Chapter 13

1.8K 69 1
                                    





Kurou





Napadilat ako ng may maramdamang ibang tao sa paligid ko. Ang nakabusangot na mukha ni Jirou ang una kong nakita sa araw na ito. Ipinikit ko nalang muli ang mga mata ko at piniliti makatulog ulit pero nagulat nalang ako ng bigla niyang huma sa braso ko. Dahilan para mapabangon ako sa kama at mapaupo nalang.

"Anong problema mo?"nakasinghal na tanong ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako.

"Tumayo ka diyan at dalawin mo si ichirou sa kwarto niya."sagot nito.

Inis na napailing ako sa narinig.

"Kainis ka. Ginising mo ako para lang sabihin iyan."

Naningkit ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Alam kong napaka close niya sa babaeng iyon kaya't masama ang loob niya sa akin. Dahil hindi ko sila tinulungan para sagapin si Ichirou.

Ang isang iyon kasi na lagay daw sa alanganin dahil sa misyon niyang ginagawa ngayon.

"Alam mo napakawalang kwenta mo. Dyan ka na nga. Sinasayang ko lang ang oras ko saiyo."padabog na sabi niya at dire-diretsong lumabas na ng kwarto ko.

Napabuga nalang ako ng hangin. Inaamin ko naman sa sarili ko na wala talaga akong kwentang kaibigan o kasama. Pero sorry nalang siya dahil hindi ko talaga sila matutulungan nun sapagkat busy rin ako.

Napailing ako ng makitang pasado ala-syete na ng umaga sa wall clock na nandito sa kwarto ko. Balak ko pa naman sanang matulog kaso hindi na pwede. Kailangan ko pang pumasok sa school.

Dali-dali na akong nagbihis para makapasok ng maaga. Naalala ko kasing sinabihan ako ni Ashter na maaga akong pumasok ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit pero siguradong uutusan lang ako nun.

Nang makatapos na ako ng ritual ko sa umaga. Agad na akong lumabas ng kwarto ko. Nakaramdaman ako ng gutom kaya naisipan kong pumunta ng Dining room. Saktong nakita ko ang pa-epal na si Rokurou na naghahain ng agahan.

"Morning, Kurou."bati niya ng makita ako.

Napatango lang ako bilang tugon at umupo na sa pinakamalapit na upuan.

"Papasok ka na?"tanong niya.

Tumango lang ulit ako at mabilis na kumuha ng tinapay na nakahain sa lamesa. Napataas ang isang kilay ko ng umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Okay na siya. Medyo maraming galos nga lang ang natamo niya dahil kay Alvise. Pero ang mahalaga,  safe na siya."biglang sabi nito.

Kahit hindi niya tumbukin kung sino ang kaniyang tinutukoy ay agad ko itong nahulaan.

Obviously si Ichirou.

Bindi nalang ako nagsalita at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Bakit hindi mo subukan na makipag bonding sa amin. Malay mo, mag click tayong sampu. Mas maganda iyon dahil lalong magiging happy si Boss."sabi pa niya.

Napakunot noo ako dahil dun.

"Mukhang nagbago na yata ang pananaw mo sa buhay?"tanog ko.

Sa pagkakakilala ko sa isang ito. Wala siyang paki kahit hindi kami magturingan na magkakaibigan dito sa Bonfiglio Famiglia. Ang mahalaga ay magkaka-grupo kami.

"Hindi naman. Naisip ko lang na hindi masamang ituring ko kayo bilang kaibigan bukod sa kasamahan."paliwanag niya.

Ikinibit balikat ko nalang iyon. Hminom ako ng tubig at tumayo na. Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag kong dala at naglakad paalis. Tinawag niya pa ako dahilan para tumigil ako sandali at lingunin siya.

Bonfiglio Famiglia2- (Kurou/The 9th Capo Bastone)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon