Ashter
Three days. Iyan ang bilang ng araw na hindi ko nakikita si lilo. Kahapon pa ako tawag ng tawag sa cellphone niya pero laging operator lang ang sumagot noon.
Huling kausap ko sa kanya ay noong isang araw pa. Medyo kinakabahan ako dahil kahit isang text man lang ay wala akong natatangap sa kanya. Sa loob ng three days na iyon ay laging siya ang laman ng isip ko. Ewan, pero masama talaga ang kutob ko doon.Napahilot ako sa sintido ko ng muling sumakit ito. Nitong nakalipas na mga araw. Bukod kay Lilo ay isa pa sa pino-problema ko ay ang grupong Oregon Kuja. Hanggang ngayon kasi ay wala paring pagbabago sa imbestigasyon na ginagawa namin.Ang hirap kasing hanapin ng mga taong iyon. Sabagay, mahirap naman talagang hanapin ang taong ayaw mag pahanap.Halos nag patulong na nga kami sa mga professional imbestigador para lang mahanap ang grupong iyon na pagala gala sa buong school.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko ng mapansing na sa akin ang kanilang atensyon.
"Na kontak mo na ba si Lilo?"usisang tanong ni Anilyn.
Umiling iling ako bilang sagot.
"Bakit kaya hindi siya sumasagot sa mga tawag natin?"nagtatakang sabi ni Chinelyn.
Katulad ko ay panay na rin ang tawag nila kay lilo. Pero hanggang ngayon ay hindi ito sumasagot.Kapag nag te-text naman kami ay hindi ito nag re-reply.
"Bakit hindi nalang natin siya puntahan sa kanila. Hindi ba,alam naman ni boss kung saan ang bahay niya."suhestiyon ni Ron-ron.
Napangiti ako sa sinabi niya. Tama, bakit hindi ko iyon kagaad naisip.
"Bukas pag tapos ng klase kapag hindi ko pa siya nakita ay pupuntahan natin siya sa kanila."sabi ko.
"Okay!"nakangiting sagot ni Anilyn at chinilyn.
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng biglang bumakas ito at ang seryosong mukha ni Kiba ang una kong nakita. Kasunod si Trey at Spencer.
"Anong balita?"bungad na tanong ko.
Nakasimangot na umupo si Trey sa tabi ni Ron-ron. Habang si Spencer at Kiba naman ay umiling iling.
"Nag magsagawa na kami ng medical check up sa lahat ng mga estudyante para malaman kung sino ang may tatoo sa kanila. Pero wala kaming nakita na kahit isa man sa kanila ang may tatoong katulad ng simbolo ng Oregon Kuja" paliwanag ni kiba.
Napabuga ako ng hangin. Alam ko namang madali nilang matatakasan ang ganoong paraan namin para makilala sila.
"Sigurado ba kayong lahat na examine ninyong mabuti?"tanong ko.
Nakita kong nagkatinginan si Trey at Kiba.
"Mayroon pang hindi dumadaan sa check up"sabi ni trey.
"Sino?"halos magkasabay na tanong ni Anilyn at chinilyn.
"Ang buong SC members at si...Lilo."sagot ni Kiba na ikinagulat ko.
"What? Are you kidding me?!"may inis na tanong ko.
Naramdaman ko kaagad ang pag kulo ng dugo ko sa sinabi ni Kiba.
"Hey, yung SC members pwede pang maging miyembro ng Oregon kuja. Pero si Lilo? Nagpapatawa ka ba?"nakangiwing reaksyon ni Anilyn.
Napatango tango si Chinilyn dito.
"Oo nga.!
Umiling iling naman si Ron-ron.
"Teka nga, makinig nga muna kayo."saway niya.
"Katulad ng sinabi ni Kiba. Anim na miyembro ng SC members ang hindi pa na che-check up kasama na doon si lilo. Guys... baka nakakalimutan ninyo na lahat kailangan nating imbestigahan. Kahit si Lilo pa na malapit saiyo."pagpapaliwanag ni Trey sabay tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...