Kurou
Isang madilim na paligid ang una kung nakita ng maimulat ko ang aking mga mata. Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Napaaray ako ng maramdaman kung sumakit ang katawan ko sa paghiga. Napakunoot ang noo ko ng makitang nakatali ang mga paa at kamay ko.
Ilang segundo lang ay naramdaman kung may ilang presensya ng tao sa paligid ko. Hindi nga ako nagkamali. Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ang apat na taong mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.
Tatlong babae at isang lalaki na halos katulad kung estudyante rin ng eskwelahan na ito. Hindi na ako nagulat ng makita sila. Dahil matagal ko ng alam kung sino talaga sila.
"Kamusta... Lilo? Ay kurou pala."nakangiting bati nung isa na ang totoong pangalan ay China Tizon. Iyong babaeng maliit na nakilala ko dati.
_China Tizon
(C- The Third member of Oregon Kuja)"Naging masarap ba ang tulog mo?"biglang tanong naman nung isang babae na si Sandy Mandir. Siya iyong weirdong babae na ilang beses ko ng nakabangga.
_Sandy Mandir
(E-The fifth member of Oregon Kuja)"Tsss, huwag kang umarte na parang nagulat ka ng makita mo kami. Obvious naman na matagal mo na talagang alam kung sino kami." masungit na sabi ni Keith daniel.
Keith Daniel Chadwick
(D-the fourth member of Oregon Kuja)Napangisi ako sa sinabi niya.
"Yeah, your right. So, ano papatayin ninyo na ba ako dito?"tamad kong tanong.
"Kung ako lang ang masusunod ay papatayin na talaga kita."nakataas ang kilay na sabi ni Candy.
Candy Cuevas
(F-The six member of Oregon Kuja)"Dont worry hindi pa mangyayari iyon "nakangiting sabi ni Sandy.
Inirapan ko siya. Hindi ako komportable sa presensya niya. Masakit sa bangs!
Napapikit ako sa inis ng maramdamang kumulo ang sikmura ko.
"Excuse me lang ha, baka pwedeng pakainin ninyo naman ako. Gutom na ako eh!"reklamo ko sa kanila.
Nakasimangot na lumapit sa akin si Keith. Lumuhod siya upang magpantay ang mukha naming dalawa.
"Hindi ko na kailangang kumain kasi uuwi ka na."nakangiting sabi niya na ramdaman kung may maitim na balak.
"Ows, buti naman."nakangising sabi ko.
Bahagya akong nagulat sa biglaang pag sigaw ni Candy.
"What?! pauuwiin na natin ang babaeng iyan?!"hindi makapaniwalang tanong niya.
"Kinausap ni leader si Ashter kanina. Papakawalan nila si Rance kapalit niya "sagot ni China sabay turo sa akin.
"Bakit? Paano na iyong misyon natin Kung hahayaan nating magkasama silang dalawa ni Ashter?"naiinis na sabi ni Candy habang nakatingin sa akin ng masama.
"Sabi na nga ba, mga kontrabida kayo sa buhay namin ni Ashter."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni China sa sinabi ko.
"Sorry, pero trabaho naming maging kontrabida sa buhay mo."sabi naman ni Sandy.
May bigla akong naisip na itanong sa kanila.
"Sabihin ninyo, sinong nag utos sa inyo para gawin ito?"
Nagkatinginan silang apat na tila naghihintayan kung sino ang sasagot sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...