Chapter 19

1.5K 44 0
                                    



Kurou




Pagkatapos ng klase ay kaagad akong lumabas ng classroom para maka-uwi na. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may bwisit na humatak sa braso ko. Napasimangot ako ng makitang si Trey ito kasama ang mga kaibigan niya.

"Hindi ba sinabi ko saiyo kanina na ihahatid ka namin."sabi niya.

Magkasabay na tumango si Ron-ron at Spencer. Habang si Kiba ay tahimik lang.

Bigla kong hinablot ang braso ko na hawak niya.

"Salamat nalang. Pero kaya kong umuwing mag isa."

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya ulit. Mabilis na naglakad paalis.

"Lilo!"rinig kong tawag ni Trey.

Hindi ko na sila nilingon pa. Wala akong panahon sa kanila.

Nang makalayo ako sa kanila ay dali-dali akong lumabas na ng gate nitong school. Napansin ko mula sa malayo si Enma kasama si Anime girl at Chinese girl na tila may hinihintay. Napailing ako dahil parang ako ng kanilang hinihintay. Kaagad akong nag iba ng direksyon ng daan upang maiwasan sila.

Iniiwasan ko sila dahil mas gusto kong kumain kaysa sumama sa kanila.

"Gutom na ako."mahinang bulong ko.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapatingin ako sa paligid. Napailing ako ng mapansing kakaiba ang dinaanan ko. Wala kasi akong nakikitang ibang tao bukod pa doon walang masyadong bahay sa paligid. Napakamot ako sa tuktok ng aking ulo ng maalalang hindi dito ang daan patungo sa inuupahan kong bahay.

"Shit. Ang tanga mo talaga kKurou. Bakit kasi naisipan mong dumaan dito? Dapat talaga dumaan ka sa tamang daanan "sermon ko sa sarili ko.

Nag aalala ko dahil medyo tanga talaga ako sa direksyon kaya madalas akong naliligaw. Biglang sumagi sa isip ko yung cellphone ko na ibinigay ni Ashter.

"Magamit nga ang GPS nito."sabi ko at agad na kinuha ang cellhone sa bulsa ko. Pero nalungkot ako bigla ng makitang ayaw bumukas ng cellphone.

Lowbat pala.

Napapadyak nalang ako sa inis. Saglit akong tumigil sa isang tabi para makaisip ng gagawin. Pinagmasdan ko ang dulo ng bahagi ng kalsada.Napansin kong sira sirang mga bahay ang mga nasa paligid.

Bigla akong naalarma ng may marinig akong kumaloskos sa paligid. Napangisi ako ng maramdamang may presenya ng tao sa paligid. Ilang segundo lang ay may apat na lalaking lumabas sa kung saan. Mabilis nila akong pinaligiran.

Napabuga ako ng hangin. Wala talaga ako sa mood makipag away ngayon. pero dahil mukha silang kontrabida na hindi gagawa ng mabuti ay wala akong choice kung hindi ang labanan sila.

"Sugod na."sabi ko.

Pagkasabi ko palang noon ay sabay sabay nila akong inatake. Iwas lang ako ng iwas sa ginagawa nila. Dahil sa naiinis na ako ay ako naman ang sumugod sa kanila. Isang malakas na suntok lang naman ang ginawa ko dun sa isa. Lumayo ako ng bahagya sa kanila ng  marinig kong may tumatawag sa akin sa di kalayuan.

"Lilo! Nasaan ka na?"

Base palang sa boses ay alam ko ng si Fire iyon. Muli akong napatingin sa mga lalaking kalaban ko ngayon.

"Naku naman, kung kailan nag iinit na ang kamay ko na labanan ang mga ito at saka naman may sagabal."iiling iling na sabi ko.

Dahil napansin kung papalapit na sa pwesto namin si Fire ay naiisip ko ng gamitin ang acting skills ko sa kanya.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon