Ashter
Kahit sobrang ingay ng paligid at walang tigil ang pagtatanong ng mga kaibigan ko sa babaeng nagpapakilalang Kurou. Sa isang tao lang nakatuon ang atensyon ko. Kanina ko pa siya gustong makausap ng personal. Yung kami lang dalawa. Pero dahil nagyaya na agad ang mga kaibigan ko na pumunta sa cafeteria dahil lunch break ay hindi ko na nagawa pang kausapin siya.
Sabay-sabay kaming pumunta dito. Napatingin ako kay Lilo ng mapansing tahimik siya katabi ni Anilyn at Chinelyn.
Napailing ako. Obvious na wala siyang ganang kumain kahit mga paborito niya pang pagkain ang nasa harapan niya. Natuon ang atensyon ko ng magsalita yung si Kurou na ngayon ay nasa tabi ko. Siya ang kusang tumabi sa akin.
"I'm happy na marami kaagad akong nakilala dito sa bago kong school. Sana pwede ko kayong maging friends "nakangiting sabi nitong babae na nagpapakilalang si Kurou.
"Oo naman, malaking bagay iyon sa amin. Dahil ang isa sa pinaka sikat na boss ng Bonfiglio clan ay nakakasama namin ngayon " masayang sabi ni Ron-ron.
Napatango sa kaniya si Trey.
"Tama iyon. Nasaya rin kaming maging kaibigan ka. Lalo na si Boss."sabi niya sabay sulyap sa akin.
Hindi ako umimik. Nanatili lamang akong kumakain. Napansin ko ang pagngiti ng nakakaloko ni Trey at Ron-ron sa akin.
Habang si Kiba at Spencer ay tahimik lang din na nakamasid. Tinignan ko din si Anilyn at Chinelyn. Parehas silang nakasimangot habang nakatingin kay Kurou. Si Enma naman ay papalit palit ang tingin kay Lilo at Kurou.
Muli kong tinignan si lilo. Hndi ko na napigilan pa ang sarili kong kausapin siya. Magkatapat lang kami ngayon.
"Lilo, ayaw mo ba ng pagkain? Anong gusto mo?"tanong ko.
Ramdam ko ang tingin ng lahat sa aming dalawa. Hindi ko iyon pinansin.
"Wala kong gana. Nag da-diet ako."nakangiwing sagot nito.
Napailing ako. Ayan na naman siya sa dahilan niya. Narinig ko ang pagtikhim ni Kurou na nasa tabi ko.
"Gusto ko rin na makilala ng lubos si Ashter "dagdag nito.
Humalakhak si Enma sa narinig.
"Bagay kayo!"nang aasar na sabi niya.
Nagsitawanan ang mga kaibigan ko sa sinabi nito. Maliban kay Kiba. Ako naman ay sumimangot. Parang hindi ko yata gusto ang sinabi niya.
"By the way, Kurou. Bakit nandito ka sa Spectrum City? Hindi ba may mission ka? Natapos mo na ba?"curious na tanong niya.
Hindi kaagad naka sagot si Kurou. Napansin kong natigilan siya.
"Tsaka, bakit ka nag aaral ulit? Sa pagkakaalam ko sa ugali mo. Ayaw na ayaw mo ng school. Home schooling kayo diba?"nakangising tanong pa ni Chinelyn.
Napatitig ako ng diretso kay Kurou. Gusto kong malaman kung anong isasagot niya sa mga tanong ni Chinelyn.
"Ah, kasi naisip kong magkaroon ng experience sa pagpasok sa totoong school kaya nandito ako. Iyong about naman sa mission. Matagal ko ng natapos iyon."sagot niya na may garalgal na boses.
"Anong mission iyon?"singit sa usapan ni Anilyn.
"Confidential, eh. Sana maintindihan ninyo "nakangiti nitong sagot kay Anilyn.
"Tama na iyan. Kumain na kayo."pag aawat ni Ron-ron kay Anilyn at Chinelyn.
Inirapan naman siya ni Anilyn. Dedma lang si Ron-ron at muling itinuon ang tingin kay Kurou.
BINABASA MO ANG
Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)
ActionSi Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang...