(Video Trailer made by me
© sa mga resources for the pic)
(For me to you _Ost of Kimi ni todoke)Kurou
"Ano ito?"tamad na tanong ko kay Avira sabay nguso sa folder na nasa ibabaw ng lamesa.
"Folder."mabilis na sagot niya.
Naningkit ang mga mata ko sa pilosopo niyang sagot kaya dinampot ko yung folder at hinampas ko sa ulo niya.
"Aray, Boss."nakasimangot na reklamo niya.
Madali ko itong nagawa dahil magkatabi lang naman kaming nakaupo dito sa sofa. Kasalukuyan kaming narito sa aking kwarto upang pag usapan ang bago kong misyon na gagawin. At itong si Avira ang dakila kong Assistant na siyang magpapaliwanag sa akin ng lahat.
Dahil nga hindi ako sumipot sa usapan namin ni Boss Enzio kahapon ay si Avira ang inutusan kong makipag usap dito. Sa kaniya ipinaliwanag ni Boss ang buong detalye ng aking misyon.
"Alam ko kung ano iyan. Ang tinatanong ko ay kung anong detalye ang nilalaman ng folder na yan."iritadong sabi ko.
Napakamot siya ng ulo at ngumiti na naman halos kita na ang lahat ng ngipin.
Napailing iling ako. Ang babaeng ito talaga ay may lahing katangahan. Sa loob ng ilang taon ng pagiging assistant niya sa akin ay ganyan na siya.
"Okay, Boss. Ipaliliwanag ko. Pero basahin mo pa rin yan."sagot niya at muling ibinalik sa lamesang nasa tapat ang folder.
Kinuha ko itong muli at binuksan iyon upang basahin. Tumambad sa akin ang isang buong detalye sa pagkakakilanlan ng isang lalaki. Hindi ko na binasa pa ang mga nakalagay doon. Dahil yung picture sa gilid ang tinitigan ko ng husto.
"Siya si Ashter Shotaru Giglio. Ang Warlord King ng Spectrum City."
Hindi ko mapigilang mapangisi habang patuloy na tinitigan ang picture na nakadikit dito sa folder.
"Ayos, mukhang papatay ako ng isang Warlord."
Ang mga Warlord dito sa bansa ang isa sa itinuturing na pinaka-makapangyarihan. Kaya exciting para sa akin kung may kinalaman dito ang misyon ko ngayon.
Napatingin ako kay Avira ng tapikin niya ang kanang balikat ko.
"Hindi mo siya papatayin, Boss."
Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa narinig. Mas gusto ko pa namang misyon ang pagpatay kaysa sa anumang klase ng misyon ng isang mafioso.
"So, anong kinalaman ng isang Warlord sa misyon ko?"tanong ko.
Napangiwi ako ng makita ang kakaibang ngisi ni Avira sa tanong ko. Bigla akong kinabahan.
"May mayamang kliyente kasi si Main Boss."pagtukoy niya kay Boss Enzio.
"Then?"
Ngumiti siya ng malapad bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.
"Ang sabi nito kay Boss. Gusto niyang magka girlfriend si Ashter ng matinong babae."
"Bakit hindi siya maghanap ng call girl diyan sa tabi tabi."sabi ko.
Gusto pala magka jowa hindi nalang pumick up diyan sa paligid. Marami naman.
"Kaya nga matinong babae ang gusto niya diba. Tapos magrerekomenda ka ng babae diyan lang sa tabi-tabi."
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...