Chapter 28

1.5K 38 0
                                    




Ashter



Dahil hindi natuloy ang balak namin ni Lilo na pumunta sa mansion para kumain. Naisip ko nalang na puntahan siya sa kanila. Ang kaso lang paalis na dapat ako pero nakasalubong ko si Kurou. Sa kaniyang itsura niya, mukhang masama ang pakiramdam niya kaya naisipan ko nalang na ihatid siya.Lalo na at wala siyang kasabay umuwi.

Habang nasa byahe ay kanina pa siya salita ng salita na wala man lang akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Lumilipad ang isip ko tungkol kay lilo. Matapos kasi siyang tawagan kanina para tanungin kung bakit siya umuwi ay nag aalala ako sa kanya.Napatingin ako kay kurou ng mapansin kung natahimik siya.

"W-Why?"Takang tanong ko.

Nakita ko ang pagsimangot niya sa akin.

"Hindi ka naman nakikinig."malungkot na sabi niya.

Bigla yata akong nakaramdam ng guilt dahil sa ginawa kong pang i-ignore sa kanya.

"Sorry, may iniisip lang ako."sabi ko.

Umiwas siya ng tingin at itinuon ang tingin sa mga tanawin sa labas.

"Kurou, can i ask a question?"biglang tanong ko.

"Sure, ano ba iyon?"sagot niya.

"Anong totoong dahilan bakit ka nandito sa Spectrum City? Last time kasi na nag usap kami ni Enzio ay nag out of town ka raw?"

Ilang segundo rin ang lumipas bago niya sagutin ang tanong ko.

"Ah, kasi naisip ko na mag study muna. Bakit mo na itanong? Ayaw mo ba na magkasama tayo sa isang school?"

"No, hindi sa ganun. Masaya ako na nakilala nakita personally."sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti lang din siya pabalik sa akin.

Nang makarating na namin ang Wolves Ville. Ang Village kung saan siya nakatira ay mabilis niya ipinahinto ang sasakyan. Napakunoot ang noo ko sa pagtataka.

"Ashter, dito nalang ako."sabi niya.

"Ha? Eh, ihahatid na kita hanggang sa makarating tayo sa bahay mo."sabi ko.

Umiling-iling siya na tila natataranta. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan ko.

"Sige, Ashter. Salamat ha!" Paalam niya.

Napailing iling ako habang sinusundan siya ng tingin pagpasok niya sa gate ng village.
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse ng marinig ko itong tumunog. Napailing ako ng makita ang pangalan ni Fire na nakalagay sa screen. Inis na sinagot ko ang tawag nito.

"What?"

"Pumunta ka dito sa Mid Lane City"

"Bakit? Para saan?"

"Nalaman ng sa isa sa mga tauhan ko na madalas na pumunta dito ang grupong Oregon kuja. May ginaganap na casino dito tuwing gabi at kadalasan raw ang grupong iyon ang VIP guest."

"It means, maaaring nandiyan sila ngayon?"

"Yeah, kaya bilisan mo. Magkita nalang tayo dito"

"Okay, sige."

"Okay."

Pagkaputol ng linya ni Fire ay mabilis ko namang tinawagan si kiba.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon