Ashter
Napadilat ako bigla ng maramdamang may pumitik sa tenga ko. Nakasimangot na tinitigan ko ang isa sa mga kaibigan kung nakatayo malapit sa kama ko.
"What are you doing here?"tanong ko habang tinatapik tapik ko ang dalawa kong pisngi para gisingin ang diwa ko.
"Boss, anong oras na nakahilata ka pa diyan? May meeting na gaganapin ngayon dito sa mansion diba? Nakalimutan mo na?"
Muli akong napapikit ng bigla kung maalala ang sinabi niya. Meeting iyon para sa mga businessman na kaalyado ng famiglia ko.
"Okay, hintayin ninyo nalang ako sa baba. Susunod na ako."sabi ko.
"Hindi parin siya tumatawag kaya wala ka na namang gana?"usisang tanong ni kiba
Natahimik ako. Nakasimangot na tumango ako sa kanya.
"Hintayin mo lang baka busy. By the way may package na dumating galing saiyo. Kaso walang nakalagay na pangalan kung kanino galing"
"Ilagay mo lang diyan sa tabi."wala ganang sabi ko.
"Come on boss. Tatawag din iyon"
Almost three weeks na simula ng umalis siya ay hanggang ngayon ay wala parin akong natatangap na tawag mula sa kanya. Kapag ako naman ang tumatawag sa kanya ay hindi ko siya makontak. Kahit si Bonfiglio ay hindi ko mahagilap.
Sa loob ng tatlong linggong hindi ko siya nakikita at naririnig man lang ang boses niya ay na para akong mababaliw. Iyong feeling na gustong gusto ko na siyang makita, yakapin at mahalikan. Miss ko na siya sobra.
"Sige na. Hintayin mo nalang ako sa baba."
"Okay, sumunod ka na."sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Napabuga ako ng hangin at inis na sinabunutan ang buhok ko. Naiinis ako dahil namimiss ko na siya.
"Miss na kita, Lilo." mahinang sabi ko.
Natapos ang meeting ng wala akong naiintindihan. Hindi ko nga masyadong kinilala ang mga bisitang pumunta. Pagkatapos na pagkatapos pa nga lang ay sineyasan ko na si Kiba na sila na ang bahala sa lahat. Wala ako sa mood para makipag usap pa. Gusto ko munang mag isa.
Paglalabas ko ng meeting room ay kaagad kung kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon kung suot. Habang naglalakad ako ay tahimik kong tinitignan ito.
Simula ng umalis siya ay lagi ko ng hawak ang cellphone ko. Hindi nga pwedeng hindi ko ito dala dahil sa paghihintay ng tawag mula sa kanya.
Nanlumo ako ng makitang hanggang ngayon ay wala paring tawag o message si Lilo doon.Napadyak nalang ako sa inis. Hindi tuloy maiwasang sumama ang loob ko sa kanya.
Ilang saglit lang habang nakatingin ako sa picture niya na wallpaper sa cellphone ko. Nagulat nalang ako ng bigla may nabangga ako na kung sino. Muntikan ko pa ngang mabitawan ang cellphone ko dahil doon.
Dahil bad mood ako ay hindi ko maiwasang mailabas ang galit ko.
"Bulag ka ba? Nakita mo na nga na may tao. Binangga mo parin!"galit na sabi ko.
"Excuse me? Ako ang bumangga saiyo? Kapal ha? Correction, ikaw ang bumangga sa akin! Tignan mo kaya ang itsura ko ngayon."
Napakunot ang noo ko ng makitang isang babae pala ang bumangga sa akin. Ngayon ko lang nakita ang isang ito. Kaagad naiisip kung isa siya sa mga bisita ko dito sa mansion.
Lihim akong natawa ng makita kung punong puno ng gatas ang damit niya. Maging sa mukha ay mayroon din . Natapon siguro iyong iniinom niya dahil nagkabanggan kami. Hawak niya parin kasi ang plastic cups noong iniinuman niya.

BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...