Continuation of lilo:
"Kailan pa?"tanong ko.
"Four years pa lang."sagot nung si Anime girl.
"Ang lola ni Ashter ang nagpalaki sa aming dalawa."sagot naman ni Chinese girl.
Napakunot noo ako.
"Teka, magka-ano-ano ba kayong dalawa?"
Papalit palit pa ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Mag pinsan." Magkasabay nilang sagot.
Natatawa nalang ako sa mga nalaman ko tungkol sa kanila ngayon. Akalain mo yun ang dalawang nobody na ito ay may malaki palang koneksyon kay aAshter kaya pala lagi lang silang nasa paligid niya.
"At kilala ka rin namin."biglang sabi ni Anime girl na ikinatigil ko.
Napakurap kurap ako at itinuro pa ng sarili ko.
"H-Huh? Kilala? Eh, kilala ninyo naman talaga ako, ah."sabi ko.
Bigla akong kinabahan dun. Mukhang may ibang meaning ang kaniyang sinabi.
"Lilo, sinabi na namin saiyo diba? Kami ay mga researcher ng Giglio Famiglia. Lahat ay alam namin at isa na roon ang buong pagkatao ng sampung Boss ng Bonfiglio."sabi ni Chinese girl.
Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.
"How? Ang info tungkol sa aming famiglia ay nananatiling private at tanging si Jachirou lang ang nangangalaga ng mga files na iyon. Paanong nalaman ninyo iyon?"nagtatakang pag uusisa.
Ngumiti silang dalawa na ikinasimangot ko.
"Magka-alyado ang famiglia ninyo sa Giglio famiglia kaya pinayagan kami ni Hachirou na masilip ang mga information na iyon."sagot ni Anime girl.
Humanda sa akin iyong Jachirou na iyon.
"Hoy! kayong dalawa sa oras na malaman kung sinabi ninyo kay Ashter kung sino ako. Patay kayo sa akin."banta ko sa kanila.
Napatingin ako kay anime girl ng tumawa siya.
"Lilo, kung sasabihin namin iyon sa kanya dapat matagal na. Eh, umabot ka na nga ng isang buwan at kalahati dito."natatawang paliwanag nito.
Napatango ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya doon. Kung may balak silang isumbong ako kay Ashter dapat una palang ginawa na nila. Pero hindi naman.
"Pero Lilo, pwedeng magtanong? Gets naming si Ashter ang assignment mo kung bakit ka nandito sa lugar namin. Ang ipinagtataka ko lang. Anong assignment iyon?"
Napalunok ako sa tanong na iyon ni Chinese girl.
"No comment. Hindi pwedeng sabihin."mabilis kong sagot.
Kapag nalaman ni Boss na may nakaalam na iba sa trabaho ko ngayon. Sigurado, lagot ako. Isa sa rules ng clan namin iyon. Walang sinuman ang pwedeng makaalam ng mga bagay na iyon.
"Fine. Nirerespeto namin iyon."Nakasimangot na sabi ni anime girl.
"Kailan ninyo pa nalaman na ako si Kurou?"
"Nung magpakita yung pekeng Kurou."sagot ni Chinese girl.
"Curious kasi kami kaya inalam namin kung siya ba talaga ang totoong kurou. And then we found na isa siyang sinungaling."may inis na tono ni Anime girl.
"Ang babaeng iyonisa siya sa miyembro ng Oregon kuja. Ang totoo niyang pangalan ay Divine Arsolli." sabi ko.
Iyon ang nakalagay sa files na pina kuha ko kay Avira.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...