Kurou
"What?!"gulat na bulalas niya.
Halos napapikit ako sa gulat ng pagsigaw niya.
"Lilo? Hindi pwede!"patuloy niya pang pagtanggi.
Napabuga ako ng hangin. Sabi na nga ba, ganyan ang magiging reaksyon niya.
"Sige na pumayag ka na. Isa rin kasi sila sa mga ma-miss ko kapag umalis na ako."mahinang sabi ko.
Nakita ko kung paano lalong sumimangot ang mukha niya. Naisip ko kasi na kahit paano gusto kong makasama ang ilang kaibigan ni Ashter bago ako umalis dito.
"Fine."tipid niyang sagot at naglakad palayo ng hindi man lang ako nililingon.
Alam kong naiinis iyon dahil sa sinabi kong pag alis ko. Aalis naman talaga ako kaya nga sinabi ko na sa kanya. Ayokong umasa siya na laging kaming magkasama. Sa oras na umalis ako ay iyon din ang pagtatapos ng misyon na ito. Nakuha ko na ang gusto ko. Minahal niya ako kahit hindi ako ang babaeng pinangarap niya noon pa lang. Nagawa kong burahin sa isip at puso niya ang babaeng una niyang nagustuhan. Nakakatuwa lang dahil ang babaeng iyon ay ako rin naman.
Nabalik ako sa reyalidad ng may biglang tumapik sa balikat ko.Ang mukha kaagad ni Apoy na nakangiti ang una kong nakita.
"Anong nagustuhan mo sa kapatid ko?"bigla niyang na itanong.
Napaisip ako sa tanong niya. Ano nga ba? Noong una naman kasing mapadpad ako rito ay trabaho lang ang focus ko.Wala akong pakialam kahit gwapo, mayaman at isang warlord king si Ashter. Karamihan kasi ng babae nagkakagusto sa isang lalaki dahil sa mga katangian na iyon. Pero ako bigla nalang nangyari. Siguro nga totoo iyong sinabi ni avira na minsan sa hindi mo inaasahang tao kapa magkakagusto. Like sa mga romance story na mortal na magkaaway ang bidang lalaki at bidang babae. Kahit galit sila sa isat isa. Hindi nila inaasahan na magkakagustuhan sila.
"Tsss....pinag isipan mo pa talaga."umiiling iling na sabi ni Apoy.
"Basta mahal ko siya "nakangiting sagot ko kay Apoy.
"Yeah, sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka ng isang iyon. Itutumba ko kaagad siya."
Umiling iling ako sa kanya.Baka nga ako pa ang makapanakit ng damdamin ni Ashter.
_____________________
Ilang oras na ang lumipas buhat ng sumama sa amin ang grupo ni Apoy sa pamamasyal at hindi pa rin umiimik si Ashter. Katulad nalang ngayon, busy ang grupo ni Apoy sa panonood ng mga kung ano anong palabas na isinasagawa dito sa West Grinham Town. Pero si Ashter, nakaupo sa isang sulok at nakatingin sa kawalan. Sumenyas ako kay Apoy na sasamahan ko si Ashter. Mukha namang naintindihan niya iyon dahil tumango lang siya sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit kay Ashter at umupo sa tabi nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko naisipang kausapin siya.
"Uy, galit ka?"alinlangan na tanong ko.
"Ano sa tingin mo?"sagot niya na nanatiling nakatingin sa malayo.
"Sorry na."mahinang sabi ko.
Ilang segundo ring natahimik kaming dalawa na tila pinakikiramdaman ang isat isa.
"Hindi ako galit, naiinis lang ako dahil ito sana ang unang araw ng date natin na mag e-enjoy tayong dalawa. Pero dahil sa mga asungot na iyon ay hindi natuloy ang gusto kong mangyari."nakabusangot na sabi niya.
Natawa ako ng mahina. Para siyang bata kapag nakasimangot siya.
"Sige na. Ako ng bahala."
Napatingin sya sa akin ng sabihin ko iyon. Lumingon ako sa direksyon nila Apoy na nasa malapit lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/52101107-288-k848953.jpg)
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...