung balat nung candy bale ang tinapon ko lang sa sahig ay yung piece nung wrapper na napunit nung buksan ko. Nakaka-asar talaga, ang sungit naman kasi nung Prefect na yun!

"Asar talaga!"

"Hoy Warfy!"

Nakaka-asar bad trip na nga ako ay bigla pa kong may narinig na isang pamilyar na boses, isang mas malaking BAD TRIP!

"Hoy Warfy! Ano yan huh? Ang aga pa inaaway mo na yung mga trash can, pati ba naman mga walang kalaban-labang trash can inaaway mo? Kahit kelan talaga napaka-war freak mo! Hahahaha"

Hinarap ko naman yung bwiset na lalaking Signal no.4 at tiningnan ng masama .\_/.

"Hoy lalaking Signal no.4 tigilan mo ko huh! Wag mo kong simulan dahil BAD TRIP ako! At mas nakaka-BAD TRIP yang pag-mumukha mo kaya wag mo kong kausapin!"

"Eh nakaka-awa ka kasi eh pati trash can kinakausap mo, ikaw din mamaya sumagot yan! Hahaha"

"Edi mabuti kasi sigurado namang mas may sense kausap ang mga trash can kesa sayo! Ba't nga ba kasi kinakausap pa kita eh wala ka namang kwentang kausap! Umalis ka na nga!"

"Sunget naman ni Warfy!"

"Ewan ko sayo, layuan mo ko! Wag mo kong kausapin!"

Pagkasabi ko naman nun ay tumalikod na sya.Siguro napansin nyang bad mood talaga ako, bute naman kung ganun.

At akala ko ay aalis na sya pero bago sya tuluyang mag-lakad palayo ay may sinabi pa sya...

"Nagawa ko na yun, hindi naman nag-work"

Anong pinag-sasasabi nya?

Ewan ko dun sa mayabang na yun,pakielam ko pati sa kaweirduhan nya. Wala akong time para isipin yun lalo na ngayon bad trip ako at ang init na naman ng ulo ko.

Maya-maya pa ay biglang may nag-tap ng balikat ko. Sabi ko na nga ba at mangungulit pa rin yung bwiset na lalaking yun eh! Kaya pag-harap ko ay sinigawan ko agad ito.\

"ANOOOOO????"

0_0

Pero nanlaki yung mata ko dahil imbis na yung bwiset na lalaking yun ang Makita ko ay yung Prefect of Discipline pala...

"S-sorry po sir, sorry po sorry po talaga akala ko po kasi yung ugh akala ko po kasi ay ibang tao kayo. Sorry po ulit"

Tinaasan lang ako ng kilay nung Prefect of Discipline at bute naman mukhang good mood sya kaya di na pinansin.

"Palalampasin ko na yang ginawa mo pero wag mo na uulitin, it's impolite to shout at anyone and I also hope you've learned your lesson to throw your garbage at the proper waste bin. Pwede mo nang itigil yang pag-lilinis mo after mo dyan sa parteng yan dahil tinapos na nung kaibigan mong linisin yung kabilang end nung Corridor para tulungan ka"

After nung sinabi nya ay parang confused yung itsura ko. Sinong kaibigan naman kaya yun eh nasa training si JD para sa laban ng basketball at may duty si Sab sa Red Cross organization na sinalihan nya.

"Thank you po sir at sorry po. Hindi na po mauulit" sabi ko sabay tungo pa.

Then nag-nod lang sya at tumalikod na kaso pinigilan ko.

"Ugh sir wait lang po, sino po pala yung sinasabi nyong kaibigan na tinulungan ako?"

"Ahh hindi mo ba alam? Si Mr. Julian Angeles, napaka-bait na bata" sagot nya then umalis na sya

Ano daw?

Julian Angeles? As in yung lalaking Signal no.4? As in yung mortal enemy ko? Tama ba yung narinig ko? At tinawag pa sya nung Prefect of Discipline na isang mabait na bata, parang may mali yata ahh. Meron bang ibang estudyante sa school na 'to na nag-ngangalang Julian Angeles at mabait?

Ba't nya ko tinulungan? Hindi ko gusto 'to, kung alam ko lang na sya yung tumulong sana ay nag-request pa akong dagdagan na lang yung punishment ko!

Hindi ko gusto yung ginawa nya, siguradong may binabalak syang masama!

The Other Women and the Man Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon