Chapter 12

1.8K 41 0
                                    




Kurou





"Ano busog ka na? Pwede na ba kitang utusan ngayon bilang slave ko?"tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Sumimangot ako bigla. Panira rin ng trip ang isang ito. Kanina ang bait dahil ipinagluto ako. Tapos ilang saglit lang aalilain na naman ako. Ang saya ko pa naman dahil kakatapos ko lang kumain.

"Papaalala ko lang, slave kita"sabi niya pa.

"Oo, na "iiling iling na sabi ko.

Parang sirang plaka ang isang ito. Paulit-ulit ng sinasabi.

"Samahan mo ako ngayon sa crimson city. May dadaanan lang ako sa Apex Mansion."

Natigilan ako sa narinig. Apex Mansion? Alam ko ang lugar na iyon. Iyon ang base ng lahat ng warlord.

"Anong gagawin mo doon? May meeting kayong mga Warlords? "

Napansin kong napakunoot ang noo niya sa tanong ko.

"Bakit? Dun ang meeting place ninyo diba?"dagdag kong tanong.

"How did you know na ang Apex Mansion ay ang meeting place ng lahat ng Warlords?"nagtatatakang tanong niya.

Napailing ako. Ano bang dapat kung isagot dito. Mabubuking pa ako sa kagagahan ko.

"Alam ko dahil matalino ako. Nag research ako."pagsisinungaling ko.

Napansin kong natawa siya.

"Matalino. Pero may ugaling makakalimutin."sabi niya sa mahinang boses na narinig ko naman.

Hindi ko nalang pinansin iyon. Akala lang niya makakalimutin ako. Matalas kaya ang memorya ko. Sinasadya ko lang namang maging makakalimutin kapag siya ang kaharap ko.

"Tara na. Kailangan before four ng hapon ay nandoon na tayo."

Pagkasabi niya na nun ay tumayo na siya sa kaniyang upuan. Kaya no choice na ako kung hindi sumama sa kanya. Napatingin ako sa ilang mga pagkain pang natitira sa lamesa. Sayang hindi pa nauubos lahat.

Napabuga ako ng hangin.

"Bilisan mo na!"sigaw niya na palabas  na ng Dining room.

Tinatamad na tumayo nalang din ako sa upuan ko at naglakad para sundan siya.

"Bakit ba kung saan-saan mo ako dinadala. Mamaya niyan mapahamak pa ako sa ginagawa mo."sabi ko.

Dahil nauna na siya sa akin lumabas ng mansion nila ay marahil hindi na niya iyon narinig pa.





___________________





Mahigit 20 minutes lang ang naging byahe namin papunta sa Crimson City. Malapit lang naman kasi ito sa Spectrum City kung saan nakatira ang Warlord na ito.

Pagkarating namin doon ay tumambad kaagad sa paningin ko ang napakalaking mansyon. Ito na ang Apex Mansion. Pagkababa namin ng sasakyan ay bahagya akong nagulat ng biglang ihagis sa akin ni Ashter ang isang napakabigat na envelope.

"Ano ito?"kunot noo kong tanong ko.

"Mga importanteng papeles tungkol sa mga negosyo ko. Pakibitbit nalang."sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. So, sinama niya ko rito para gawing katulong na taga dala ng mga gamit niya. Nga pala, slave kasi ako.

"Sumunod ka sa akin."sabi niya at mabilis akong tinalikuran. Naglakad siya papasok sa loob ng mansyon.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon